Nonito Donaire, Jr. pays tribute to Manny Pacquiao; calls him Moses

IMAGE 0


WBA interim super flyweight champ Nonito "The Filipino Flash" Donaire, Jr. says that without Manny "Pacman" Pacquiao, he wouldn't have been given the opportunity to box and be a champion. "So, without Manny, wala kaming mga [Filipino] boxer, walang Pinoy Power, walang Nonito Donaire," says Nonito.


Sa press conference na inihandog ng GMA-7 para sa bagong koronang WBA (World Boxing Association) interim Super Flyweight champion na si Nonito Donaire Jr., na ginanap sa Skyline sa 17th floor ng GMA Network Building kaninang tanghalian, binigyang-puri nito ang naging mahalagang kontribusyon ng Pambansang Kamao na si Manny "Pac-man" Pacquiao sa Filipino boxing.

Ani Jun Jun (palayaw ni Nonito), nung bagong salta pa lang siya sa professional boxing ay hindi siya kinukuha ng mga promoter sa States.

"Sabi kasi nila, hindi ako Latino, hindi ako Mexicano. Kasi karamihan po ng mga Filipino [boxers] noon, puro short notice lang, so, what they see on TV, nana-knock out ang Filipino. So, there were rumors all around the boxing world that Filipinos can't fight. Until Manny proved them wrong.

"So, without Manny, wala kaming mga [Filipino] boxer, walang Pinoy Power, walang Nonito Donaire," paliwanag ng bagong Pinoy boxing sensation, na nakuha ang WBA interim super flyweight belt via z unanimous-decision win over Panamanian boxer Rafael Concepcion.

Inihalintulad pa ni Nonito si Manny sa Biblical character na si Moses: "I joked with you [turo nito kay Chino Trinidad na host ng presscon at kasa-kasama nito sa Las Vegas], he's Moses, and he led us to the promised land, di ba? When I was joking with you...

"So, that's who Manny Pacquiao is. He opened the door for us, and now it's our turn to show, maybe in the future...He gave me the motivation, the determination, everything. The example that he showed me, I want to show the same to the coming fighters...what he taught me. And that's to do my best and believe in God."

CELEBRITY DUETS. Isa si Jun Jun sa mga celebrity contestants sa bagong season ng Celebrity Duets. Tinanggap daw niya ang alok ng GMA-7 na maging contestant sa show, hindi dahil gusto niya lang manalo kundi para na rin sa mga batang gusto niyang tulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang Celebrity Duets kasi, ang premyo is one million [pesos]. May option ang contestant na kung mananalo siya, ipa-part niya yung winnings niya sa napili niyang charity or ibibigay niya lahat. Si Nonito, ibibigay niya raw lahat yun sa mga bata na sinasabi niya," paliwanag ng Kapuso Network Senior Vice President for Entertainment Wilma Galvante, na naroon din sa press conference para kay Donaire.

"So sana po, iboto nyo ako sa text," apila ni Jun Jun sa mga press na naroon habang natatawa. "Ibibigay ko po lahat ng winnings ko sa mga batang tinutulungan ng Subanon Church. Sa church po ng tito ko," sabi pa ni Nonito.

Nang tanungin kung ano ba ang mga gusto niyang kantahin, "Kahit ano po. Pero as a Filipino, mahilig ako sa sweet music. Pero kahit ano po. Kahit ano ang ibigay sa akin. From rock to R & B. Pero mas gusto ko po yung music, may meaning."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN