Melissa Ricks isn't in a hurry to fall in love: "Friends lang ang gusto ko ngayon."

IMAGE 0


Melissa says her parents became alarmed when their sweet, innocent daughter started becoming tabloid fodder with Jake Cuenca: "Kasi first time ko na na-issue sa mga tabloids na sunud-sunod. Siyempre na-shock ang mga parents ko, pero naiintindihan naman nila na kasama sa showbiz yun. Jake is doing very well with his career, ako paunti-unti naman kaya naiintriga na kami."


Balitang sobrang nag-aalala daw ang mga magulang ni Melissa Ricks sa pakikipagrelasyon ng aktres kay Jake Cuenca. Magiging first boyfriend daw ni Melissa si Jake kung saka-sakali. Isa raw sa labis na ayaw ng pamilya sa aktor ay ang pagkaka-involved nito sa mga negatibong issues at kontrobersiya.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Melissa a few days ago, di naman dinenay ng aktres na totoong naalarma ang mga magulang niya sa mga lumabas na balita tungkol sa kanila ng aktor.

"Kasi first time ko na na-issue sa mga tabloids na sunud-sunod. Siyempre na-shock ang mga parents ko kung bakit may mga issues na lumalabas, pero naiintindihan naman nila na kasama sa showbiz yun. Jake is doing very well with his career, ako paunti-unti naman kaya naiintriga na kami.

"Isa pa, never pa kasi akong nagka-boyfiend. Yung parents ko siyempre worried sila on me, they want the best for me. Di naman sa ayaw nila, darating din 'yan pero wala naman silang sinasabi na ayaw nila kay Jake. Saka di lang naman kay Jake, sa lahat, siyempre magulang 'yan, they will always worry, they will always want the best for their daughter or son."

Aminado si Melissa na pinapayuhan siya ng magulang na huwag magmadaling pumasok sa isang relasyon.

"Pinapaayuhan nila ako na bata pa ako, na puwede pa akong maghintay, marami pang lalapit, marami pa akong good guys, mga guwapo guys, na lalapit pero ako naman, friends lang ang gusto ko ngayon. Ang daming projects na pinagkakatiwala sa akin ng ABS ngayon, dapat unahin ko ang trabaho ko."

NEGATIVE ISSUES ABOUT JAKE. Sa mga negatibong issues tungkol kay Jake, paano kung malaman ni Melissa na may bahid ng katotohanan pala ang lahat ng binabato sa rumored boyfriend?

"Siguro ang mga ginawa ng tao in the past, past na yun. Past is past and you should accept them for who they are now. Kung nagbago man sila o kung anuman sila ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nagsasabi na pagdating sa pag-ibig maraming anak ang puwedeng magrebelde sa kanilang mga magulang. Hindi raw kaya umabot sa ganitong punto si Melissa at handa raw kaya niyang ipaglaban ang taong mamahalin niya kahit sa mga magulang?

"I'm a responsible girl, I'm a responsible daughter, di ako gagawa ng mga bagay na makakasama sa akin.

"Kung wala naman kaming ginagawang masama ipaglalaban ko. Siguro maa-accept din naman ng magulang ko kung ayaw nila sa isang tao. Papakinggan ko what they have to say but in the end, choice ko pa rin yun kung saan ako liligaya, what will make me happy."

Nakita raw na nag-date sina Melissa at Jake sa Bonifacio High sa The Fort at sa maraming pagkakataon daw ay nakitang sweet na sweet sila. Agad namang dinenay sa amin ito ng aktres.

"Saan yun? Di pa ako nakakapunta dun. Ang kasama ko pag lumalabas ay sila Kim, Empress, sila lang dahil di ako pinapayagan ng parents ko pag iba ang kasama ko.

"Regarding sa sweet daw kami, I can say na mas close kami ni Jake ngayon, mas nagkakaintindihan kami. He also helps me with my acting, pag may trabaho ako, tine-text ko siya, 'Paano ba ito?', pinapayuhan naman niya ako. Ako kasi lagi akong kabado."

Maganda ang ratings ng Kambal sa Uma pero may lumalabas na intriga na kinukumpara ang acting nina Melissa at Shaina Magdayao. Ayon sa iba parang mas lumulutang daw si Melissa sa mga eksena niya with Shaina.

"Kasi iba naman ang characters naming ni Shaina, di naman dahil mas magaling siya sa akin o mas magaling ako, may kanya-kanya kaming forte, may kanya-kanya kaming atake sa acting namin.

"Basta ako, thankful ako and grateful because Uma is doing very well. Ang taas ng ratings namin, consistent pa rin kami hanggang ngayon since na nag-start kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN