Bacoor Mayor Strike Revilla admits dad, former Sen. Ramon Revilla, feels depressed

IMAGE 0


"Minsan sinasabi niya gusto niyang sumuko, e, sumuko sa laban niya. Pero sabi ko... hindi ko siya masabing siya yun, e. Kasi ang tatay ko, he's very strong. Talaga namang very strict sa amin 'yan," says Bacoor, Cavite mayor Strike Revilla about his father, former actor and senator Ramon Revilla Sr.


Bihirang humarap sa entertainment press ang nakababatang kapatid ni Senator Bong Revilla at Bacoor mayor na si Strike Revilla. Kadalasan ay nasa background lang siya kapag may family affair o event si Bong, at kahit noong panahon ng kanilang ama at dati ring senador na si Ramon Revilla Sr.

Aminado naman si Strike na siya ang pinakamahayain among the many children of his father. Marami rin ang hindi makapaniwala na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang asawa o kahit nobya man lang.

"Masyado lang siguro akong na-focus sa pagsisilbi sa mga kababayan namin. At naniniwala naman ako na may tamang panahon para d'yan. 'Tsaka nung pumasok ako rito [pulitika], binuhos ko ang panahon ko dito. Pero lumalabas din naman ako," saad ni Strike nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng kanyang proyekto sa Bacoor, Cavite—ang "Bacood Festival '09."

Ang "Bacood Festival '09" ay month-long celebration sa Bacoor para sa pagdiriwang ng 38th founding anniversary ng bayang sinasakupan ni Strike. Magsisimula ang "Bacood Fesatival '09" sa Agosto 25 at magwawakas sa September 23.

Isa sa mga highlight ng pagdiriwang ay ang groundbreaking ng kauna-unahang public hospital sa Bacoor sa September 25, kung saan may kalahating ektarya ng lupa na tatayuan ng ospital ay dinonate ni dating Senator Revilla. Magaganap din ang coronation night ng Mutya ng Bacoor sa araw na 'yon.

STRIKE'S KIND OF WOMAN. Dahil wala pang asawa o girlfriend si Strike, kinakantiyawan tuloy siya ng mga manunulat sa showbiz na mukhang hindi niya namana ang pagiging "tsikboy" ng mga Revilla.

Ngiting pagkatamis-tamis lang ang iginanti ni Strike. "Pero nakikipag-date naman ako. Oo naman," sabi niya.

Hindi ba siya nalulungkot na at his age dapat ay may pamilya na siya?

"Hindi naman," sagot niya. "Kasi nand'yan pa rin naman ang pamilya ko, si Daddy, ang mga kapatid ko na talagang very supportive sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi rin ni Mayor Strike na masyado siyang pihikan pagdating sa pagpili ng babaeng mamahalin. May crush ba siya sa showbiz?

"Actually, 'yan ang problema natin. Sa dami ng magaganda sa showbiz, wala akong makita!" natatawang sabi niya.

Ano ba ang tipo ng babaeng gusto niya?

"E, yung mga international ang gusto ko, e—mga Jennifer Lopez."

Totoo ba na dati niyang girlfriend ang cancer survivor at businesswoman na si Pinky Tobiano?

"No comment," ngiti niya.

May communication pa rin ba sila?

"Oo naman. Magkaibigan kami," sagot ni Strike.

RAMON REVILLA'S CONDITION. Kumusta na ang kalagayan ni dating Senator Revilla ngayon? Matatandaang na-stroke ang actor-politician last year at naapektuhan ang kanyang motor skills.

"Ay, he's okey. Siyempre minsan alam mo yung depression, hindi rin maaalis. Siyempre sa kalagayan niya ngayon, nade-depress din siya. Alam mo naman, 82 na siya," sabi ni Strike.

Nagkakaroon ba ng self-pity ang kanyang ama?

"Oo, minsan sinasabi niya gusto niyang sumuko, e, sumuko sa laban niya. Pero sabi ko... hindi ko siya masabing siya yun, e. Kasi ang tatay ko, he's very strong. Talaga namang very strict sa amin 'yan."

Pero nakatutok pa rin ba sila sa daddy nila?

"Yes, talaga naman," sabi ni Strike. "Pamilya namin siya. Sinasabi namin sa kanya na kailangan pa namin siya. Na talagang mahihirapan kami kung mawawala siya. Na talaga naman, at saka mahal namin siya.

"Kasi alam mo 'yan sa mga magulang natin, minsan hindi natin nasasabi na kapag nawala na lang, iiyak-iyak ka. Nakita mo, katulad ngayon yung pagkamatay ni Tita Cory [Aquino]. Ngayon ipinapakita natin, may nakikita pa ako na marami ang nagpapasalamat sa kanya. Nagpapasalamat ka ngayong wala na yung tao? Sana ginawa nila 'yan nung buhay pa, hindi nung patay na. Makikita o mararamdaman pa ba 'yan?"

Kasama raw ni Strike sa malaking compound ng mga Revilla sa Imus, Cavite ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano sila nagte-take turns sa pag-e-encourage sa daddy nila na huwag mawalan ng pag-asa at lakasan pa ang loob niya?

"Ay, yung mga kapatid ko, every day nandudun yun. Sinasabihan ang daddy namin ng 'I love you.' Pinaparamdam namin kung gaano namin siya kamahal. Kasi siyempre, alam mo yung tatay ko, marami ring pagkukulang sa mga anak niya dahil siyempre sobrang trabaho rin siya dati, e. Puro trabaho din yun. And ngayon lang din talaga siya nagkaroon ng oras sa mga anak niya. Pati mga kapatid ko nandun din sa bahay ni Daddy almost every day kaya masayang-masaya siya," lahad ni Strike.

Hindi pa sila ready na mawala sa kanilang piling ang daddy niya?

"Ay, naku, hindi!" mabilis na sagot ng alkalde ng Baccor. "Pero siyempre, hindi natin masasabi ang buhay ng tao. Kami nga, nagulat din kami sa nangyari sa kanya. E, talagang, tingin ko, meron pa siyang misyon dito, e.

"Tsaka mantakin ninyo ha, ganun na siya, may kapansanan na siya. Yung hospital na binabanggit ko na isa sa mga highlight na gagawin nating groundbreaking, nag-donate siya ng kalahating ektarya. Siya yung nagbigay nun. Kaya inspite ng kanyang kalusugan, talagang naisipan pa rin niya na tumulong"

Paano kung si former Senator Revilla na mismo ang magsabi sa kanila na give up na siya?

"Hindi kami papayag. Lumaban siya. Ipaglalaban namin siya. Nasa sa kanya pa rin ang agimat. Hindi pa niya pinapasa sa amin," sagot ni Strike. Matatandaang nakilala si Ramon Revilla sa mga pelikulang tumatalakay sa mga agimat.

ROSANNA ROCES. Tinanong din ng PEP si Strike kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni Rosanna Roces na "may sumpa" sa pamilya nila. Ito ay dahil sa panibagong alitan sa pagitan ni Osang at ng pamilya ni Bong.

"Doon? Wala naman. Alam mo, sa totoo lang, hindi naman tayo nakikihalo para diyan. Sana naman yung mga ganun... That's uncalled for. E, hindi natin... Kami, hindi namin papatulan ang mga ganun. E, masaya naman kami ngayon kung anuman ang meron ang pamilya ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro ulit kay Strike, baka sa kanya maputol ang sumpa sa pamilya nila na may tatak na mga babaero?

"Hindi naman," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN