UPDATED: Alpha Music pulls out rapper Blanktape's album and apologizes to those offended by "Banana"

IMAGE 0


"Ano ba ang masama sa word na 'banana'? Di po ba, wala? Kung bastos kanta ko, bastos din po ang nagtitinda ng banana," rapper Blanktape says in defense of his hit song "Banana."


UPDATE: Nakatanggap ng text message ang PEP mula kay Blanktape ilang oras pagkatapos lumabas ng artikulong ito. Sinabi niyang nagdesisyon na ang Alpha Music na i-pullout ang kanyang album. Humingi rin sila ng paumanhin sa mga na-offend sa kanta niyang "Banana."


Ipinahihinto ngayon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga awiting "Banana" ng rapper na si Blanktape at "Nagmahal Ako" ng rap group na Dagtang Lason. Dahil daw sa malaswang lyrics ng mga awitin, hindi ito dapat pinatutugtog sa radio, ayon pa sa CBCP.

Ayon na rin sa website nito, ang CBCP ay lupon ng mga obispo sa Pilipinas, na naglalayong i-organisa at magbigay direks'yon sa mga gawaing pang-edukasyon, kawanggawa, tulong ispiritwal, at tulong pang-relihiyon ng mga Katoliko. Nais din daw nitong gawing makabuluhan ang gawain ng Iglesia sa pangangailangan ng panahon. Nagpupulong ang CBCP tuwing Enero at Hulyo, o dalawang beses sa isang taon, kung saan pinag-uusapan nito ang mga isyung administrative, political, at social. Sinasabing ang eleksiyon ng 2010 at ang kalikasan ang pinagtutuunan ng pansin ng CBCP ngayon.

Ang bigat ng mga panukala ng CBCP ay nasa kakayanan nitong ipatupad ang mga ito sa mga nasa ibaba—gaya ng mga pari, madre, lay workers, Catholic school administrators, atbp. Maaaring sabihing, kapag ayaw ng CBCP sa isang kanta, halimbawa, maaaring tuligsain ang kantang ito sa mga pulpito, liban pa sa maaaring aks'yunan ito ng mga ahensiya ng gobyerno, gaya ng MTRCB, o ng mga private companies, gaya ng mga istasyon ng radyo, na ayaw bumangga sa makapangyarihan simbahang Katoliko.

Kung minsan tuloy, sa pagnanasa ng CBCB na linisin ang kapaligiran ayon sa paniniwalang Katoliko, maaaring masagasaan ang karapatan ng indibidwal na mag-isip, magsulat, o kumanta kaya, nang ayon sa kaniyang paniniwala. Sa madaling sabi, kailangan talagang timbangin ang lugar sa lipunan ng religious beliefs, sa isang banda, at freedom of expression, sa kabila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAKULIT, MASAYA, PANG-MASA. Kahapon ng tanghali, August 14, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bagong rap artist na si Blanktape (Arlen Mandangan in real life) upang hingan ng reaksiyon sa hakbang na ito ng mga obispo. Hindi pa nga aware ang rapper sa balita nang i-text namin ito sa kanya, kaya inalam niya muna ito, saka namin siya binalikan.

Ano ang unang reaksiyon niya nang malaman ang balita?

"Nabigla po ako, pero di naman ako natakot," sagot ni Blanktape. "Kasi, alam ko na malinis ang kanta ko. Hindi ko intensiyon na gawin siyang bastos. Ginawa ko 'yon for entertainment. Para mag-enjoy ang mga tao. Malinaw naman na ang tinutukoy do'n ay saging—yung literal na saging."

Paliwanag pa ng rapper, "Kung yung chorus part lang ang pakikinggan nila, talagang mag-iisip sila, pero 'pag buong kanta ang maririnig nila, malalaman nila na banana talaga yung tinutukoy ko. Yung kuwento nun, yung taong nagtitinda ng saging."

Makukulit, masasaya at pang-masa raw ang mga awiting kinakatha ni Blanktape. Yun din daw kasi ang pagkatao niya sa totoong buhay.

DOUBLE MEANING. Wala talaga siyang intensiyong gawing double meaning 'yon? Na sakyan ang gawi ng ilang kababayan na ikonekta ang saging sa sex, dahil umano sa ang hugis ng saging ay hawig sa hugis ng ari ng lalaki?

"Wala po," diin niya. "Yung una, pilyo talaga ang ginawa ko. Pero pinalitan ko dahil alam ko po na hindi puwede sa radio at TV 'yon. For fun lang talaga. Wala nga po akong binanggit na salitang 'malaki' para hindi sila mag-isip ng bastos. Malinis po ang lyrics ng kanta. Nasa nakikinig na yung paghuhusga."

Pero aware ba siya na minsan ay nabibigyan ng malisya ang "saging" o "banana"?

"Opo, dahil sa mga biruan," sagot niya. "Pero di ko inisip na pati sa kanta gano'n pa rin iisipin ng iba. Ano ba ang masama sa word na 'banana'? Di po ba, wala? Kung bastos kanta ko, bastos din po ang nagtitinda ng banana."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya kanina, nasa nakikinig ang paghuhusga, ano ang reaksiyon niya na mga pari na ang nagsasabing malaswa ang kanta niya?

"Yun nga po ang nakakatuwa, e. Kasi ang ordinaryong tao, walang iniisip at di nag-react, bakit pari pa? Ibig bang sabihin, mas may malice ang mga pari?" habol-tanong niya.

Ano ba talaga ang inspirasyon niya sa "Banana"?

"Tribute lang talaga ang kanta sa nagtitinda ng mga banana. Kumbaga, national anthem na nila. Hango rin ang kanta sa 'Right Now' ni Akon [international rap/R&B artist]. May part kasi do'n na 'nanana..'. E, wala namang ibang word sa atin na tutugma do'n kundi banana. Kaya kinanta ko nang banana," paliwanag niya.

Marami ang nagsasabi na dahil sa pagpuna ng CBCP, marami ang na-curious sa "Banana," at bigla rin daw siyang sumikat. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Natuwa din ako kasi mas lalong napansin ang 'Banana.' Sabi nga nila, good or bad publicity, still, publicity 'yon. Marami nga ang nagkainteres sa kanta. Mas lalo tuloy nakilala," saad niya.

MUSLIM RAPPER. Tubong Zamboanga City si Blanktape. Isa siyang Muslim. Kaya niya raw mag-rap sa limang lenguwahe: Tausog, Chavacano, Tagalog, Visayan, at English.

Hindi kaya maging isyu ang pagiging Muslim niya, lalo na't mga Katoliko ang nagbabawal ng pagpapatugtog ng awitin niya?

"Sana naman ay huwag, hindi naman po ito isyu ng Muslim at Katoliko, sana hindi mapasok ang religion dito. Freedom of expression po 'to. Democratic country tayo. Lahat puwedeng maglabas ng comment and suggestion. Kung sa tingin nila bastos, wala tayong magagawa. Yun ang paniniwala nila."

Balik niya, "Actually, mas maraming malaswang kanta sa English. Bakit hindi nila pinupuna 'yon? Saka mas marami nang nauna sa akin na medyo bastos sa Tagalog, bakit ito ang napansin nila at pinatitigil?"

Ano ang mensahe niya sa CBCP?

"Sa CBCP, sana po ay marinig at mapag-aralan n'yo nang husto ang song na 'Banana.' Kung may gusto man kayong ipabago sa lyrics, willing naman po kami," sabi ni Blanktape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang mensahe niya sa mga tumatangkilik ng awitin niya?

"Sa mga tumatangkilik naman po, salamat at naniniwala kayo na nakapagbibigay saya ang kanta ko at never n'yong inisip na bastos ito. Sana ay tangkilikin n'yo rin yung iba kong kanta. Sabi nga ng isa kong kanta: 'Wag mo siyang pakinggan, chika lang 'yon. 'Wag mo sjyang paniwalaan, chika lang 'yon!'"

Blanktape's full album is titled Chika Lang 'Yon.

BANANA Lyrics (Clean version)

Kung ayaw mong nabibitin sa taste

I-try mo itong banana ko, babe, I'm selling today

Ito ay long, di ka magsisisi sa size

Masarap, matamis at mahaba

At panalo pa ang price

Sige i-try mo'ng aking banana

Pag natikman mo 'to di magsasawa

Dahil masustanya'ng aking banana

At ubod pa ng sarap aking banana

Kaya i-try mo'ng aking banana

Para malaman mo kung bakit ba

Paborito ng lahat ang aking banana

Kaya ang bumibili ay pila pila

And you know, ubos lagi ang paninda ko

Di na 'to inaabot ng night

Sa dami ng suki ko

Tingnan mo, aking saging ngayon ay in

Pinipilahan ng lahat, ganyan katindi, aking saging

If you buy

Ay may dagdag

Basta sa akin ka mag-buy

Ay may dagdag

Di mo na kailangan pang ma-shy

Yes may dagdag

Kasi suki kita 'day

Ay may dagdag

I want you to buy baby

I want you to buy

I want you to try baby

Want you to try / Oohh want you to try

Bago ka pa mahuli / Just wish you could buy baby

Bago ka pa mahuli / Wish you could buy

At nang di ka magsisi / Kahit one time baby

At nang di ka magsisi / Oohh kahit one time


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN