Actor-producer Piolo Pascual affected by conflict between Star Cinema and SM Cinemas

IMAGE 0


"Busy pa rin ako as an artist. If there's an option, there's an opportunity, maganda ang concept, we'll see," says Piolo Pascual when asked if he still plans to produce a movie after Manilaand Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme.


Kaugnay ng nagaganap na isyu sa pagitan ng Star Cinema at SM Cinemas, aminado ang aktor na si Piolo Pascual na nag-aalala siya para sa ikalawang pelikula na co-produced niya, ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme. Ang naturang pelikula ang launching ng komedyanang si Eugene Domingo.

Sa kasalukuyan kasi ay hindi ipinapalabas sa SM Cinemas ang pinakabagong pelikula ng Star Cinema, And I Love You So, na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Sam Milby, at Derek Ramsay. Dahil daw ito sa "collection and computation issues" ng Star Cinema sa SM Cinemas. (Click here to read related story.)

Sa presscon na ibinigay ng Max's restaurant para sa endorser nilang si Piolo kaninang tanghali, August 17, ay inihayag ng aktor ang kanyang saloobin tungkol sa isyu.

"Hindi natin maikakaila na apektado tayo, but that's why lagi kaming magkakausap [ng mga kasama niya sa Kimmy Dora]. Tita Malou [Santos] from Star Cinema has been helping me a lot. I have to find ways para mas maganda pa ang exposure ng pelikula. Sana lang po, makuha namin lahat ng suporta ng mga tao para naman hindi ito 'yong huling magawa natin," saad ni Piolo.

Ang Star Cinema ang napili ni Piolo at mga co-producer niya na mag-distribute ng Kimmy Dora sa mga sinehan. Subalit sa ngayon ay may nagaganap ngang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Star Cinema at SM Cinemas, kung saan nanggagaling ang halos 45 percent ng ticket sales nationwide.

Sa panayam kay Piolo, hindi niya ikinaila na nagkaroon ng ilang pagkakataon na nakipag-usap siya sa management ng SM Cinemas.

Aniya, "There have been negotiations. Hindi naman natin maitatago na kailangan natin ang SM, e. Hindi lang SM, but lahat ng sinehan na may palabas. We need all the exposure we can get from all the theaters para ma-maximize 'yong Kimmy Dora, 'yong pagpapalabas niya commercially. Puro prayers talaga because sumakto kami doon sa conflict. We're praying na sana maayos before kami maipalabas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo ba na nagbabalak na rin ang mga kasamahan niya sa pagpo-produce na ilipat na lamang sa Solar Entertainment ang distribution ng Kimmy Dora mula sa Star Cinema?

"It's still under negotiation," sagot ni Piolo. "I've been asking Tita Malou to help us out. Sila ang una naming nilapitan, respect na rin for Star Cinema. Wala pa. Malalaman natin within the day kung sino magdi-distribute—within the day."

Sa kabila nito, nanatili pa ring positibo si Piolo sa magiging reaksiyon ng mga tao sa Kimmy Dora, na magsisimulang ipalabas sa mga sinehan sa September 2.

"Pagdating sa pelikula, kami ni Direk Joyce [Bernal, direktor at co-producer ng Kimmy Dora], talaga namang tutok kami. Ang palagi nga naming biruan, e, 'Kapit lang.' Kasi, ilang days na lang, ipapalabas na kami. Nakakatakot, pero nakaka-excite," aniya.

Hindi rin nagbabago ang paningin ni Piolo sa pagpo-produce ng mga pelikula. Ang una niyang co-produced na pelikula ay ang Maynila, na naging opening film sa 2009 Cinemalaya Film Festival at ipinalabas din sa Cannes Film Festival this year.

"Nakakatuwa because ibang feeling 'yong nakaka-contribute ka [sa film industry]," pahayag ni Piolo. "Not just to revive, but also to give people jobs. Hindi lang naman nali-limit 'yon sa pagiging artista, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN