Marco Alcaraz says he's not yet courting Precious Lara Quigaman

IMAGE 0


"Wala pang ligawang nangyayari, at huwag naman sanang pangunahan. Kaka-split pa lang niya doon sa boyfriend niya. Kumbaga, nahihingahan lang niya ako ng sama ng loob. Text-text lang naman kami. Konting palitan ng jokes. Ganoon lang. Minsan, nanonood kami ng movies. Marami kaming magkakasama," says Marco Alcaraz about 2005 Miss International Precious Lara Quigaman.


Happy si Marco Alcaraz dahil maganda ang reviews sa pelikulang Pitik-Bulag na nagtampok sa kanya at nagsilbing launching movie niya. Rated A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB). Malaki ang pasasalamat ni Marco sa direktor nitong si Gil Portes, na kahit classified as a sexy indie ang pelikula, ito ay nabigyan pa rin ng prestige. Hindi naging patakbuhin, 'ika nga.

Isa rin si Marco sa mga tampok na artista sa Rosalinda, ang bagong teleserye ng GMA-7 na pinagbibidahan ng baguhang si Carla Abellana, kapareha si Geoff Eigenmann. Sa success ng pelikula niya, heto at sumiklab ang bagong chikang nagkakamabutihan naman daw sila ni Precious Lara Quigaman.

"Wala pang ligawang nangyayari, at huwag naman sanang pangunahan. Kaka-split pa lang niya doon sa boyfriend niya. Kumbaga, nahihingahan lang niya ako ng sama ng loob. Text-text lang naman kami. Konting palitan ng jokes. Ganoon lang. Minsan, nanonood kami ng movies. Marami kaming magkakasama.

"Naging close kami dahil kay Valerie [Concepcion]. Matagal na kaming magkaibigan ni Valerie at naging close sila noong si Lara ay part pa ng Wowowee, at dahil doon, nagkakilala rin kami ni Lara. It's too early to tell, kasi kaka-break pa lang niya doon sa ex niya," sabi ni Marco sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Wala pa naman daw isang buwan silang nagba-bonding ni Precious. Nadiyadiyahe nga siya dahil kumalat agad ang balita tungkol sa kanila. May mga nakakakita na kasi sa kanilang magkasama sila.

CARLA & KATRINA. Nagkasama sina Marco at Marian Rivera sa Dyesebel, at ngayon naman, ang katrabaho ng binata ay si Carla Abellana sa Rosalinda. Naitatanong tuloy sa kanya kung may comparison ang dalawa.

"Hindi ko pa talaga nakakasama nang matagal si Carla," pauna ni Marco. "Kakaumpisa pa lang ng pagte-taping ko at hindi rin kami madalas na magkaeksena. Siguro, darating yung part ng story na magkakatagpo kami. Pero iisa rin kasi ang manager namin, si Arnold Vegafria."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "She's willing to learn. Kinakausap nga niya kami na sana'y tulungan namin siya. Kapag ganyan ang isang baguhan, masarap talagang suportahan."

Ang madalas na nakakaeksena ni Marco ay si Katrina Halili. Lumalabas na magkarelasyon sila sa nabanggit na teleserye.

"Katrina deserves pa rin respect," pagdidiin ni Marco. "Sa trabaho, parang wala namang problema. Nag-uusap kami, pero respeto na rin lang, hindi na namin tina-touch pa ang topic tungkol sa nangyari sa kanya. Maski video at pictures, hindi ko pinapanood, bilang respeto na lang sa kanya. Kilala ko kasi siya. Sobrang sensitibo ang isyu."

May mga curious na nagtatanong kung na-try na niyang i-video ang sarili niya habang nakikipag-sex. Natawa na lang siya.

"Picture-picture lang sa camera, tapos binubura na!" natatawang sabi niya. "Pero walang sex video. Karaniwan, yung normal lang na intimate, pero hindi actual sex."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN