Stars and Businesses: Valerie Concepcion now a franchise owner of nail salon

IMAGE 0

The 21-year-old host-actress Valerie Concepcion puts


May kabuluhan ang kinapupuntahan ng perang kinikita ni Valerie Concepcion sa showbiz. Sa katunayan, isa ng businesswoman ang Wowowee host.

Kakakuha lamang nito ng franchise ng Posh Nails Salon na ang specialization ay hand and foot treatments—such as manicures, pedicures, and hand and foot massages.

Sa The Fort, sa bandang Venetian Mall na under construction pa, ang location ng 86-square meter establishment ni Valerie. Magbubukas ito sa darating August or September.

Bukod dito, may franchise na rin si Valerie ng Aquaquest Mineral Water station, pati na rin ng Magic Waffle.

Ang Aquaquest ay sister company ng Aquabest Mineral Water, na ini-endorso ni Gabby Concepcion. Coincidentally, parehong Concepcion sina Gabby at Valerie.

Parte ng talent fee ni Valerie bilang endorser ang franchise niya ng naturang mineral water refilling station, kasama ang Laundry Quest na isa namang laundry shop.

NEW HOUSE. Bukod sa pagkakaroon nito ng negosyo, meron na rin siyang sariling bahay, na matatagpuan sa isang subdivision sa Quezon City. May land area ito na 344 square meters, apat ang bedrooms, may isang maid's quarters at four-car garage.

Ipinagmamalaki ni Valerie ang bahay niya dahil ito ay katas ng kanyang pawis, dugo at luha sa anim na taon niya sa showbiz-

mula pa noong nasa GMA-7 siya at nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan via the defunct youth-oriented show na Click, hanggang sa ngayon na isa siya sa mga regular female hosts ng Wowowee.

Bayad na ang kalahati ng kabuuang halaga ng bahay ni Valerie, at ang kalahati ay naka-loan sa bangko na binabayaran niya every month.

Kasama ni Valerie na nakatira sa naturang bahay ang mga magulang niyang sina mommy Mayette at daddy Rudy, ang nakatatandang kapatid na babae ng aktres, dalawang younger brothers, at ang kanyang daughter na si Heather Fiona, na palipat-lipat sa kuwarto ng mommy niya at ng lolo at lola nito kapag natutulog sa gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki, maganda at presko ang kabuuan ng bahay, na may Modern Asian na disenyo. Nagkaroon ito ng house blessing last April 3, at nagluto lang daw ng arroz caldo ang ina ni Valerie para sa pamilya at paring inimbitahan.

Lumipat sina Valerie sa house nila last April 5, Palm Sunday. At during the Holy Week na walang Wowowee si Valerie ay inunti-unti nilang ang paghahakot ng gamit.

Bukod sa Wowowee, Mapapanood din si Valerie sa Precious Hearts Romance Presents Bud Brothers kasama si Manuel Chua.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN