Kapamilya talent Aldred Gatchalian denies he's the "mystery guy" behind Kapuso star Kris Bernal

IMAGE 0


"Wala akong idine-deny dahil hindi naman kami at wala rin akong aaminin. Hindi rin namin itinatago ang relasyon namin dahil wala talaga," says Aldred Gatchalian about reports linking him to Kris Bernal (inset).


Unang narinig namin na may boyfriend diumano si Kris Bernal na talent ng ABS-CBN mula sa PEP (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Dinno Erece. Hindi lang alam nito kung sino ang lalaking yun.

Nagkataon namang nabanggit sa amin ng isa pang PEP contributor na si Rey Pumaloy, na nang manood si Kris ng concert nina Rihanna at Chris Brown noong November 16, 2008, hindi ang ka-loveteam nitong si Aljur Abrenica ang kasama ng young actress kundi ang Star Magic talent na si Aldred Gatchalian. Nag-one plus one kami at, bingo! nasagot ang sinasabing "mystery guy" sa buhay ni Kris.

Kaya nang makita ng PEP si Aldred sa press preview ng Bente noong July 2, Thursday, ang tungkol kay Kris ang itinanong namin. Gahol lang kami sa oras kaya hindi namin masyadong nadikdik si Aldred, na nag-deny with matching smile at labas ang kanyang dimples.

Muli naming nakita si Aldred sa presscon ng Bente na ginawa sa Oceana restaurant last Sunday, July 5, at nakapagkuwento na ito nang maayos sa pagkaka-link sa kanila ni Kris.

"Actually, ang sister ni Kris ang friend ko, ate niya," paliwanag ni Aldred. "Then, last year, nagkita kami sa birthday party ni Kitkat [comedienne] na common friend din namin. Napag-usapan naming manood ng concert ni Rihanna at Chris Brown, tapos naging friends na kami."

Friends nga lang ba sila? Bakit may mga nagsasabing boyfriend na siya ni Kris, na siya ang Star Magic talent na boyfriend ng Kapuso star? Bakit nagdi-deny siya ngayon?

"Walang ganun, friends lang talaga kami. Wala akong aaminin at wala akong ide-deny. Sila yata ni Aljur dahil sweet sila," sabi ni Aldred.

Nagseselos ba siya sa sweetness nina Kris at Aljur?

"Hindi naman. Bakit naman ako magseselos? Friends nga lang kami ni Kris," ulit niya.

How does he find Kris?

"Maganda siya, charming, at nakakatuwang kausap, hindi nauubusan ng kuwento. 'Katuwa," paglalarawan ni Aldred kay Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung nagkakausap pa sila, ibig sabihin may communication pa sila?

"Oo naman, nagkakausap pa rin kami," pag-amin ni Aldred. "After the Rihanna concert, lumabas pa kami, pero hindi na naulit dahil pareho kaming naging busy. May All My Life siya at ako naman, may Kambal sa Uma at Gaano Kita Kamahal, at nag-shooting pa ako ng Bente."

Puwede ba siyang magka-girlfriend na taga-GMA-7?

"Oo naman," sagot ng dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate. "Hindi problema kung taga-ibang network siya, parehong mundo naman ang ginagalawan namin. Open ako kahit sino ang maging girlfriend ko, pero si Kris, friend ko lang talaga."

Baka naman idine-deny niya lang si Kris?

"Hindi naman. Wala akong idine-deny dahil hindi naman kami at wala rin akong aaminin. Hindi rin namin itinatago ang relasyon namin dahil wala talaga," giit ni Aldred.

BENTE. Tuwang-tuwa naman si Aldred sa positive feedback sa acting niya sa Bente bilang matapang na aktibista. Nag-audition siya kay Direk Mel Chionglo nang malamang naghahanap ito ng aktor na ipapalit sa yumaong si Marky Cielo.

"Pareho nga kami ni Glaiza [de Castro] na hindi original choice sa role namin. Hopefully, masundan ang Bente ng maganda pang project. Nang una kong malaman kung sino ang makakatrabaho ko sa Bente, kinabahan ako dahil mga bigatin silang artista at yung eksena namin ni Senator Jinggoy [Estrada], kinabahan ako na hindi naman pala dapat dahil mababait sila sa akin," pagtatapos ni Aldred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN