Paloma: "Inaamin ko naman na sponsored ni Dra. Vicki Belo ang boobs ko!"

IMAGE 0


"Actually, matagal ko nang gustong magpa-tattoo sa paa. Hindi ko lang alam kung okey lang ba. Pero matagal ko nang gusto na 'Only God can judge me,' at ginawa ko lang siya sa Spanish para mas mukhang malandi," says Paloma about the tattoo on her foot (inset).


Sa press conference at contract signing ni Paloma bilang endorser ng Robust, isang dietary supplement para sa mga kalalakihan, naging kapansin-pansin sa amin ang tattoo ni Paloma sa kanyang kanang paa. Spanish words daw ang naka-tattoo sa kanya na ang ibig sabihin ay "only God can judge me."

Bilang isang sexy star na baguhan pero palaban, may koneksiyon ba ang tattoo niyang yun sa kung ano siya ngayon?

"Ay, oo naman! Actually, matagal ko nang gustong magpa-tattoo sa paa. Hindi ko lang alam kung okey lang ba. Pero matagal ko nang gusto na 'Only God can judge me,' at ginawa ko lang siya sa Spanish para mas mukhang malandi," sabi ni Paloma nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Yun ba ang talagang paniniwala niya sa buhay?

"Oo, kasi sa pinagdaanan ko, ang dami talagang maninira sa 'yo, magdya-judge sa 'yo. Kesyo ganito ka, ganito-ganyan, kahit na noong bago pa ako mag-showbiz. Pero mas lalo na noong pumasok na ako sa showbiz, mas marami na ang nagdya-judge sa akin. Minsan, sisiraan ka pa.

"Pero para sa akin, nobody can bring me down. Diyos lang ang puwedeng tumingin sa akin kung ano ba ako at kung sino ako. So, yun na lang ang palagi kong pinapasok sa utak ko, and it reminds me always," saad ng bagong sex guru ng FHM.

So far, ano ang pinaka-harsh na judgment ang narinig niya nang mag-artista siya?

"Wala pa naman na napaka-harsh," sabi niya. "Pero siyempre, may maririnig ka like sa mga friends mo na, 'Yang si Paloma, gawa naman ang mukha niyan!' Asan? Bakit nahahawakan ko ang ilong ko? Bakit, nakita na nila ako na walang makeup?

Pero ani Paloma, "Aminado naman ako sa boobs ko. Inaamin ko naman na sponsored ni Dra. Vicki Belo ang boobs ko!"

NO LIMITATION. Halatang na-excite si Paloma nang may nagbanggit na isa raw siya sa kinu-consider na gumanap sa remake ng pelikulang Temptation Island ng Regal Films. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, gusto ko 'yan! Gusto kong mapanood 'yan. 'Yan ang movie ng 1980s, di ba? Pinag-uusapan lang namin 'yan sa set ng Zorro," banggit niya.

Siya naman daw ang tipo ng sexy star na walang limitasyon sa pag-arte o sa puwedeng ipakita.

"Habang nandito pa po ang opportunity, go, go, go!" sambit ni Paloma. "Sa tingin ko kasi sa Pilipinas, kailangan lang nila ng starter. Habang walang nagsisimula na magpa-sexy. Tingnan mo, magsusunod-sunod na 'yan."

Ang goal ba niya ay ibalik ang sexy genre?

"Hindi ko naman goal na ibalik. Ako kasi, tinatanggap ko lang kung ano ang opportunity na ibinigay sa akin. So, masaya ako dun. Kung sinuman ang gustong sumunod, desisyon nila yun. Ako kasi, ito ang ibinigay sa akin," sabi niya.

Kaya ba niyang pangatawanan ang pagiging daring niya hanggang huli at hindi yung tipong pang come-on lang at pagtagal-tagal ay umaayaw na rin?

"Ako, kaya ko, yes!" sagot ni Paloma. "Pero hindi rin natin masasabi. Depende rin siyempre sa ibibigay sa akin. E, kung bibigyan ba ako ng role na hindi naman sexy, bakit hindi rin? Kung bibigyan ka ng role na pangit ka, bakit hindi?"

DINGDONG DANTES. Si Paloma ay graduate ng Fine Arts sa University of the Philippines. Kaya diretsahang sinabi ni Paloma na kung may lamang man siya sa ibang sexy stars, ito ay "may utak" siya.

"May utak ako at marunong akong makisama sa ibang tao. Hindi ako mahilig makipag-away. As much as possible, umiiwas ako sa ganyan," sabi niya.


Kahit sabihin pang sexy star ang packaging o imahe ni Paloma, hindi nawawala sa kanya ang wish na maka-partner si Dingdong Dantes.

"Si Dingdong Dantes talaga! Ang guwapo niya!" tila kinikilig pang sabi ni Paloma. "Pang-work lang 'to ha, hindi pang-totohanang buhay ko siya gustong makasama. Mahirap na. Magagalit si Marian [Rivera]. Ayoko ng kaaway, mabait akong masyado."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Crush ko lang siya. Gusto ko lang siyang maka-partner. Yun ay kung mabibigyan ako ng chance, di ba?"

PITIK-BULAG & ZORRO. Pagkatapos ng indie film na Pitik Bulag, may bago raw siyang pelikula na gagawin sa Regal Entertainment. Hindi pa raw niya alam ang follow-up project niya after Zorro, although meron na raw ayon sa kanyang manager.

Masaya rin si Paloma sa magagandang reviews sa kanya sa Pitik Bulag.

"Sa lahat po ng nagsulat, mahal ko na sila!" natatawa niyang sabi. "Nagpapasalamat po akong talaga. At saka si Direk Gil Portes po, magaling po talaga siyang mag-motivate.

"Tapos sa Zorro naman, talagang nagtatanong ako. Sila Ms. Jaclyn Jose, tinatanong ko sila. Hindi ako nahihiya. Kasi kung mahihiya na lang ako, walang mangyayari sa buhay ko, so I really explore.

"And I'm willing to pay for acting workshop. I really want to do that. Kasi, gusto ko, hindi porke't nag-aartista ka, 'O sige, artista ka, nagbo-bold ka.' Mas maganda yung marami kang alam."

INDECENT PROPOSALS. Hindi itinatanggi ni Paloma na marami na raw siyang indecent proposals from dirty old men (DOM).

"Actually, yung handler ko ang nagha-handle nun. Sabi ko, 'Kayo na ang bahala.' Ayoko, huwag n'yo akong anuhin. Dedma na lang ako. I changed my numbers a lot na! Minsan may mga texts na magugulat ka na lang. Actually, modeling pa lang. Pepresyuhan ka na agad. Nakakaloka, di ba?" sabi niya.

Prangka ang image na napo-project niya. So, never pa siyang nag-accept ng indecent proposal?

"Never talaga!" sagot niya. "May mga contract signing naman katulad nitong sa Robust, dietary supplement enhancer para sa mga lalaki. So, hindi na kailangan ng mga ganyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN