Sheryl Cruz says no to dating while divorce from husband Norman Bustos is in process

IMAGE 0


"I did what I can to save our marriage...our family. I tried to get us into marriage counseling. Baka sa paraan na 'yon, something good might come out of it. Pero wala akong magawa kung si Norman mismo, ayaw niya. It wouldn't work kasi kung ako lang ang nagpupursigi to save the marriage. It's sad, pero matagal ko bago natanggap 'yon," says Sheryl Cruz.


Natutuwa si Sheryl Cruz dahil muli siyang gaganap bilang ina ni Geoff Eigenmann sa bagong primetime show ng GMA-7 na Rosalinda. Una silang naging mag-ina sa SRO Cinemaserye Presents Ganti.

Wala raw problema kay Sheryl kung mother roles na ang ibinibigay sa kanya. Ang importante raw ay hindi lang siya pang-display sa show.

"I am very thankful sa mga roles na binibigay sa akin ng GMA-7. Kahit nga mga mother roles na, but still, may malaking kinalaman sa takbo ng istorya. I've played mother na to so many new stars; like Nadine Samonte [Now & Forever Presents Ganti and Bakekang], Yasmien Kurdi [Now & Forever Presents Tinig], Iwa Moto [Luna Mystika], and kay Geoff nga.

"Sa totoo lang, I enjoy doing it. Bukod nga naman sa trabaho ito, you get to still work with many new people in the business. At least nakikilala pa rin nila si Sheryl Cruz," nakangiting pahayag ni Sheryl sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Rosalinda last Tuesday, June 30.

HE WANTED OUT. Kinumusta namin kay Sheryl ang estado ng kanyang pakikipaghiwalay sa kanyang mister na si Norman Bustos.

"Ongoing pa rin naman ang lahat," sabi niya. "I can't make kuwento about it kasi nasa mga abogado na namin ang lahat. Medyo matatagalan pa 'yon, pero I am praying na maging mabilis na para makapag-move on na kaming dalawa ni Norman."

Naikuwento rin ni Sheryl na kung siya lang daw ang masusunod, hindi raw aabot sa maghihiwalay na sila nang tuluyan ng kanyang mister. Ayaw raw kasi niyang maranasan ng kanilang anak na si Ashley ang magkaroon ng isang broken home gaya niya.

"I did what I can to save our marriage...our family. I tried to get us into marriage counseling. Baka sa paraan na 'yon, something good might come out of it. Pero wala akong magawa kung si Norman mismo, ayaw niya. It wouldn't work kasi kung ako lang ang nagpupursigi to save the marriage. It's sad, pero matagal ko bago natanggap 'yon," sabi ni Sheryl, na anak ng yumaong aktor na si Ricky Belmonte at ng dating aktres na si Rosemarie Sonora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw makapaniwala si Sheryl na dumating ang pagkakataon na sinabi sa kanya ni Norman sa kanya na gusto na nitong makawala sa relasyon nila bilang mag-asawa.

"That was the most painful part. Binuhos mo na lahat, nagsakripisyo ka na, minahal mo lahat ng mahal niya, pero in the end, he wanted out of the marriage. I gave up a lot for our family para normal ang buhay namin. I didn't see it coming, e.

"Kaya iniyakan ko 'yan nang matagal. I always ask myself, 'Where did I go wrong?' God knows that I wanted to save us. Pero it all came to this," madamdaming kuwento ni Sheryl.

NO TO DATING. Ngayon at magkahiwalay na sila, wala pa raw balak si Sheryl na magkaroon ng kapalit sa puso niya si Norman. May mga gusto nga raw na makipag-date sa kanya, pero tumatanggi siya dahil may divorce proceedings siyang pinagdaraanan.

"It's hard to believe, pero I am not dating anybody. Totoo 'yan. Ayoko kasing maging complicated ang lahat, lalo na't I have a pending divorce. Mahirap na yung may tsismis sa akin kasi madaling kumalat ang balita. High-tech na ang mundo at ang simpleng litrato na nakikipag-dinner ako with somebody will turn into something else. It will only prolong the divorce case kaya careful ako sa maraming bagay. As long as walang makitang problema, magiging maayos ang lahat at mabilis na maga-grant ang divorce papers namin."

Si Norman kaya ay may iba nang pinalit sa kanya?

"Alam n'yo, wala akong alam sa mga ginagawa ni Norman ngayon," sabi ni Sheryl. "To be honest about it, I don't ask him about what he is doing or kung may dine-date na ba siyang iba or kung may girlfriend na ba siya. The only times na nagkakausap kami is when he wants or I want him to talk to our daughter. Yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I feel kasi na I don't have the right anymore to ask him what's going on with his life. Gano'n din naman siya sa akin. He never asked me anything. Separate lives na kasi kami. Ang pinaka-connection na lang namin is Ashley. Kung may gusto siyang sabihin sa akin or kung may gusto akong sabihin sa kanya, it's always through our daughter na lang."

Ang konsolasyon na lang daw ni Sheryl sa nangyaring ito sa kanyang buhay ay ang kanilang anak na si Ashley, na nagpapalakas sa kanya parati.

"Ayokong makita ng anak kong umiiyak ako. Kaya kahit front lang na masaya ako, ginagawa ko. Pero matatalino na ang mga bata ngayon. Nakakaramdam na sila when something is not right. What my daughter does is she embraces me lalo na kapag alam niyang malungkot ako. My daughter is my strength...my life. I am so glad to have her in my life. Kahit na nasa malayo ang daddy niya, she knows that I will always be here for her no matter what happens," pagtatapos ni Sheryl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN