Singer Selina Sevilla now recuperating from first operation to save her butt

IMAGE 0


"Sa hirap at sakit na dinanas ko, pag-iisipan ko muna. 'Katakot na! Pagawa man ako, dapat yung safe na," says Selina Sevilla about intrusive surgery.


Last Friday, August 14, sumalang na sa kanyang unang operasyon ang dating singer na si Selina Sevilla upang tanggalin ang silicon oil gel na itinurok sa kanyang puwet. Si Dr. Manny Calayan mismo at ang medical team ng Calayan Surgicenter ang nagsagawa ng operasyon sa singer na nagpasikat ng kantang "Nilunok Ko ang Lahat."

Nabulok kasi ito at naapektuhan ang kanyang kalamnan. Taong 1998 nang magpalagay ng silicon oil gel si Selina, lumabas ang masamang epekto nito sa katawan ng sexy singer noong 2005 lang. Dito na nagsimula ang kalbaryo ni Selina. Nabawasan ang kanyang trabaho at hirap na siyang kumilos dahil sa sakit na nararamdaman.

Kahapon, August 18, kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang text message.ang kalagayan ni Selina matapos ang kanyang operasyon

"'Eto, natanggal na kahapon [Aug. 17] ang mga tubo," sagot niya, "kaya kahit papaano nakakalakad na ako, kahit penguin walk! At napakaganda ng mga pinaiinom sa akin ni Dr. Calayan. Nasa house na po ako. Malakas-lakas na. Seventeen stitches per butt [cheek] ang tahi ko, pero hindi naman masyadong Frankenstein. Na-save kahit papaano ang skin."

Dagdag niya, "Halos tatlong oras nila akong inoperahan, nilinis na mabuti at iningatan ang necrotic tissues at skin ko. Nakakahiya kay Doc. Nahirapan sila."

Lumapit si Selina kay Dr. Calayan dahil aminado siya na wala siyang malaking halaga para sa kinakailangang operasyon sa kanya. Laking pasasalamat niya nang hindi siya tanggihan ng cosmetic surgeon. (Click here to read related story.)

Bago operahan si Selina ay nakausap pa namin siya. Nabanggit niya na kapag tinanggal ang silicon oil gel sa kanyang laman, magkakaroon ito ng mga uka. Kailangan daw itong muling tapalan ng silicon implants. Pero this time, pag-iisipan daw muna nang mabuti ng sexy singer ang anumang ilalagay sa kanyang katawan.

"Sa hirap at sakit na dinanas ko, pag-iisipan ko muna. 'Katakot na! Pagawa man ako, dapat yung safe na," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Series of operations ang gagawin kay Selina para totally ay matanggal lahat ng silicon oil gel sa katawan niya. Kailan ang susunod na operasyon sa kanya?

"Depende sa healing ng first operation," sagot niya. "Naku, sana wala na po at napakasakit ng proseso. At sana talagang mag-heal ang skin at 'wag mag-brittle ang tahi para 'wag na ulitin. Aray ko po! Parang penitensya uli!"

Patuloy niya, "Mabuti nga sa upper part yung incision at tahi, kasi ngayon, nakakaupo na ako at nakaka-CR na."

Tuloy pa rin ba ang pagsasampa niya ng kaso laban sa doktor na gumawa nito sa kanya?

"Yes, lalaban po ako. 'Yan din ang gusto ng NBI [National Bureau of Investigation]," sagot ni Selina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN