Jericho Rosales says meeting ex-girlfriend Heart Evangelista gave them closure

IMAGE 0


Jericho Rosales says his priorities don't include love for now, but the single dad clearly dotes on his son: "Hindi pagkakamali sa buhay ko si Santino. He actually gave me a direction sa buhay."


Kinumpirma ni Jericho Rosales na nagkita na sila ng ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista. Mahalaga para sa aktor ang pagkikita nilang muli. Pero hindi naman daw agad doon natapos o na-resolve ang personal issues nila sa isa't isa.

"Nag-usap lang kami. Hindi, siyempre hindi naman puwedeng kapag nagkita kami mag-usap na agad kami. Siyempre mas maganda na at least parang, ah, warm-up lang yung nanood muna kami ng sine ni Heart," lahad ni Echo.

Sila lang ni Heart ang magkasama na nanood ng sine? "May kasama naman kaming mga kaibigan."

Alam ba ng parents ni Heart ang pagkikita nilang muli? "Oo naman po, kasi alam nila na mag-uusap kami."

Siya o si Heart ang nagsabi sa parents niya? "Si Heart na yun."

Pero si Jericho raw ang nag-invite kay Heart na lumabas sila. Nagkaroon ba sila ng closure ni Heart sa pagkikita nila? "Meron na," diin ni Eccho.

CLOSEST TO HIS HEART. Mahal pa rin niya si Heart? "Whatever it is I'm feeling for Heart right now I don't want to express it sa TV or sa public because I'm sure that whatever I say will make her uncomfortable."

Kung may babalikan ba siya among his past girlfriends, posible ba na si Heart yun? "Hmmm... kasi siya naman ang pinaka-ano ko, e, pinakagrabe."

May balak ba siyang balikan si Heart? "Sa ngayon siguro mukhang hindi na mangyayari yun. Kasi nag-usap kami na hindi yun ang priorities namin ngayon, e. I mean, sa akin, at least sa akin, hindi yun ang priority ko ngayon."

Nababalitaang nanliligaw ngayon kay Heart ang anak ng dating House Speaker Jose de Venecia. Nakakaramdam ba siya ng selos kapag may ibang lalaking nali-link kay Heart?

"A little bit, if nakakarinig ako ng mga ganun, parang 'oops.' Hindi naman selos. It's just that you know how it feels na siyempre galing ka sa isang taong mahal mo, kahit sino 'to, ha. Siyempre kapag narinig mo yun, alam ko naman na hindi ako puwedeng pumasok sa isang relationship especially with her right now kasi hindi ko kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kapag makakarinig ka pa rin ng ganyan ngayon, sa totoo lang kapag nakakarinig ako ng ganun, sana lang totoo yung taong kasama niya. Parang ganun. Sana makahanap siya ng okey na tao.

"Parang yung complex ng pagiging tao, parang gusto mo may pakiramdam ka pero hindi mo magawa. Wala, e. Tiisin mo na lang."

MOVING ON. Ano ang pinag-usapan nila ni Heart? "Basically, kung ano ang dapat naming pag-usapan. Dahil hindi na kami nagkita nung naghiwalay kami. But I cannot say na other things. But it didn't take one session, two sessions. But actually, two sessions are not enough."

Pagkatapos ng dalawang sessions na pag-uusap nila ni Heart masasabi ba niya na naka-move on na siya? "Oo , mga one year and a half na."

Sure ba siya na naka-move on na siya kay Heart? "Well, not totally."

Tanggap na ba niya na hindi na magiging sila o still hoping siya na magiging sila pa rin? "Ah, I cannot say that."

Between Kristine Hermosa and Heart, sino ang mas matinding nagmahal sa kanya noon? "Uhm, in fairness, pareho ko naman naramdaman na intense sila pareho."

Kanino naman kina Kristine, Heart at Cindy Kurleto siya talaga pinakamatinding nagmahal? "To be honest with you, si Heart."

Sinubukan din niyang balikan si Cindy noon, di ba? "Yes, but hindi na nag-work, e."

PROTECTING SANTINO. Sa burol ng yumaong Presidente Corazon Aquino ay kasama ni Jericho ang only son niyang si Santino. Doon ay nakausap siya ng ilang entertainment writers pero dinedma raw niya ang mga tanong sa kanya ng mga manunulat habang katabi si Santino.

Later on na lang na-realize ng mga manunulat na ayaw magsalita ni Echo tungkol sa babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa kanya sa harap ni Santino.

"No, let's put it this way. I really care about my son. Isa lang, I mean, once and for all, so that you will not feel na parang ini-snub ko kayo, iba kasi yung... once and for all para at least maintindihan ninyo ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba naman ang buhay ng anak ko sa buhay ko. He has a life with his mom and it's not easy for them na marinig nila sa kalye na, 'Ay, 'yan yung nanay ni ano.' Minsan nga the mom would tell me kinukuwento siya as mom na naanakan or something and it's not good.

"I really care for the mom of my child just because siya ang nanay ng anak ko. And galing siya, hindi kami together ng nanay ng anak ko, di ba? At least, I want to give them their privacy. I want to give my son his own life kahit hindi, I mean, as much as I can I want to give him a good life. He has a life sa school, I want to protect him.

"Tita Angeli [Pangilinan, his manager] said to me before na it wasn't easy for Pao [Paolo], Gab and Keanna being the children of Gary Valenciano. It wasn't easy for KC [Concepcion ] to be daughter of Sharon Cuneta. I'm not saying that I'm such a big star. But I'm a known star here in the Philippines and it won't be easy for my eight-year-old son to be, you know, to take all those things.

"Minsan nga kapag nasa loob kami ng mall, picture-picture. Nagugulat siya, e. Pero minsan sanay na siya. Siya pa yung kumukuha ng picture, di ba? Pero imagine the pressure na mabibigay sa kanya?

"Pressure na nga yung hindi kami ng nanay niya dahil bata pa nga siya, di ba? Tapos hindi niya ako nakikita palagi. Tapos nape-pressure pa siya sa school. Ayoko lang madamay siya sa buhay ko. I'm not saying na pangit ang buhay ko. I have a good life. Pero I'm proud of him but I really want to give him privacy."

SANTINO'S MOM. Alam ni Santino na artista siya? "He knows. He knows that I sing, I act. At gusto niya kapag nasa stage ako. He watches my concert."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman sila ng nanay ni Santino? "She's a very hard working single mom. Wala, wala siyang boyfriend at the moment. She's focusing on my son."

Baka siya ang hinihintay na balikan niya? "Hindi naman."

Wala ba siyang plano na buuin ang kanyang mag-ina? "No, hindi naman ano, e, hindi na para doon yun, e. Pero, uh, hindi pagkakamali sa buhay ko si Santino. He actually gave me a direction sa buhay."

Si Echo ang nagbigay ng pangalan sa anak niya na Santino. "Saint ang tawag ko sa kanya. Kamukhang-kamukha ko siya, di ba?"

Kilala ba ni Santino lahat ng past girlfriends niya? "Si Heart lang yung nakilala niya."

Ano ang tawag niya kay Heart? "Tita Heart," pagtatapos ni Jericho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN