Lovi Poe still hurting over Rosanna Roces's harsh words

IMAGE 0


"Tumahimik lang po ako kasi alam ko, si Jolo at ang pamilya niya, yung pamilya ni Ms. O, ayoko nang makisama pa kaya ayoko nang palakihin pa sana. Kaso, nasobrahan lang ako. Kasi parang ang point ko, pinalaki ako nang maayos ng magulang ko, tapos tatawagin akong ganun. Ako, okey lang na sabihan ako ng ganun. But it's not fair for my mom and for my dad [the late Fernando Poe, Jr.] because my parents were the best parents, ever!" says Lovi Poe about her encounter


Maayos na ipinaliwanag ni Lovi Poe sa press conference ng Show Me Da Manny last Tuesday, August 18, kung ano talaga ang nangyari at na-late siya sa shooting ng indie film na Familia Sagrada. Dahilan para mabalita na nasigawan daw siya ng direktor ng pelikula na si Joel Lamangan

Ayon kay Lovi, hindi naman siya nagdamdam sa pangyayari. Alam niyang nasa kanya talaga ang naging pagkukulang dahil sa hindi maiiwasang bagay.

Paliwanag niya, "Actually, ang aga kong nagising nang araw na yun. Kaso, ang nangyari, hindi dumating ang driver ko. Hindi ko ma-start ang kotse ko, so ako na lang ang magda-drive papuntang Pampanga. Parang I took the risk na ako ang magda-drive, pero hindi nag-start ang kotse ko.

"So, tumawag ako kay Tito Leo [Dominguez, Lovi's manager]. I said, 'Tito Leo, please, kailangan ko ng driver. Kailangan ko ng sasakyan.' So, biglang naghanap ng sasakyan si Tito Leo. Kaso yung driver, late, so mangiyak-ngiyak na ako! Naghanap pa ko ng rent-a-car.

"Kasama ko pa yung kaibigan ko para tumulong. To the point na nakaaway pa ng kaibigan ko yung guard dun sa office ni Tito Leo. So, something went wrong that day na muntik pang magbunot ng baril yung guard sa kaibigan ko. Halos umiiyak na 'ko bago pumunta dun. Parang everything went wrong that day. Hindi ko alam kung bakit, kasi pinaghandaan ko ang araw na yun, tapos ganoon," mahabang lahad ni Lovi.

First time lang daw niyang makakatrabaho si Direk Joel kaya talagang pinaghandaan daw niya ito. At kahit nasigawan daw siya, hindi raw siya nagdamdam.

"Hindi ko po dinamdam kasi alam ko naman kung ano ang pagkakamali ko. At the same time, hindi ko po dinamdam kasi alam ko po na late na po talaga akong dumating So, parang ako, inihanda ko na po yung sarili ko. Hindi ko po dinamdam kasi alam ko po na-late ako at may nangyari po talaga sa akin at hindi dahil na-late lang ako ng gising. In-explain ko naman po nang maayos kay Direk at after naman po nun, okey na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaharap daw halos lahat ng tao sa location nang sigawan siya.

"Tinanggap ko po yun, kasi wala po akong ginawang mali. Nagkataon lang na lahat ng nangyari sa paligid ko, mali," aniya.

ENCOUNTER WITH OSANG. Hindi pa rin naman maiwasan ni Lovi na maging emosyunal kapag tinatanong sa kanya ang namagitan sa kanila ng aktres na si Rosanna Roces sa taping dati ng Lipgloss, na ngayon ay wala na sa ere. Gumanap bilang mag-ina sina Lovi at Osang sa naturang youth-oriented show ng TV5.

"Ayoko na po...ayoko na po. Kasi, nasasaktan lang ako at baka mas lalo pa akong masaktan. Grabe!" napapailing niyang sabi.

Ano nga ba ang naging pakiramdam ng mommy niya na si Rowena Moran sa pangyayaring yun?

"Yung mom ko, nasasaktan siya. Ang sabi lang niya, dapat... Kasi nga, merong mga threats na ginagawa sa akin. Kaya ang sabi lang niya, huwag lang siyang makadampi ng kahit ano or something," saad ni Lovi.

Ayaw nang direktang sabihin ni Lovi ang mga salitang ibinato raw sa kanya ni Osang. Pero base sa lumalabas, nandiyan ang mga salitang "haliparot" at "ingungudngod" daw siya.

"Ang sa akin po, may respeto pa rin ako sa kanya," sabi ni Lovi. "Ang point ko po, we never had the chance to speak to each other, to actually clarify each side. So, para po sa akin, ayoko pong mag-comment ng masama tungkol sa kanya, kasi hindi ko naman po alam kung ano po talaga ang side ng istorya niya."

Siyempre, ang nakikita lang naman na posibleng dahilan ng treatment sa kanya ni Osang ay ang pagiging girlfriend siya ni Jolo Revilla. Si Jolo ang dating boyfriend ng anak ni Osang na si Grace Adriano at nagkaroon sila ng anak.

"Mahirap kasing mag-comment, kasi may batang nakasalalay," sabi ni Lovi. "At saka siguro po ako, lie low... Kasi, yun...sobra...hindi ko lang kinaya. Kahit isipin ko lang, naiiyak ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Garalgal na rin ang boses ni Lovi nang kausap namin kaya obvious na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa namagitan sa kanila ni Osang.

Kung tutuusin, marami na rin siyang intrigang sinuong sa pakikipaglapit niya kay Jolo. There was her mom na sa simula pa lang ay napabalita nang kumokontra raw sa pag-iibigan nila. So, hindi ba siya nanghihinayang o di kaya'y iniisip na hindi siya deserving sa kung anuman ang nangyayari sa kanya?

"Ako... Si Jolo, sobrang bait na tao. Sobrang bait, wala akong masabi. Nagkataon lang na nangyari ito ngayon at sa akin pa. Aaminin ko, masakit. Pero kasi, kung magsisi ka, yun na yun, e. Siguro para sa akin, bata pa 'ko. Marami pa akong pagdadaanan. Isa pa lang 'to sa siguro maliliit na pagsubok. So, for me, kung anuman ang mangyari sa akin, tatanggapin ko na lang yun, kasi bata pa 'ko. Pero, alam ko na darating ang time na mas magiging masaya pa ako," pahayag ni Lovi.

Anong realization niya sa mga nangyari?

"Realization? Siguro ako ngayon, mas focus na ako sa trabaho ko. Mas focus ako sa trabaho at pag-aaral ko. Mahirap kasing mag-focus ka sa isang bagay na inaakala mong magiging maganda ang kalalabasan. Masakit, kasi ako yung mismong nandoon sa taping kaya masakit talaga." Nagpipigil pa rin na maiyak si Lovi.

Sa lahat ng yun, wala siyang ginawa, tumahimik lang siya?

"Wala, tumahimik lang po ako kasi alam ko, si Jolo at ang pamilya niya, yung pamilya ni Ms. O, ayoko nang makisama pa kaya ayoko nang palakihin pa sana. Kaso, nasobrahan lang ako. Kasi parang ang point ko, pinalaki ako nang maayos ng magulang ko, tapos tatawagin akong ganun. Ako, okey lang na sabihan ako ng ganun. But it's not fair for my mom and for my dad [the late Fernando Poe, Jr.] because my parents were the best parents, ever!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipagdarasal na lang daw niya siguro yun, at natatawang sabi na: "Si Papa...sana dalawin na lang sila!"

Dagdag niya, "Kasi ako, tatanggapin ko na lang yun, pero sa parents ko? My parents put me in a good school. They made me grow up with discipline. Tapos, ganun ang tatawagin sa akin? Masakit yun sa part ko, tapos hirap pa akong i-defend ang sarili ko. Ngayon ko lang na-defend. Hirap ako, kasi iniingatan ko pa rin ang pangalan ng mga madadamay."

JOLO'S REACTION. Nakarating ba kay Jolo yung mga salitang itinawag sa kanya ni Osang?

"I think po, na-feel bad po siya," sagot ni Lovi. "Pero kahit hindi na po siya mag-apologize, alam ko naman po na sorry siya, lalo na yung pamilya niya. I feel actually sorry kasi parang imbes na yung sa kanila ang lumaki, ang sa akin ang lumaki."

To think na labas naman siya sa isyu ng mga ito?

"Yes, so parang ang sa akin lang po, gusto ko na rin pong mag-sorry kay Gab, sa anak ni Jolo. I mean, pati ako, I'm not supposed to be part of it. So, sorry na lang. Pati kay Grace, sorry na rin. Hindi ko alam kung bakit ako naging part. So, sorry na rin."

Bakit siya nagso-sorry?

"Wala, sorry na lang sa kanila para matapos ng lahat ng ito," sagot ng young singer-actress.

Pero masaya ba siya para kay Jolo na nandito na ang custody ng anak nitong si Gab?

"Kasi, hindi po namin pinag-uusapan ang custody case. It's between Grace and Jolo po. Basta po ako, wala po akong masasabing masama sa kanila, kasi hindi ko naman alam ang story nila," aniya.

Sa kabila nito, masaya naman daw si Lovi na may bago siyang show sa GMA-7, ang sitcom Show Me Da Manny, na pinagbibidahan nina Manny Pacquiao at Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, masaya, kasi dun ko na-feel yung blessing ni God. May kapalit na maganda. May part na magiging malungkot sa 'yo, pero may part na magiging masaya. Kumbaga, parang balance na lang din," pagtatapos ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN