UPDATED: Aljur Abrenica and Baron Geisler clash during shooting of movie in Bohol

IMAGE 0


Co-stars Baron Geisler (left) and Aljur Abrenica (right) were carried away during their fight scene in the movie I'll Be Waiting For You, that is being shot in Bohol.


Nagkainitan sina Aljur Abrenica at Baron Geisler sa shooting ng pelikulang I'll Be Waiting For You, ang launching movie nina Aljur at Kris Bernal sa Regal Entertainment.

Ayon sa napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nangyari ang insidente kaninang bandang 4:30 ng madaling-araw sa Bohol habang kinukunan ang fight scene ng dalawang aktor.

Ito ang kuwento ng PEP source na nakasaksi sa buong pangyayari:

"Tatadyakan at itutulak ni Baron si Aljur ang eksena then lalaban si Aljur. Susuntukin niya si Baron at aawayin siya ni Lloyd Samartino. Tinotoo ni Baron ang pagtadyak kay Aljur kaya nadala rin ang huli sa eksena.

"Nag-init si Baron dahil kinanti siya ni Aljur ng suntok. May mga sipaan at bunuan na nangyari, pero naawat sila nina Lloyd at Ana Capri na mga kaeksena nila.

"Nag-lecture pa si Baron kay Aljur na ayusin ang pag-arte bago ang stunts. Nagbanta pa siya na, 'Do that again and I will punch your face!'"

Idinagdag ng PEP informer na naging mahinahon si Aljur dahil hindi nito pinatulan ang init ng ulo ni Baron.

Ayon pa sa aming source, "Nalaman ni Mother Lily [Monteverde, producer ng project] ang nangyari at nagalit siya. Kakausapin daw niya si Baron at bibigyan ng sanction."

SECOND VERSION. Samantala, may pangalawang version na nakalap ang PEP kaugnay ng encounter nina Aljur at Baron.

Isang eyewitness ang nagsabi sa PEP na gabi-gabing lasing daw si Baron sa set. Mainit din daw ang ulo ng aktor at sinuntok niya si Aljur kaninang madaling-araw dahil ito ang kanyang napagdiskitahan.

May kuwento pa na ipinaihaw pa raw ni Baron ang isang parrot at ginawang pulutan. Pero napag-alaman later on na ang sinasabing "parrot" ay parrotfish, isang klase ng isda na kinakain daw talaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN