Jon Avila does not want serious relationship at this time

IMAGE 0


"I just don't want a serious relationship right now. Dating is fine, pero hanggang doon na lang muna. I know naman when the girl is right if she comes. That's the way it works. I believe in destiny," says Jon Avila.


After Kapitan Boom, Jon Avila will star in a new series, Pat Is Tin. Kung sa Kapitan Boom ay isa siyang superhero, sa Pat Is Tin ay gaganap naman siya bilang isang matabang lalaki dati na nang bumalik sa bansa ay pumayat na. He is paired here with Valerie Concepcion.

Ayon kay Jon, nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the story conference for the said show yesterday, July 7, "Masaya ako because makakatrabaho kong muli si Valerie. Kasi, nagkatrabaho na kami dati sa Metro Manila Filmfest, yung One Night Only. Si Valerie naman, okey naman siya, mahusay naman siya."

Second time na nila ni Valerie na magkasama. How does he find the young mom?

"Gumanda siya lalo. She looks good. She's nice. I always like Valerie kasi mataas ang energy niya," sambit ni Jon.

Habang wala pa siyang regular show noon, gine-guest naman daw siya sa ibang series ng ABS-CBN at maging sa ilang shows ng TV5. Paraan na rin daw yun para mas lalo pang mahasa ang pananagalog niya.

Kumusta naman ang pananagalog ng Filipino-Irish model turned actor?

"Okey naman, nag-aaral pa rin ako," sabi niya. "Pero kailangan ko pa rin matanggal yung accent ko. Kailangan kasi maging mahusay ang pananagalog."

MAGGIE WILSON.Ayon kay Jon, "dating-dating" lang daw siya ngayon. Pero okey naman daw ang lovelife niya.

What does he mean na okay naman ang lovelife niya?

"It's all dating lang talaga. Nothing serious because at this point, mahirap talaga."

Nangiti naman si Jon nang kamustahin ng PEP sa kanya ang Bb. Pilipinas-World 2007 Margaret Wilson, who admitted on television na there's something between the two of them.

"I don't know, parang wala na," nakangiti niyang sabi.

Bakit parang ang bilis yata?

"I don't know. Nag-date kami, then it didn't work out. Pero magkaibigan pa rin naman kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano katagal ang dating period nila? Di ba't may lumabas pa ngang balita na nakita silang naghahalikan sa Boracay?

"Maybe, it's two weeks... Honestly, we just didn't work out. Ganun. Parang naging busy ako, naging busy siya. Parang sa trabaho, e. Mahirap magkaroon ng relationship kapag may trabaho ka," paliwanag ni Jon.

Hindi namin alam kung nagbibiro lang si Jon nang tanungin namin ang ibig sabihin ng paghahalikan nila ni Maggie sa Boracay noon. "Wala akong trabaho nun," aniya.

Wala bang pagbabawal sa kanila, lalo na't iisa lang ang talent manager nila, si Neil de Guia?

"Hindi naman, wala naman. Alam naman ng manager namin. Hindi rin naman siya nagtatanong na," sagot ni Jon.

Nanghihinayang ba siya sa posible sanang mag-bloom into something yung sa kanila ni Maggie?

"Yeah, it just didn't work out. That's life," kibit-balikat niyang sabi.

We told Jon na posibleng magkaroon ng impression sa kanya na hindi siya nagseseryoso sa babae. Before Maggie, there was Rufa Mae Quinto na ang impression din noon ay naging sila.

"Ayaw ko munang mag-serious relationship. Trabaho muna, tapos lovelife," ulit niya.

Balitang may bagong boyfriend si Maggie ngayon na nakasama nito sa isang event recently. Hindi kaya si Jon lang talaga ang hinintay nitong magseryoso hanggang makahanap na ng iba?

"Sabi niya?" nakangiting tanong ni Jon. "Well, I don't know. I just don't want a serious relationship right now. Dating is fine, pero hanggang doon na lang muna. I know naman when the girl is right if she comes. That's the way it works. I believe in destiny."

Ayon kay Jon, two years ago pa raw ang last relationship niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN