Star Cinema head explains why Angel Locsin could not accept offer to do Regal's Mano Po 6

IMAGE 0


"Gusto mang gawin ni Angel ang pelikulang Mano Po 6 na pagsasamahan nila ni Megastar Sharon Cuneta, sunud-sunod ang mga nakapilang proyekto ni Angel pagkatapos ng Only You... Nakausap ko na po nang personal si Mother Lily at naipaliwanag ko sa kanya ang mga dahilang ito kung bakit hindi magagawa ni Angel ang inaalok na project ng Regal Films," explains Ms. Malou Santos, managing director of Star Cinema, on why Angel Loc


Naglabas ng official statement ang managing director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng lead female star ng primetime teleserye ng ABS-CBN, Only You, na si Angel Locsin at ng Regal Entertainment.

Sa pinakahuling press conference cum thanksgiving ni Angel ay tinanong ang aktres kung posible ba na lumabas siya sa gagawing 2009 Metro Manila Film Festival entry ng Regal na Mano Po 6, na pagbibidahan ng Megastar na si Sharon Cuneta. Gusto raw kasi sana ni Sharon na makasama si Angel sa first movie na gagawin niya sa Regal. (Click here to read related story.)

"Exclusive po ako sa Star Cinema, e," sagot ni Angel. "Kaya medyo mahirap po. Kaya kahit gustung-gusto kong makatrabaho ang ating Megastar... Kasi para sa akin, hindi po makukumpleto yung career ko kung hindi ko makakatrabaho sina Ate Sharon, si Ate Vi [Vilma Santos]. Meron na rin po kasi akong gagawing dalawang movies sa Star Cinema. Yung una po, with Kuya Aga [Muhlach], yung isa ididirek naman po ni Direk Chito Roño. Hindi ko po alam kung kakayanin ng schedule ko."

Kasunod nito ay nagsalita naman ang kampo ng Regal, particularly si Mother Lily Monteverde at ang anak nito na si Roselle Monteverde. (Click here to read related story.)

"She was one of my babies once," sabi ni Mother. "As her mother, I got hurt because she had a commitment with me to do three more movies. But still I let go of this issue because I want her to grow."

Sinabi naman ni Roselle na ginagamit na naman daw ni Angel ang Regal sa kanyang press releases. "Hindi kami naghahabol [sa kanya]. Stars come and go," ani Roselle.

STAR CINEMA'S STATEMENT. Sa statement na inilabas ni Ms. Malou Santos, ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit hindi maaaring gawin ni Angel ang pelikula ng Regal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang nilalaman ng official statement ni Ms. Malou tungkol sa isyung ito:

"Marami na ang naglabasan tungkol sa sinasabing pagtanggi ni Angel Locsin sa pelikulang Mano Po 6. Gusto ko lang pong ipaliwanag na ang desisyon na hindi niya gawin ang project ay dahil sa kanyang mga naunang commitments sa Star Cinema at ABS-CBN kung saan siya ay isang exclusive contract artist.

"Gusto mang gawin ni Angel ang pelikulang Mano Po 6 na pagsasamahan nila ni Megastar Sharon Cuneta, sunud-sunod ang mga nakapilang proyekto ni Angel pagkatapos ng Only You. Sisimulan na niya ang dalawang pelikula—ang isa'y kasama si Aga Muhlach sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina at ang pangalawa ay ididirek naman ni Chito Roño.

"Pagkatapos ng dalawang proyektong ito, sisimulan na rin niya ang isa pang teleserye. Nakausap ko na po nang personal si Mother Lily at naipaliwanag ko sa kanya ang mga dahilang ito kung bakit hindi magagawa ni Angel ang inaalok na project ng Regal Films.

"Sana mabigyang linaw ng paliwanag na ito ang issue na lumalabas. Maraming salamat po sa patuloy ninyong pag-unawa at suporta kay Angel Locsin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN