Dennis Trillo says official breakup with Cristine Reyes happened last May

IMAGE 0


"Since the start ng relationship namin, parang wrong timing, on and off ang relasyon namin. Tuwing maghihiwalay kami, dahil may problema na hindi namin nabigyan ng solusyon. Kaya nag-decide na kaming tapusin talaga ang relasyon namin. Officially, last May pa yung breakup kaya nagtataka ako na ngayon lang ito lumabas," says Dennis Trillo about his relationship with Cristine Reyes.


Mukha talagang astig ang outfit at hitsura ni Dennis Trillo, na tila sinadyang hindi nag-ahit, nang dumating siya sa presscon ng kanyang first full-length feature digital film, Astig, kahapon, July 2 sa Cafe La Carmela sa Makati City.

Produced by TV host and talent manager Boy Abunda and Boy So of La Carmela, and directed by GB Sampedro from the script of Jerry Gracio, isa ang Astig sa 10 competing films sa 2009 Cinemalaya Film Festival. Sa July 18 ang world premiere ng Astig sa CCP Main Theater.

Bakit siya pumayag na gumawa ng isang indie film for the first time?

"Sa ganitong movie, nagagawa mo ang hindi mo puwedeng gawin sa isang mainstream movie," sagot ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Dito, malaya kang gawin ang gusto mo, puwede kang magmura. Sana lang magustuhan ito ng mga fans, o baka ito naman ang hinihintay nilang ibang character ni Dennis Trillo na hindi nila napapanood sa TV o sa mga pelikulang ginagawa ko."

Inilarawan din ni Dennis ang role na ginagampanan niya.

"Hindi kami tumanggi ng manager ko [Popoy Caritativo] nang i-offer at mabasa ko ang script," sabi niya. "I will play the role of Ariel, na nagtatrabaho sa isang shop sa C.M. Recto [street in Manila] na gumagawa ng fake diplomas and other documents. Sa gabi naman, manggagantso ako ng mga matrona. Kung anu-ano ang alibi ko na kunwari student ako na kulang ang pambayad sa tuition fee para lang makakuha ng pera sa kanila. Mami-meet ko and I will fall in love with a sweet girl, si Glaiza de Castro. Pero iiwanan ko rin siya dahil wala akong maibibigay na magandang future sa kanya."

Dagdag ni Dennis, "Nag-enjoy ako sa shooting ng Astig. Magagaling lahat ang mga kasama ko: sina Sid Lucero, na nakasama ko na noon sa Etheria, si Edgar Allan Guzman, at Arnold Reyes. Parang binalikan ko yung high school and college days ko na nakakapasyal ako sa Recto at Quiapo dahil doon ang location namin. Mahusay si Direk GB, na first time ko ring naging direktor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTINE REYES. Kinuha rin siyempre ng PEP at iba pang entertainment press ang reaksiyon ni Dennis sa mga naging pahayag recently ni Cristine Reyes tungkol sa relasyon nila. Ayaw na sanang pag-usapan ng aktor ang tungkol dito, pero hindi pumayag ang entertainment press na hindi niya sagutin ang mga tanong sa kanya. (Click here to read related story.)

Bakit sinabi nila noon ni Cristine na matagal na silang break, pero two months ago lang pala nangyari ang hiwalayan nila?

"Siguro, dahil we tried na ayusin ito pero hindi naging successful," seryosong sagot ni Dennis. "Since the start ng relationship namin, parang wrong timing, on and off ang relasyon namin. Tuwing maghihiwalay kami, dahil may problema na hindi namin nabigyan ng solusyon. Kaya nag-decide na kaming tapusin talaga ang relasyon namin. Officially, last May pa yung breakup kaya nagtataka ako na ngayon lang ito lumabas."

Ayon kay Cristine, kung babalikan siya ulit ni Dennis, pag-iisipan daw niya ito nang matagal. May balikan pa kayang magaganap?

"Sa akin kasi, kung wala na, wala na talaga," sagot ni Dennis. "Time na to move on at, ako, ini-enjoy ko na ang pagiging single ulit. Mas focused ako sa career ko at mas may time ako sa anak kong si Calix."

Iniyakan daw ni Cristine ng ilang linggo ang balitang nakita silang magka-date ni Kaye Abad, ganoong may usapan daw silang hindi sila puwedeng makipag-date pa kahit break na sila. Si Kaye ba ang third party sa breakup nila?

"Wala pong third party sa paghihiwalay namin," diin ni Dennis. "Aksidente lang yung pagkikita namin ni Kaye. Matagal na kaming friends ni Kaye, dahil hindi man kami nagkasama sa isang show, madalas naman kaming nagkikita noon sa ABS-CBN, noong nandoon pa ako. Medyo nagkagulatan nga kami nang magkita dahil matagal na kaming walang balita sa isa't isa since nag-transfer ako sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, ang inaalaala ko na lang yung magagandang pinagsamahan namin ni Cristine. Ayaw ko nang isipin yung mga away-away namin noon. Lahat ng paghihiwalay, mabigat, pero 'yon lang ang solusyon para pareho kayong maka-move on."

May balitang inaayos ang paglipat muli ni Cristine sa GMA Network. If ever makabalik siya, willing ba si Dennis makatrabaho ang kanyang ex-girlfriend?

"Wala namang masamang tinapay sa akin pagdating sa work. Pero hindi ko pa alam kung ready na akong makatrabaho siya ulit. Tingnan na lang natin," sabi niya.

Ano ang masasabi ni Dennis na si Cristine ang No. 1 sa listahan ng FHM Philippines' Sexiest Women in the World this year?

"Masaya ako kung anuman ang success na tinatanggap niya ngayon," sambit niya. "I wish her all the best in her career at sana makakita na siya ng bagong magmamahal sa kanya.

"As of now, hindi ko pipilitin ang sarili ko na magka-girlfriend. Darating ulit 'yon. Nakikipag-date ako paminsan-minsan, pero friendly date lang 'yon. Mas may peace of mind na ako ngayon,."

CARLENE AGUILAR. Kumusta naman sila ni Carlene ngayon? Alam ba nito na break na sila talaga ni Cristine?

"Mas maganda ang relasyon namin ni Carlene ngayon," sagot ni Dennis. "Nakakatulog na sa bahay ko si Calix dahil magtu-two years old na siya at hindi na masyadong alagain. Minsan ko nang nabanggit kay Carlene yung breakup namin ni Cristine, parang in passing lang, pero hindi na namin pinag-usapan 'yon."

Parehong kasali sa Sexiest Women list ng FHM Philippines sina Cristine at Carlene at malaki ang chance na magkita sila sa presentation ng mga nakapasok sa listahan. Wish ba ni Dennis na magkabati na ang dalawa, na minsan ding nag-away dahil sa kanya?

"Yes. Sana nga magkabati na sila at mas maganda kung maging friends na sila," maikli niyang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN