Former singer Selina Sevilla gets free help from Dr. Manny Calayan on her botched butt job

IMAGE 0


"Hindi ako naghahanap ng publicity. I don't need publicity. I'm here to help Selina. Matagal na akong tumutulong sa mga maling operasyon, kaya bakit ko naman idi-deprive ang tulong na ginagawa ko sa iba?" says Dr. Manny Calayan (right) about giving free medical help to former singer Selina Sevilla (left).


Natapos na ang una sa series of operations ni Dr. Manny Calayan sa dating singer na si Selina Sevilla, who is suffering from "gluteal necrosis" (pagkabulok ng laman) due to silicon oil injection on her butt. Ginawa ang operasyon last Friday, August 14. Tatlong oras daw ang ginawang operasyon at naging successful daw ito.

Matatandaang nagsampa ng reklamo si Selina laban sa isang unlicensed surgeon na nagsagawa ng butt augmentation procedure sa kanya, gamit ang oil injection, noong 1998. Nabulok daw kasi ang laman sa kanyang puwet. Si Selina ay sumikat sa kanyang mga awiting "Nilunok Ko ang Lahat" at "Ibaon Mo."

Sa presscon na ipinatawag ni Dr. Calayan para kay Selina noong Sabado, Agosto 15, sa Bellissimo restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, nilinaw ng cosmetic surgeon na anumang operasyong gagamit ng silicon oil ay talagang magpapa-react sa laman ng tao.

"Ang kaso ni Selina ay matagal yung reaction ng kanyang operation kaya umabot ng sampung taon bago niya nalaman. Yung iba naman, may immediate reaction," sabi ni Dr. Calayan.

FIRST BENEFICIARY. Selina is the first celebrity beneficiary of the Calayan Surgicenter Foundation, na bago lamang sinimulan ng cosmetic surgeon. Nakaramdam ng awa si Dr. Calayan sa naging kinahinatnan ng dating singer, na ngayon ay talagang nawalan ng hanapbuhay dahil sa kanyang karamdaman. Kaya mismong si Dr. Calayan ang nag-alok ng tulong niya, at ng kanyang Calayan Surgicenter, upang gamutin si Selina nang libre.

"I consider her na parang indigent na rin, wala na ngang career masyado," sabi ni Dr. Calayan. "Tapos, yung case niya is an interesting case, kasi nga na-damage yung puwet niya. Kaya tinanggap ko siya."

Ayon kay Dr. Calayan, isang buwan pa lang naitatatag ang Calayan Surgicenter Foundation. Hindi raw ito itinatag dahil sa naging kaso ni Selina. Sa mga celebrities, si Selina ang kauna-unang beneficiary nila, pero marami na raw silang ibang natulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng cosmetic surgeon, "Marami kasi ang lumalapit na walang pera, hindi ko naman kayang i-shoulder ang gastos, kaya nagtayo tayo ng foundation. Tapos, may nagdo-donate naman sa foundation because they believe in me, kaya nagtayo na lang ako ng foundation.

"We want to help indigents, yung may mga ipinanganak na may inborn defects na kailangan ng tulong at yung mga kasong for repair. It's mainly for medical. So, it's purely surgical and medical. Pero gustuhin man namin na tulungan ang lahat, kailangan naming makita ang financial capacity ng gustong magpatulong. Siyempre, may background checking tayo kung talagang indigent sila at kung mahirap ba talaga gawin yung kaso o irreparable cases ba ito? We will try to save it."

"I'M JUST HERE TO HELP." Nilinaw ni Dr. Calayan na hindi siya nakisawsaw sa issue ni Selina at hindi rin siya nakikialam sa legal aspect. Gusto lang daw niyang tumulong sa dating mang-aawit.

"I'm just here to help," diin niya. "Selina came to my office seeking for my help, and as a doctor, based on our Hippocratic Code [oath ng medical practicioners], we will help kung sino ang nangangailangan. Yung kay Selina kasi, emergency case na ito. So, para ma-avoid mo yung pagkalat pa ng material, you have to evacuate immediately."

Nilinaw rin ni Dr. Calayan na hindi siya tumulong sa mang-aawit para pag-usapan siya at muling uminit ang kanyang pangalan.

"Hindi ako naghahanap ng publicity," aniya. "I don't need publicity. I'm here to help Selina. Matagal na akong tumutulong sa mga maling operasyon, kaya bakit ko naman ide-deprive ang tulong na ginagawa ko sa iba?

"Basta isa lang akong doktor. Ito lang naman ang papel ko, e, makatulong sa tao sa pamamagitan ng pagpapaganda sa kanila. Kung anong gusto nila ay puwede nating ipagkaloob sa kanila, pero hindi naman lahat ay puwede. Yung puwede lang natin gawin, yung kaya nating gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay maraming mga balita tungkol sa pumapalpak na operasyon ng ilang doktor na tiyak nagbigay takot sa mga gustong magpaganda sa pamamagitan ng pagpapa-retoke. Pero may payo si Dr. Calayan dito.

Aniya, "Ang mai-advice ko lang sa kanila, huwag matakot. Cosmetic surgery ay hindi naman nakakatakot talaga basta you go to the right doctor. Hanggang maaga pa ho, lalo na sa nagpa-inject sa breast, hanggang maaga, para masi-save pa 'yong breast, ina-advice ko sa kanila, ipaalis na nila ito sa kanilang doktor as soon as possible kasi kumakalat 'yan. At yung iba, kapag bukol na bukol na, tumitigas, tapos tatangalin mo yung buong breast."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN