Jayson Gainza makes his first trip to U.S. because of "Boy Abunda"

IMAGE 0


Jayson Gainza and Giselle Sanchez had a show last August 8 at the Yerba Buena Gardens in San Francisco, California, in celebration of the 16th Kapistahan ng mga Pilipino.


Noong August 8 ay nag-show ang komedyante at singer na si Giselle Sanchez at si Jayson Gainza ng Banana Split sa Yerba Buena Gardens para sa 16th Kapistahan ng mga Pilipino sa San Francisco, California. First time ng dating housemate ng Pinoy Big Brother na makarating sa U.S., at malaki ang pasasalamat nito kay Boy Abunda.

Ang sabi nito sa PEP blogger na si Giselle, "Dahil kay Boy Abunda, nakarating ako ng America." Dagdag pa rito, dumami raw ang raket niya simula noong sumikat ang "NNN," isang segment ng ABS-CBN gag show na Banana Split kung saan ini-spoof nila ang talk show na SNN.

"Kung hindi pa siguro ako gumanap na Boy Abunda, matatagalan pa bago ako makarating sa America. Ang hirap kaya kumuha ng visa papunta doon." Nakakuha si Jayson at si Giselle ng U.S. O1 visa—Alien posssesing extra-ordinary ability—sa tulong ng TFC (The Filipino Channel) na siyang sponsor nila.

Mahirap makakuha ng O1 Visa. Mga bigtime talents lang ang nakakakuha nito tulad nina Manny Pacquiao at Lea Salonga. Sa pamamagitan ng mga TV shows, news clippings at write-ups nina Giselle at Jayson, nakumbinsi ang U.S. Immigration Service na mayroon din silang "extraordinary ability"—ang magpaligaya ng mga Pilipino.

Hindi naman nila binigo ang mga Pinoy na nanood, at patok na patok si Jayson bilang Boy Abunda. Marami pang nakakatawang kuwento sa unang biyahe ni Jayson sa U.S. sa blog ni Giselle, ang G-spot (click here.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN