Carlo J. Caparas on Dolphy: "Gusto ko siyang mapili as National Artist."

IMAGE 0


"Ang kalaban ni Dolphy ay si Manuel Conde, hindi ako, ang kategorya ko visual comics arts and films. Personally, ako gusto ko siyang mapili as National Artist, alam ko namang karapat-dapat siya na makatanggap din ng ganung karangalan," says Carlo J. Caparas (main photo) about criticism that Dolphy (inset) should have been named National Artist before him.


Dahil sa pagkakahirang ng MalacaƱang kay Direk Carlo J. Caparas as National Artist for Visual Comics Arts and Films, agad ay lumikha ito ng samu't saring intriga at kontrobersiya.

May ilan nga sa mga National artists ang nagbitaw ng salita na may anomalya raw sa pagkakapili sa Komiks King at mahilera bilang isang National artist. May paratang din ang iba na malakas daw kasi ang director kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung kaya't naipagkaloob daw dito ang mataas na pagkilala sa mundo ng sining at arte.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan kay Direk Carlo J, agad naming siyang hiningan ng reaksyon sa mga batikos at reklamong pinupukol sa kanya ngayon.


"Sa buhay ko naman bilang alagad ng sining, sa komiks, sa pelikula at telebisyon, laging bahagi ang mga kritisismo. Masasabi ko na hindi kumpleto ang aking career, propesyon at mga parangal kung wala, kumbaga part of the package sila. Minsan mao-offend ka pero pag pinag-isipan mo, matatawa ka naman dahil parang sa kanila lalong tumitingkad ang natatamo mong papuri at karangalan kasi hindi naman natin maiaalis talaga kahit na may tagapuna talaga.


"/Wag nating sabihin na 'yang mga alagad ng sining na 'yan, ayaw nilang maging National Artists kaya lang kung anong suwerte at kapalaran sa akin ay naipagkaloob, irespeto nila, darating din naman ang oras na sa kanila at malalaman nila ang kasiyahang nararamdaman ko. Mao-offend ka, masasaktan ka pagka naririnig mo na parang di ka karapat-dapat, maiisip mo na pinaghirapan ko ito, nilamay ko araw at gabi, nagtrabaho ako, naubos ang pawis, naubos ang pasensiya ko sa pagtratrabaho, tapos kukuwesityunin lang ng iba. Hindi simpleng trabaho ang magtrabaho sa komiks, magdirek ng pelikula, hindi madaling gawin 'yun. Paghihirapan mo 'yan, maraming aspeto sa buhay ang mapapabayaan mo, minsan magiging mundo mo na 'yung pagtatrabaho pagkatapos pag nabigyan ka ng ganitong parangal sasabihin hindi karapat-dapat sa iyo, hindi bagay sa iyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEOPLE'S ARTIST. Para kay Direk Carlo, kinunsidera niya ang sarili as people's artist samantalang sectoral or elitist artists naman ang ibang mga National Artists na pumupuna sa kanya.

"Sa buhay ko naman wala akong hinihingi, kung minsan nga hindi kumakatok ang pagkakataon, hinihintay kong makakita ng kapirasong pagbubukas ng pinto, pinapasok ko 'yun without knocking dahil alam ko na pag pumasok ako, maganda ang gagawin ko, may kakayahan ako para gawin 'yun. Unlike sa mga pumupuna sa akin, nakikita ko naman, minsan nakukuha nila 'yung karangalan na ang nagkakaloob sa kanila ay isang munting grupo. Matatawag mong silang sectoral artists or elitist artists, ako people's artist ako kasi 'yang medium ng komiks napagsilbihan ko 'yan, nakapagsulat ako ng mga 500 nobela at mga short stories na lahat umaabot ng 800.

"Ang telemovie ko in two years time, nakagawa ako ng 1,092 telemovies at hanggang ngayon marami pa rin akong ginagawa. Ang ibig kong sabihin din, maraming tao ang nabigyan ko ng trabaho, maraming tao ang kumita sa pamamagitan ng trabaho at ikinatutuwa ko 'yun. Kapag nagkaroon ako ng kasamahan sa sining na nagkaroon o nakatanggap ng karangalan o ginawang National Artist, tuwang-tuwa ako na sa hanay namin ay may natanggap na National Artist."

"May ilan ding nagsasabi na hindi raw talagang masasabing illustrator si Direk Carlo J dahil may ibang gumagawa ng kanyang mga drawings at konsepto.

"Ang illustrator ng novela ko ay mahigit 20 pero ako, nag-umpisa ako sa komiks as illustrator and as a writer. Hiningan ako ng napakaraming nobela, isinatabi ko muna ang pagdidibuho. Wala akong kasalanan kung naghangad akong kumita ng malaki, kung pinagpatuloy ko lang ang pagdidibuho, mahabang oras bago ka maka-compose ng isang katha samnantalang puwede akong magsulat ng 20 scripts in one sitting ilang oras, 'yung pagdidibuho aabot ng 3 araw sa isang kuwento."

ON DOLPHY. May mga ilan ring nagrereklamo na mas karapat-dapat daw si Dolphy na hirangin as National Artist kaysa kay Direk Carlo J kung achievements lang daw ang pagbabasehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang kalaban ni Dolphy ay si Manuel Conde, hindi ako, ang kategorya ko visual comics arts and films. Personally, ako gusto ko siyang mapili as National Artist, alam ko namang karapat-dapat siya na makatanggap din ng ganung karangalan."

Bulung-bulungan rin na malakas daw kasi sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Direk Carlo J kagaya ni Ms. Cecille Guidote-Alvarez (na hinirang naman bilang National Artist for Theater). Agad itong klinaro ng director na walang katotohanan ang nasabing balita.

"Walang palakasan sa President, ginagalang ko siya dahil siya ang lider ng bansa natin. Karamihan o napakarami sa atin na dahil nasa ibang partido sila hindi na sila kumikilala ng liderato kaya magulo ang bansa. Tingan mo kahit binigyan kami ng papuri't parangal, imbes na ikatuwa ng mga kahanay naming dahil dahil sa sila ay nasa opisyon at naskayan na ng opisyon at pulitika ang isipan nila, magpoprotesta pa rin sila sa daan? Hinataw nila yung kalabaw, ang latay nasa kabayo. Iniiisip nila na pag hinataw nila kami, masasaktan ang presidente.

Sa isyu namang apat lang daw talaga ng orihinal na pagpipilian pero nawala raw si Mr. Ramon Santos (na nominated para sa larangan ng Musika) at pumasok sila Direk Carlo J at Ms. Guidote, may eksplenasyon na ibinigay sa PEP ang director.

"Ang alam ko, ang nominees umabot kami ng isang daan, dun pipili at 'yung final say nasa Pangulo. Pati ba naman 'yung prerogative ng Pangulo kailangang bulatlatin o pakialamanan? Kailangan bang pag pinili ako, e, sasabihin nilang hindi si ganito o si ganyan ang napili?

"Basta ako nagampanan ko ng buong kahusayan, ng buong linis, ng buong pagsisikap ang aking lahat ng ginawang trabaho at ang aking mga kinita na marami ang nabahaginan at masaya na ako dun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN