Manny Pacquiao willing to act as peace negotiator between MILF and government

IMAGE 0


"Sa akin, ang nasa puso ko talaga ay tumulong sa mga tao. Katulad ngayon, huwag daw [akong] sumali sa mga MILF [Moro Islamic Liberation Front] peace talks. Sabi ko, 'Hindi, tutulong ako.' Sabi, 'Baka may mangyari sa iyo.' Hindi ako natatakot kasi ang puso ko ay hindi nararamdaman ng iba kung gaano ko kamahal ang mga Pilipino," says Manny Pacquiao.


uling nagbabalik ang GMA-7 sa paggawa ng sitcom sa pamamagitan ng Show Me Da Manny, na pinagbibidahan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng bagong Darna, si Marian Rivera.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Manny sa presscon ng Show Me Da Manny kagabi, August 18, sa Jimmy's restaurant, Timog Ave., Quezon City.

Ano ang feeling niya na sa muling pagbalik ng GMA-7 sa paggawa ng sitcom ay siya ang kinuhang bida?

"Okay naman, masaya. Nagpapasalamat ako sa GMA sa pagbibigay sa akin ng show na ito," sambit ng Pambansang Kamao.

Noong unang inalok sa kanya ang sitcom na ito, tinanggap niya ba agad o nagdalawang-isip siya?

"Hindi ako nagdalawang-isip. Tinanggap ko kaagad."

Ayon kay Manny, hindi siya nahirapan sa sitcom role niya dahil bukod sa boxing ang tema ng show, siyang-siya ang role na ginagampanan niya as Manny Santos.

"Ako dito, ano ako e, isa akong may-ari ng gym na nagtuturo ng boxing. Isa akong trainer dito. Sa ugali, pareho lang. Kung ano yung natural ko, inilalabas ko," sabi niya.

Handa na ba silang patumbahin ang kalabang show in terms of ratings?

"Alam mo, ang mahalaga sa amin ay makapagbigay ng saya sa mga manonood. Yung ratings, parang bonus na lang 'yan, e. Basta kami nag-e-enjoy kami sa ginagawa namin at sana mag-enjoy rin ang mga tao sa panonood nito."

MARIAN RIVERA & THE CAST. Makakapareha ni Manny sa Show Me Da Manny ang tinaguriang "Primetime Queen" na si Marian Rivera, na talaga namang humahataw sa ratings ang pinagbibidahan niyang primetime show na Darna. Ano ang masasabi niya kay Marian bilang bago niyang kapareha?

"Okay, okay, maganda at magaling umakting. Alam mo, si Marian, magaling yung memory niya e. Madali niyang makabisado yung mga line niya. Ano siya, natural na komedyante. Kahit hindi siya nagpapatawa ay matatawa ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinapili ba siya ng GMA kung sino ang makaka-partner niya rito? May say rin ba siya sa pagpili ng cast members?

"Ang GMA ang pumili ng lahat ng cast," sagot niya.

Kumusta namang katrabaho ang kanyang nanay na si Mommy Dionisia, na may special role sa Show Me Da Manny?

"Okay naman. Game na game naman si Mama."

Bukod kina Manny, Marian, at Mommy Dionisia, kasama rin sa cast ng Show Me Da Manny sina Paolo Contis, Benjie Paras, Rochelle Pangilinan, John "Sweet" Lapus, Tuesday Vargas, Lovi Poe, Kevin Santos, Mike "Pekto" Nacua, AJ Dee, Onyok Velasco, Lito Camo, at Carl Acosta.

VIC SOTTO ISSUE. Mapapanood ang Show Me Da Manny tuwing Linggo pagkatapos ng All Star K simula sa August 23 sa GMA-7. Papalitan nito ang dating sitcom na Ful Haus, na pinagbidahan at produced by Vic Sotto. Hindi na kasi nag-renew si Vic ng blocktime contract niya sa Kapuso.

Sa pangyayaring ito, nagkaroon pa ng isyu na nagtampo umano si Vic sa GMA-7, bagama't nagpaliwanag na si Bossing tungkol dito. Anong masasabi ni Manny?

"Wala naman. Siguro problema ng... ang sasagot diyan ay GMA, kasi hindi naman kami ang nagkokontrol diyan sa time sa GMA-7," sagot niya.

BOXING IDOL. Tinitingala ngayon si Manny ng kapwa niya mga boksingero at itinuturing siyang idolo at inspirasyon sa kanilang mga laban, lalo na kontra sa mga taga-ibang bansa. Katulad ng kapapanalong si Nonito Donaire, na sinabing parang si "Moses" daw si Manny na nagbukas ng daan sa international boxing scene para sa mga Pinoy boxers. (Click here to read related story.)

"Ang masasabi ko naman," saad ni Manny, "kung hindi dahil sa mga fans ay hindi ako magiging Manny Pacquiao. Nagpapasalamat ako sa pag-idolo nila sa akin at sa akin sila kumukuha ng inspirasyon para sa career nila. Sabi ko, good luck sa career nila at pagbutihan nila ang pag-eensayo nila. Huwag silang makalimot na tumawag sa Mahal na Panginoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TO ENTER POLITICS? Malakas ang bulung-bulungan na magre-retire na raw si Manny sa boxing para pasukin ang pulitika. Diumano'y tatakbo siyang congressman sa Saranggani, kung saan siya naka-register ngayon at hindi na sa General Santos. Matutuloy ba talaga siya sa pagsabak sa pulitika sa 2010 elections?

"Alam mo mahirap magsabi, e, dahil matagal pa. Matagal pa. Siyempre, aside from showbiz, ang puso ko ay para maging public servant," aniya.

Pero nasa isip niya ba talaga ang pagpasok sa pulitika?

"Alam mo, hindi naman habang panahon ay lagi tayong boksingero. Siyempre, inisip din natin na pagretiro natin wala tayong gagawin. Inisip ko, wala akong gagawin aside from mag-a-acting, mas mabuti pa na magserbisyo ka sa tao, tumulong ka sa mga tao na naghihirap."

Kung sakaling matuloy siya sa pagkandidato sa Saranggani, titigil na ba siya sa pagbo-boksing?

"Depende, depende 'yan," sagot ni Manny.

Dahil sa pagiging busy ni Manny sa boxing at showbiz, tila nawawalan na siya ng panahon sa kanyang pamilya. Paano pa ngayon na sasabak din siya sa pulitika?

"Ina-adjust ko nga, dini-divide ko ang time ko para sa pamilya ko. Every Saturday and Sunday, kasama ko sila, 'pag walang school yung mga bata."

JOINING THE PEACE TALKS. Kung sakaling matuloy siya sa pag-retire sa boksing, ano ang mas pipiliin niya, ang mag-artista o mag-pulitika?

"Sa akin, ang nasa puso ko talaga ay tumulong sa mga tao. Katulad ngayon, huwag daw [akong] sumali sa mga MILF [Moro Islamic Liberation Front] peace talks. Sabi ko, 'Hindi, tutulong ako.' Sabi, 'Baka may mangyari sa iyo.' Hindi ako natatakot kasi ang puso ko ay hindi nararamdaman ng iba kung gaano ko kamahal ang mga Pilipino," pahayag ni Manny.

Pero hindi ba puwede naman niyang pagsabayin ang showbiz at pulitika?

"Puwede rin. Pero ang priority ko ay maging public servant," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napipisil si Manny na isama sa delegasyon ng magaganap na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng MILF. Iminungkahi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. noong Lunes, Agosto 17, na gawing peace negotiator si Pacquiao, na itinalagang presidential envoy for peace May kumausap na ba sa kanya tungkol sa pagsama niya sa gagawing peace talks?

"May kumausap na. Sabi ko naman, okay naman ako kung ano ang maitulong ko," aniya.

Hindi ba delikado sa kanya 'yon, lalo na sa kanyang superstar status ngayon?

"Hindi naman. Katulad ng sabi ko nga, sa abot ng aking makakaya, tutulong ako," sagot ni Manny.

May mga past incidents na kasi katulad kina Ces Drilon ng ABS-CBN at Susan Enriquez ng GMA-7 na nagkaroon ng problema at hindi agad nakaalis sa poder ng mga rebelde. Hindi ba siya natatakot na mangyari sa kanya yung ganun?

"Hindi naman, hindi naman. Kaibigan naman natin lahat 'yan."

Ano naman ang nararamdaman ng asawa niyang si Jinky tungkol rito?

"Siyempre, takot din siya," pag-amin ni Manny. "Pero naintindihan naman niya. Naintindihan ng pamilya ko na talagang yun ang pakiramdam ko, yun ang nasa puso ko na tumulong. Ang suggestion nga nila, huwag na akong sumali. E, hindi puwede kasi ang nasa puso ko, para sa bayan."

Ayon kay Manny, hangga't nandito siya sa Pilipinas at hindi pa siya nagsisimula sa kanyang training para sa susunod niyang laban, handa siyang tumulong sa peace talks.

Kaugnay nito, tinanggihan ng MILF ang proposisyon na maging peace negotiator si Manny. Ayon sa spokesperson ng MILF na si Eid Kabalu, dapat daw mag-ingat si Manny para masigurong walang mangyaring masama sa kanya.


"Nakikita kong parang delikado ang puntong 'yan, hindi tayo sigurado sa Abu Sayyaf," sabi pa ng tagapagsalita ng MILF.

MILF. Narito ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa MILF:

The Moro Islamic Liberation Front is an Islamic group located in Southern Mindanao. It was formed in 1977 after its leaders disagreed with the parent group Moro National Liberation Front, which agreed with the government's proposal for an autonomous state. The ceasefire led to the establishment of the ARMM, yet the MILF continued fighting the government through armed insurgency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The National Consortium for the Study of Terrorism and Responses to Terrorism (START), an institution based in the University of Maryland in the US that analyzes the dynamics between extremist groups, lists the MILF as a terrorist group. It cites the notorious Jemaah Islamiya as its international ally.

The MILF is known for several violent attacks it had forged on the Mindanao region even after the peace agreement it had signed with the government in June 2001. A surprise attack on government soldiers stationed in Mindanao on January 2005, for instance, resulted in at least twenty-three deaths, despite an existing cease-fire.

At present, the government of PGMA is conducting peace negotiations with the Muslim group, in accord with the stalled Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) it offered last year. The MOA-AD, which would grant Muslims in Mindanao total autonomy over their region, was ruled as unconstitutional by the Supreme Court on November 2008.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN