PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH: Carlo Caparas plans to run for senate in 2010

Supreme Court stops awarding of National Artists.
by Nerisa Almo
Published Aug 26, 2009
Carlo J. Caparas wants to show his detractors an example of good politics so he's considering to run for a senatorial seat in the 2010 elections. He says, "Itong mga taong ito [his detractors] ang magtutulak sa akin talaga para pasukin itong magulong pulitika."

Bunsod ng sunud-sunod na pagbatikos sa pagkakahirang sa kanya ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang National Artist for Film and Visual Arts ngayong taon, pinag-iisipan ng comicbook writer at film director na si Carlo J. Caparas na sumabak sa pulitika sa 2010 elections.

Sa ulat ni Nelson Canlas ng GMA News, sinabi ni Caparas: "Ang mga tao, makikita mong kaya pala nilang apihin ang isang nanggaling sa ibaba na katulad ko. Lalo na siguro ang mga kababayan na talagang masasabi natin na hindi pinalad sa buhay at nasa ibaba, kung paano gagawin ng mga ganitong klaseng tao. Doon ako napipikon, e!"

Dagdag niya, "Sabi ko, 'Itong mga taong ito ang magtutulak sa akin talaga para pasukin itong magulong pulitika at nang magpakita tayo ng sample kung ano ang klase ng mabuting pulitika."

Kung saka-sakali, posisyon sa Senado ang pupuntiryahin ng "massacre film" director sa 2010. Subalit hindi naman nasagot ni Caparas kung papanig siya sa administrasyon kung matuloy ang kanyang kadidatura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaan na sinuportahan ni Caparas ang pagtakbo ni PGMA noong 2004 presidential elections laban sa pambato ng oposisyon, ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. Si FPJ ang orihinal na gumanap bilang Panday, isa sa mga tanyag na likha ni Caparas.

Hindi rin direktang sinagot ni Caparas kung malapit siya sa administrasyon. Aniya, "Wala, e. Lahat ng tao pinagbibintangan nilang malapit [ako] sa administrasyon kapag nagpasalamat kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo."

Samantala, natawa na lang ang National Artist for Literature na si Virgilio Almario, isa sa mga bumabatikos sa listahan ng mga bagong National Artists na inilabas ng Malacañang ngaying taon, nang malaman ang planong pagtakbo ni Caparas.

"Kaya pala siya ang pinaka-active and aggressive and very vocal in facing the media to air his comments against us, the living National Artists. Mayroon pala siyang ganoong political intentions, parang ang babaw naman niya," pahayag ni Almario.

SC STOPS NATIONAL ARTISTS AWARDS. Pansamantala namang ipinahinto ng Supreme Court ang paggawad ng Malacañang ng nahirang na National Artist awards ngayong taon. Kabilang na rito ang kinukuwestiyon na si Caparas, na hinirang ng Malacañang bilang National Artist for Film and Visual Arts, at si Cecile Guidote-Alvarez (executive ng National Commission for Culture and Arts) na hinirang naman bilang National Artist for Theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilabas kahapon, August 25, ng kataaas-taasang hukuman ang resolusyon kaugnay ng isyu sa National Artist awards.

Sa ulat ng GMA News, hihintayin muna ng Supreme Court ang mga komento ng mga dati nang hinirang na National Artists, na naghain din ng petisyon sa korte para sa kanilang pagtutol sa ilang mga gagawaran ng nasabing award ngayong taon.

Ilan sa mga tahasang tumuligsa sa listahan ng bagong National Artists na inilabas ng Malacañang ay ang mga dating National Artists na sina Virgilio Almario (literature), Bienvenido Lumbera (literature), Ben Cabrera for visual arts (painting), Napoleon Abueva for visual arts (sculpture), at Arturo Luz for visual arts (painting and sculpture). (Ckick here to read related article.)

Paliwanag ni SC spokeperson Jose Midas Marquez, "The court decided to issue a status quo order and required the respondents to file comment. After they file the comment, the court would decide to call for an oral argument."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
national artist
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo J. Caparas wants to show his detractors an example of good politics so he's considering to run for a senatorial seat in the 2010 elections. He says, "Itong mga taong ito [his detractors] ang magtutulak sa akin talaga para pasukin itong magulong pulitika."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results