FIRST READ ON PEP: Comedienne Tuesday Vargas to wed live-in partner Coy Placido in Boracay next year

IMAGE 0


"No'ng in-open niya yung option na we are finally doing it, tying the knot, natuwa ako. Kasi no woman is really complete... Kahit sabihin ng kahit sinong babae na okey lang ako, pero deep inside our hearts, really want a wedding," says Tuesday Vargas.


Finally, ikakasal na ang komedyanang si Tuesday Vargas sa kanyang longtime live-in partner na si Coy Placido, member ng bandang Session Road.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Tuesday sa press launching ng bagong sitcom ng GMA 7 na Show Me Da Manny last Tuesday evening, August 18, ay ibinalita niya sa amin na magpapakasal na sila ni Coy sa June 19, 2010. Gagawin daw ang kanilang kasal sa isla ng Boracay.

First time daw na inilabas ni Tuesday ang tungkol sa pagpapakasal niya at nataong ang PEP ang nasabihan niya. Inusisa kasi namin sa kanya kung kailan na sila pakakasal ng boyfriend niyang musikero.

Simpleng kasalan lang ang pinagkasunduan nilang dalawa ni Coy, ayon pa kay Tuesday, kaya naman sa Boracay nila ito gustong idaos.

Kuwento ni Tuesday, malaking impluwensiya raw ang kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo noong April 28 sa San Juan, Batangas, sa magaganap na kasalan nila ni Coy.

"Actually, parang yun ang naging trigger," sabi ni Tuesday, sa kung paano sumulpot ang ideyang magpakasal na sila ng kasintahan niyang musikero.

"For the longest time, we've been discussing really doing it. Pero hindi talaga kami umabot sa point na nag-plan kami at nag-set kami ng date. Seeing Ryan and Juday na very happy, parang naano kami, nagkaroon ng puso ang mga mata naming we were going home.

"And Coy is not the type kasi na nagme-mention about love, the future, mga ganyan-ganyan. Tapos, all of a sudden, nagsasalita siya having a family of his own. Dagdagan na naman yung anak namin na si Kaya.. Basta, nagpaplano siya, tapos na-surprise ako.

"There wasn't really a formal proposal. Basta lang ano, 'Gusto mo ba?' Gumagano'n na lang siya. Tanong ko naman, 'Ng alin?' 'Next year gawin na natin,' sabi niya. 'Ang ano?' agot ko naman. 'Kasal,' sabi niyang gano'n. 'Sige,' sagot ko naman. Yun lang! Gano'n lang," masayang kuwento ni Tuesday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang sorpresa ang naramdaman ni Tuesday sa simpleng proposal na natanggap mula sa live-in partner, naantig din daw ang kanyang damdamin.

"Na-touch talaga ako," sambit niya. "Kasi kumportable ako sa set-up naming kahit yung part na simula pa lang. Kasi, napakabait niya sa akin, mabait siya sa bata, yun, napakaimportante yun. He's more of a father to him than the dad of Kaya. Mabait din naman si Robert [biological father]. Pero ang ibig kong sabihin, hindi naman niya flesh and blood, pero kung tratuhin niya, gano'n-gano'n na lang.

"No'ng in-open niya yung option na we are finally doing it, tying the knot, natuwa ako. Kasi no woman is really complete... Kahit sabihin ng kahit sinong babae na okey lang ako, pero deep inside our hearts, really want a wedding."

BUDDHIST WEDDING. Anim na taon na ang relasyon nina Tuesday at Coy. Ang una nilang pinag-usapan ay gawing Buddhist ceremony ang wedding nila dahil pareho silang Buddhist ng boyfriend niya.

Nang makausap noon ng PEP si Tuesday sa taping ng Totoy Bato, kung saan siya naging cast member, sinabi nitong uunahin muna nilang mag-file ng "cohabitation" sa korte. Kahit hindi sila magpakasal ni Coy, magkakaroon sila ng proteksiyon sa kani-kanilang mga naipundar dahil sa cohabitation o legal agreement sa pagitan ng dalawang tao na nagsasama kahit hindi pa sila kasal.

Pero ngayon nga mauuwi na sa totohanang kasalan ang kanilang pagsasama, paano na ang buddhist wedding na plano nilang gawin?

"Oo, kasali yun," agad na tugon ni Tuesday. "Kasi parang we were really planning on doing that before. Pero kasi, realistically speaking, no one is going to attend whole-day long ceremony [gaya sa Buddhist wedding]. Kasi siyempre, bukod sa gagawin siya sa Boracay—na ang purpose doon ay mag-enjoy doon ang tao—we want na parang short and sweet ang ceremony.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang reason naman kung bakit kayo magpapakasal ay parang solidify yung relationship at i-proclaim ninyo sa mundo na we are a couple. So, sa tingin naman namin, magagawa namin yung goal namin kahit maikli lang yung ceremony namin. Sa tingin naman namin, magagawa naming yung goal naming kahit maikli yung ceremony namin," paliwanag niya.

Malamang na hindi na raw matuloy ang Buddhist wedding nila ni Coy dahil ikakasal naman na sila. Kung sa mga darating na taon ay tumagal pa ang kanilang pagsasama ng kasintahan, 'saka nila pag-iisipan kung anong klaseng wedding naman ang kanilang gagawin ni Coy.


MANNY PACQUIAO. Samantala, aliw na aliw si Tuesday kay Manny sa set ng taping ng sitcom nilang Show Me Da Manny. Hindi na nga raw kailangan pang mag-effort ng boxing champ para lang maging effective comedian. Kilos, galaw, at pananalita ay nakakatawa na raw ito.

"Ang maganda kay Manny, hindi siya pikon," ani Tuesday. "Kahit biru-biruin mo siya, game na game siya. Minsan nga, tanong pa nang tanong yun kung tama ba itong ginagawa niya. Sabi namin, basta kung ano yung natural mong acting, gawin mo kasi ikaw na mismo, nakakatawa na. Matutuwa naman yun.

"'Saka, totoo 'yon. Nakakaaliw siya, kasi lagi siyang pumipirma sa tseke. Ang dami niyang pinipirmahang tseke! Binibiro na nga namin siya. Sabi namin, 'O, yung para sa amin naman!' Lilingon lang yun 'saka ngingiti."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN