Robin Padilla's camp rebuts Totoy Bato head writer's accusations

IMAGE 0


The manager of Robin Padilla (in photo) sent PEP a text message to answer the accusation of Suzette Doctolero (inset), head writer of Totoy Bato, that the action star interfered in the production of the primetime series.


Nakatanggap ng text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, July 7, mula sa tumatayong manager ni Robin Padilla na si Betchay Vidanes. Ang text message ay bilang sagot ng kampo ni Robin sa lumabas na artikulo rito sa PEP kahapon, July 6, tungkol sa hinaing ng head writer ng nagtapos na primetime series ng GMA-7 na Totoy Bato, si Suzette Doctolero.

Narito ang kabuuan ng text message ni Betchay Vidanes sa PEP:

"Magmula sa umpisa, walang ginawa si Robin na hindi alam ng aming Senior Production Manager na si Redgie Acuña-Magno at ng aming executive na si Joseph Boncalan. Ang tangi lang hinangad ni Robin ay ang mapaganda na hindi over budget ang palabas na Totoy Bato. Labis siyang nagsumikap na pag-ibayuhin ang Totoy Bato dahil iniingatan niya ang tiwalang ipinagkaloob ni Direk Carlo J. Caparas at ng GMA management nang siya ay bigyan ng ganitong kalaking proyekto. Ang pagmamahal at sakripisyo ni Robin sa trabaho at sa mga manonood ay sinuklian ng magagandang ratings at suporta ng mga advertisers. Maraming salamat sa lahat ng naniniwala. - Betchay Vidanes"

SUZETTE DOCTOLERO. Ang mga pahayag na ito ng kampo ni Robin ay tila taliwas naman sa isinulat ni Suzette Doctolero, head writer ng Totoy Bato, sa kanyang entry sa isang Internet forum. Ang kabuuan ng kanyang entry ay inilabas ng PEP kahapon.

Ayon kay Suzette, si Robin na raw "ang nagsusulat, nagdidirek, nag-e-edit, nasusunod sa lahat" pagdating sa taping ng Totoy Bato.

Narito pa ang ilang bahagi ng kanyang Internet entry, na inilalabas ng PEP nang walang pagbabago:

"We have scripts pero 10 percent lang ang sinusunod niya. 90 percent were his. So most of the time, pag nanonood ako, di ko alam ang nangyayari sa kwento, pati scenes, di ko kilala (maski production, walang magawa dahil alam nilang magwawala si RP 'pag di siya sinunod).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya di ko alam ang ending tonight [last Friday, July 3]. Hindi namin alam lahat! Si RP lang ang nakaka-alam and his own crew (yes, may sarili siyang crew: may sarili siyang director na di ko alam kung saan niya napulot, cameraman etc.-no, hindi sila part o empleyado ng gma) Kaya pag grainy ang napapanood nyo, at pabago-bago ang volume, at madilim: in short, parang high school production, sila gumawa nun. Oo, TB ang first indie soap hahahaha. Indie ganda!).

"Management cannot do anything also dahil palaging nagbabanta itong magwu-walkout sa show pag di siya sinunod. I can understand them, nakontrol ni Robin ang kwento in such a way, na pag mawala siya, di na tatayo ang show. In fairness, mautak siya.

"This, I am promising to myself: I will not work with him anymore. I hope my station will not get his services anymore. Isa siyang megalomaniac actor. Gusto niya siya lang ang bida. Gusto niya siya lang ang magaling. Hence, ang isang soap, na sa tingin ko ay maganda nung simula, pagdating sa gitna hanggang dulo, ang pangit-pangit-pangit na!

"Farewell party tonight, but the whole creative team is not attending (di ko pinilit na wag umattend ang team ko ha, ayaw din nila). Ayoko lang makipagplastikan. I'm sure makakarating ito sa kanya. I dont care. He already knows my discontentment (yun ay kung sinabi na sa kanya ng manager niya ang mga masasakit na sinabi ko). He ruined a once promising good show. Sayang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN