Rima Ostwani on boyfriend Diether Ocampo: "I'm very, very happy with him and I'm very contented."

IMAGE 0


"Kasi kahit na now wala siya sa politics, natutulungan naman niya lahat ng tao. Hindi na niya kailangan. He can offer siguro his support. Pero hindi na siguro kailangan," says Rima Ostwani when asked if she wants boyfriend Diether Ocampo to join politics.


Nagdi-distribute na ng mga pagkain si Diether Ocampo nang dumating ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na naimbitahan upang masaksihan ang feeding program ng aktor para sa 1,500 kids sa resettlement area sa Bolaon, San Fernando, Pampanga, last Saturday, July 18.

Taun-taon ay hindi nawawala sa selebrasyon ng kaarawan ni Diet ang magpakain ng mga bata with the help of his KIDS Foundation. But this year ang pinakamalaking feeding program na ginawa ni Diet for his birthday.

Present din sa feeding project ang non-showbiz girlfriend ni Diet si Rima, na nakausap ng PEP sa stage ng San Vicente School for Philippine Craftsmen. First time ni Rima na makasama sa ganitong proyekto ni Diet at first time din niyang nakasama ang aktor on his birthday (July 19 ang actual birthday ng aktor).

A NECKLACE FOR DIET. May birthday gift na ba siya kay Diet?

"Yung pagmamahal at suporta ko sa kanya," nakangiting sagot ni Rima. "Kami kasi ni Diet, it's really okay with us na mapakita yung love and support for each other. We're not really after sa mga material things."

Pero iba pa rin siyempre yung may pinanghahawakang bagay na regalo para sa isang minamahal on a special day.

"Well, my other gift to him is something na nasusuot. It's a necklace, actually. Secret na lang kung anong design, kasi hindi ko pa nabibigay sa kanya. And for sure, susuutin niya yun and makikita rin ninyo," sabi ni Rima.

Sa Tiffany's ba niya binili ang necklace na regalo niya kay Diether?

"No, but I will not mention na lang kung saan ko binili. Pero yung isang gift ko sa kanya, last Valentine's Day, necklace rin siya, binili ko sa Tiffany's."

ONE YEAR. Nagkakilala sila ni Diet sa isang malaking event na very special and memorable for Rima. Mag-iisang taon na rin sila and, so far, wala pa raw silang naiisip kung saan ise-celebrate ang kanilang first anniversary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rima ang panganay at unica hija sa limang magkakapatid. Syrian ang ama niya habang half-Spanish, half-German naman ang kanyang ina. Nag-graduate ng college si Rima sa De La Salle University ng kursong Marketing at kasalukuyang nagtatrabaho sa Rustan's Makati.

"Nung umpisa, siyempre, worried sila [Rima's parents], showbiz si Diet. Siyempre, big adjustment. Pero nung nakita nila talaga how nice he is, how hardworking, how responsible and a man of principle, talagang full support sila," kuwento ni Rima.

Na-meet na raw ni Rima ang anak ni Diet na si Dream. At the same time, ipinakilala na rin ni Rima si Diet sa kanyang pamilya.

Ano ang tawag sa kanya ni Dream?

"Tita Rima," mabilis na sagot niya.

Does she like kids?

"I love kids!" sambit niya. "'Yan yung passion that we both share, e. Talagang we love children. Kaya when I found out about KIDS Foundation, automatically I became active out of my own free will. Kasi talagang ever since high school and college, talagang gusto ko ang mga kids."

WEDDING TALKS. Sa tingin niya, aabot din sila sa kasalan ni Diether?

"Well, all I can say right now is I'm very, very happy with him and I'm very contented. And wherever God will take us, I'm willing to go."

Handa na siyang pakasal kay Diet?

"Ah, wala pa naman tayo doon. Pero we will see po. Pag-iisipan ko," nakangiting sabi ni Rima.

What if biglang mag-propose sa kanya ng kasal si Diether ngayon?

"Well, I'm very happy, so I guess–" naputol na sabi ni Rima habang tumatawa.

Ano namang klaseng wedding ang gusto niya para sa kanila ni Diet?

"I think it's too soon to talk about it for now. We're really enjoying every experience we have together."

KRISTINE HERMOSA. Tinanong din ng PEP si Rima kung nagselos ba siya sa ex-wife ni Diet na si Kristine Hermosa, na siyang naghatid at nagbantay sa aktor noong nag-collapse ito sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, hindi naman," sagot ni Rima. "I would like to thank her for her support and for being there for Diether. Hindi naman po, kasi I'm very secure with what I have with Diether. Yung talagang sobrang strong ng foundation namin. So, we're very happy, and things like that, hindi na po kailangan."

Gusto ba niyang mag-artista?

"Ay, hindi po! It's enough that Diether is there already."

Papayagan ba niya si Diether na pasukin ang pulitika?

"Actually, huwag nang politics," sabi ni Rima. "Kasi kahit na now wala siya sa politics, natutulungan naman niya lahat ng tao. Hindi na niya kailangan. He can offer siguro his support. Pero hindi na siguro kailangan."

Ayaw niyang maging politician si Diet?

"If that's what he wants, I would support him. Pero as of now, parang he hasn't shown interest naman," ani Rima.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN