Narda is the official title of Marian Rivera's Darna TV series

IMAGE 0


Marian Rivera will play the superhero Darna and her alter-ego Narda in the TV remake of Mars Ravelo's classic comics character.


It's Darna versus the classic comics villains for the Marian Rivera version of the popular Pinay superhero.

Nag-story conference na noong Miyerkules, July 1, ang upcoming primetime series ni Marian sa GMA-7, Narda.

Narda ang titulo at iikot na lang ito para mabasang Darna. Si Dominic Zapata ang director nito sa head writing ni Jun Lana.

Classic Darna ang mapapanood sa version ni Marian. Pilay si Narda rito tulad ni Gina Alajar (na gumanap na Narda sa Darna and The Planetman ni Gina Pareño) at Vilma Santos sa Lipad, Darna, Lipad at Darna and the Giants).

Ang mga kalabang isinulat ni Mars Ravelo sa comics ang makakalaban ni Darna, pawang mga babae lahat ngunit may mga kontrabida ring lalaki.

Ang limang napiling kontrabida ay sina Iwa Moto bilang Valentina, ang Babaeng Ahas; Nadine Samonte bilang Babaeng Impakta; Isabel Oli bilang Babaeng Tuod; Maggie Wilson bilang Babaeng Lawin; at Ehra Madrigal bilang Babaeng Linta. Pero baka pagpalitin sina Maggie at Ehra ng mga papel nila.

Isang Mark na lang din ang makakasama ni Marian—si Mark Anthony Fernandez—dahil inalis na sa soap si Mark Herras. Bibigyan na lang ng bagong primetime show ng GMA-7 ang StarStruck winner kasama si Jennylyn Mercado pagkatapos ng kanilang matagumpay na pagbabalik-tambalan sa Sine Novela na Paano Ba Ang Mangarap?.

Kasama rin sa cast ng Narda sina Raymart Santiago, Paolo Contis, at Gabby Eigenmann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN