Vandolph and Jenny Quizon enjoy parenthood

IMAGE 0


When asked what his next showbiz project would be, Vandolph Quizon (in this photo with wife Jenny) replied, "Sa ngayon, hindi pa ako naghahanap. Hands-on nga ako, kaya puro alaga muna. Pero soon sana, gusto pa rin nila ako, kukunin pa rin nila ako, nandito lang ako."


"Isa akong hands-on dad," natutuwang paglarawan ng first-time father Vandolph Quizon sa kanyang sarili.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanila ng asawang si Jenny Salimao noong August 19, sa birthday party ni Dr. Manny Calayan sa Hard Rock Café, nakangiting sinabi ng dating child actor ang sayang idinudulot sa kanila ng unang anak nilang si Vito Vann.

Aniya, naaaliw siya sa pag-aalaga sa kanilang baby. "'Yon ang pinagbibisihan ko palagi. Nasa house lang kami, tinitingnan ko ang anak ko. Ang sarap, iba 'yong feeling, e."

Ganito din daw ang pakiramdam ng mga magulang ni Vandolph—sina Comedy King Dolphy at Parañaque councilor-actress Alma Moreno—sa pagdating ni Vito Vann sa kanilang tahanan. "Tuwang-tuwa sila sa baby," sambit ni Vandolph.

Kung si Dolphy ay tiwala na sa kakayahan ni Vandolph sa pag-aalaga ng bata, si Alma naman daw ay maraming bilin sa kanilang mag-asawa. "Parati mong bibilhan ng ganito, bibilhan mo ng ganyan. Kaya sabi ko, 'Ma, relax, relax, hindi ako ikaw,'" kuwento ni Vandolph.

Dagdag naman ni Jenny, "At saka hindi na raw kami ang love ni Mama Ness [palayaw ni Alma], si Vito na raw ang love niya ngayon."

CLEARING UP GUN-POINTING REPORT. Samantala, pinabulaanan naman ni Vandolph ang lumabas na balita kamakailan na nagsasabing nanutok diumano siya ng baril sa isang motorcycle driver.

Imposible raw mangyari 'yon dahil nasa bahay lang sila ng kanyang asawa noong araw na nabanggit sa balita at ipinadidiwang ang ikalawang buwang kaarawan ni Vito.

"Malalaman n'yo na ho na nagbago na ako," ani Vandolph. Pamilyadong tao na ho ako, kakapanganak lang ni Misis. Kaya parang mas masarap maging 'house arrest', sa bahay ka na lang muna, mag-alaga ng bata. 'Tapos, may lalabas na ganyang tsismis, sana huwag kayong maniniwala."

Nakiusap din si Vandolph na kung maaari ay huwag na raw isabit ang pangalan ng kanyang ama sa ganitong klase ng balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My dad was so hurt na parang, 'Ano 'to? Ano na naman 'to?' Hindi naman Vandolph, e, anak ni Dolphy. Ang pangit," paliwanag ni Vandolph.

Dagdag naman ni Jenny, "Sa mga naglalabas ng ganung isyu, sana isipin din ninyo 'yong sinisira ninyong family. Actually, hindi kami nasira, kasi strong naman kami at lalaban naman kami."

Nang tanungin kung may ginagawang aksiyon ang kanilang pamilya laban sa maling report na ito, ito ang maiksing sagot ni Vandolph, "I think my dad is doing a legal action ngayon sa taong naglabas nun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN