Carla Abellana touched by Marian Rivera's support at Rosalinda press launch

IMAGE 0


Carla Abellana has been finding it hard to sleep as Rosalinda nears its premiere telecast on July 6. "Nakakapraning pala talaga," laughed the debuting lead actress.



Sinorpresa ng original Thalia of Philippine Television na si Marian Rivera ang panibagong Pinay Thalia na si Carla Abellana sa pagpadala niya rito ng isang bouquet of red roses noong press launch ng bagong primetime series na Rosalinda last June 30 sa Studio 5 ng GMA Network Center.


Hindi inasahan ni Carla ang magandang gesture na iyon ni Marian. Nagulat na lang siya nang biglang iabot sa kanya ang isang bouquet ng pulang rosas pagkatapos ng press launch.


Binasa ni Carla ang nakalakip na card at natuwa siya sa mensaheng sinulat ni Marian.


"Kino-congratulate po niya ako dahil sa pagbibida ko sa Rosalinda. Nakakatuwa naman po itong ginawa ni Marian sa akin. Hindi ko talaga ito ini-expect. Imagine, she went out of her way para magpadala pa siya ng regalo sa akin.


"Kaya sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa magandang ginawa niyang ito. Kung tutuusin, she doesn't need to do this. Pero patunay lang na talagang mabait siya at sumusuporta siya sa mga bagong Kapuso na tulad ko. Kaya to Marian, thank you very much," ngiti ni Carla.


Simula nga noong magkakilala sila ni Marian, magaan na ang loob ni Carla sa kanya. Despite all ng mga sinasabing negative ng ibang tao kay Marian, mas nakikita nga ni Carla ang pagiging totoo at mabait na tao nito.


"Hindi naman po ako basta naniniwala sa mga kuwento-kuwento. Kapag nakaharap at nakausap mo na ang isang tao, doon mo lang makikita at mararamdaman ang pagkatao niya.


"With Marian, wala akong naramdaman na negative. Ang ganda-ganda po niya at napaka-pleasant ng personality niya. Tapos itong magandang ginawa niyang ito sa akin, nakadagdag pa sa pagiging mabait niyang tao," diin pa ni Carla.


SOMETHING FOR MARIAN, TOO. Kaya ngayon pa lang daw ay iniisip na ni Carla kung ano ang ireregalo niya kay Marian kapag nagkaroon na ng press launch ang pinagbibidahan nitong primetime series na Narda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Naku, ano ba ang puwede kong maregalo kay Marian? Lahat na yata nasa kanya na, e. Pero makakaisip din ako. Gusto ko ay yung masosorpresa rin siya," ani Carla.


Habang papalapit na ang premiere telecast ng Rosalinda (Monday, July 6), lalo nga raw kinakabahan si Carla. Ilang gabi na raw siyang hindi makatulog nang maayos dahil parati raw niyang naiisip ang pagpapalabas ng Rosalinda.


"Everyday ko na lang siyang naiisip, e. Nakakapraning pala talaga," tawa ni Carla.


"It's a make or break thing para sa akin itong Rosalinda. Kaya gano'n na lang ang kaba ko. Tuwing magte-taping nga kami, I see to it na lahat ay maayos. Na nagagawa ko ang mga gustong ipagawa sa amin ni Direk Maryo [J. delos Reyes]. Napaka-perfectionist kasi ni Direk Maryo. Lahat ng mga eksena namin ni Geoff [Eigenmann as Fernando Jose], maganda lumabas.


"Napapanood naman namin lahat ng mga scenes after the shoot. Minsan natatawa na ako kasi nga napapanood ko ang sarili kong umaarte. Nasanay lang ako sa mga commercials kasi. Iba na ito, e. But I am so blessed to have good people around me na tumutulong sa akin."


Base sa mga napanood na niyang mga episodes, anong assessment ni Carla sa kanyang performance?


"I really don't know, e. I want the audience to decide on that. Kaya nga sobra akong kinakabahan. Whatever the review is, I will learn from it. I am praying that Rosalinda does well para masaya kaming lahat."


Sa taping nga ng Rosalinda sa Taal, Batangas ay panay na ang punta ng maraming tao para makita si Carla in person. Panay ang tawag nila sa pangalan nito at ang tawag na nga sa kanya ay Rosalinda.


"Nakakatuwa ang mga tao rito sa Taal kasi excited silang makita kami parati rito na nagte-taping. Noong una kaming dumating dito, hindi po nila ako kilala. Naririnig ko pa nga na nagtatanong sila kung sino ako? Ang kilala lang nila ay si Geoff at yung ibang mga kasama ko. Okey lang naman kasi talagang hindi pa nila ako nakikilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Ngayon at napapanood na nila ang teaser ng Rosalinda sa TV, nakilala na rin nila ako. Kapag break namin, nandiyan sila sa may gate ng house na pinagte-taping-an namin at tinatawag na nila ang name ko.


"Natutuwa ako kasi ina-acknowledge na nila ako bilang artista na. Kaya ako, nakikipagkilala ako sa kanila. May nagpapa-picture na at nagpapa-sign ng autograph. Kaya alam ko na ang pakiramdam ng ibang mga kasamahan ko sa show. Masarap pala ang feeling na may mga natutuwa sa iyo at aabangan nga raw nila ang Rosalinda parati," pagtatapos ni Carla Abellana.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN