Erich Gonzales says any one of her three leading men is qualified to be her boyfriend

IMAGE 0


"Kasi po, nasa bawat isa sa kanila yung magagandang katangian ng isang boyfriend. So kahit po sino sa kanila ay puwede kong piliin," says Erich Gonzales about her three leading men, Ejay Falcon, Xian Lim and Enchong Dee.


Si Erich Gonzales, ang tinanghal na 2005 Star Circle Grand Questor, ang pangunahing bida sa TV remake ng 1980s movie na Katorse, na mapapanood na sa primetime bida ng ABS-CBN simula Agosto 24. Gaganapan ni Erich ang papel na Nena, na unang ginampanan noon ni Dina Bonnevie.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment) kay Erich kagabi, August 12, sa presscon ng Katorse, ay sinabi niyang natutuwa siya't nabigyan na rin siya ng pagkakataon ng Kapamilya network na makapagbida sa isang serye.

"Hindi po ako makapaniwala na kahit baguhan pa lang ako sa showbiz ay binigyan na agad ako ng ABS-CBN ng lead role. Kaya po sobrang nagpapasalamat talaga ako nang malaki sa kanila," sabi ni Erich.

Mixed emotions ang nararamdaman ngayon ni Erich sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang teleserye.

"Nandun po yung kaba at excited din. Sana po maraming manood at sumuporta ng Katorse. Sana po maging successful yung show."

Sa naturang serye ay ipapakita rito na sa murang edad na katorse ay natuto nang magmahal si Erich sa isa sa leading men niya, si Ejay Falcon, ang tinanghal na Pinoy Big Brother Teen Edition Plus winner. Magkakaroon sila rito ng love scenes na magiging dahilan para mabuntis si Erich.

LOVE SCENES. First time ni Erich na magkaroon ng love scenes sa isang serye. Paano ba niya itong pinaghandaan?

"Bago naman po namin ginawa itong show na ito, nagkaroon po kami ng sensuality workshop. Dahil, yun nga po, may mga kissing scenes at love scenes, mga ganyan.

"Nahihirapan din po ako sa mga eksena kong ganun pero siyempre po hindi naman kami pinababayaan ni Direk Malou [Sevilla]. Sobrang inaalalayan niya po kami, and she's very patient. Talagang sa lahat po ng mga eksena, sobrang tutok po talaga siya."

Hindi ba natatakot si Erich na baka ang maging tingin sa kanya ng mga kalalakihan ay sex symbol dahil sa mga maseselang eksena na ginawa niya sa Katorse?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, ayoko pong maging ganoon ang tingin nila sa akin," sambit ni Erich. "Siyempre gusto ko pong wholesome pa rin ang maging image ko sa mga tao. Saka marami naman pong good values ang mapupulot dito. Huwag lang po sana yung mga ginawa kong pakikipagrelasyon o pagbubuntis sa edad na katorse ang mapansin nila sa show namin."

Kung halimbawang sa totoong buhay ay nakipag-boyfriend na siya at nabuntis, ipagtatapat niya ba ito sa parents niya? Paninindigan niya ba ang pagbubuntis niya?

"Kung halimbawa pong nangyari yun sa akin nung 14 pa lang ako, siyempre po sasabihin ko sa mama ko, sa pamilya ko. Kasi naniniwala po ako na sa lahat ng mga pagsubok, mga problema, ganyan, yung pamilya po talaga ang laging nandiyan para tumulong sa 'yo, suportahan ka sa lahat ng desisyon mo.

"Paninindigan ko po yung pagbubuntis ko. Kung yun po ang nangyari, di ba? Hindi ko po yun ipapalaglag.

"At natutuwa naman po ako na hindi yun nangyari sa akin kasi po never pa naman akong nagkaroon ng boyfriend. At kung magkakaroon man po, hindi po siguro mangyayari na mabubuntis ako. Kasi po kung gagawa ako ng isang bagay, iisipin ko po, hindi lang once o twice, kundi maraming-maraming beses po. Yun po."

ALL THREE BOYS WILL DO. Bukod kay Ejay, ang dalawa pang leading man ni Erich sa Katorse ay sina Enchong Dee at ang baguhang aktor na si Xian Lim, na isa ring model-athlete.

Kung papipiliin si Erich, sino sa tatlo ang gusto niyang maging boyfriend, yung nandoon yung mga qualities na hinahanap niya para sa isang boyfriend?

"Puwede na po silang tatlo. I mean, hindi yung sabay-sabay, huh!" tawa ni Erich.

"Kasi po, nasa bawat isa sa kanila yung magagandang katangian ng isang boyfriend. So kahit po sino sa kanila ay puwede kong piliin," safe na sagot ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But how true na boyfriend na niya si Xian?

"Naku, hindi po," tanggi ni Erich.

"Alam naman po ni Xian na hindi pa puwede sa akin yung ligaw-ligaw, kasi po yung concentration ko ngayon, dito po muna sa work. Focused po muna ako sa career ko."

Nung June pa dapat ipinalabas ang Katorse. Ano ba talaga ang nangyari at inabot pa ng two months bago ito ipapalabas?

"Because of the bad weather. Hindi po kami makapag-reshoot or anything. And sa Batanggas po, dun sa location namin, sobrang maputik siya. Kaya ayun hindi po kami makabalik doon."

Bukod sa Katorse ay may isa pang show sa ABS-CBN si Erich, ang Tiagong Akyat. Siya ang leading lady dito ng bidang si Gerald Anderson.

ANGRY KIMERALD FANS. Nagagalit daw ngayon kay Erich ang mga tagahanga ng Kim Chiu-Gerald Anderson love team, ang Kimerald. Feeling ng mga ito ay inagaw ni Erich mula kay Kim si Gerald.

Ano ang reaction dito ni Erich?

"Siyempre po, naiintindihan ko kung bakit sila nagagalit. Ayaw po kasi nilang maghiwalay yung love team nina Kim at Gerald. Pero, ako po, I'm just here to work. I'm not here to steal someone from a friend.

"And hindi naman po lahat ng Kimerald ay nagagalit sa akin. Meron naman po akong nami-meet na Kimerald thru Kim, and they're nice to me naman po. Naiintindihan ko naman po kung ano yung reason nila. At kung ano man po yung reason nila o opinyon nila sa akin. Nirerespeto ko naman po sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN