PEP EXCLUSIVE: Lawyers of Barrameda and Jimenez families give "preview" of trial for Ruby Rose murder case

IMAGE 0


Lawyers handling the Ruby Rose Barrameda-Jimenez (in photo) case argued their points before the actual trial date of the case. Ruby Rose went missing on March 2007 and was found two years later, her corpse encased in cement inside a steel drum at the bottom of a Navotas fishing port. She was the sister of former beauty queen and actress Rochelle Barrameda.


Nag-hearing kahapon, 8:30 ng umaga, August 28, sa korte ni Honorable Judge Hector B. Almeida ng Malabon Regional Trial Court Branch 170, ang mga abogado ng mga akusado sa Ruby Rose Barrameda-Jimenez murder case at ang mga abugado ng pamilya Barrameda.

Pinangungunahan nina Atty. Mario Aguinaldo (abogado ni Atty. Manuel Jimenez Jr.) at Atty. Paul Lentejas (abogado ni Lope Jimenez) ang defense.

Sina Atty. Rowena Guanzon at Atty. Ana Cristal naman ang mga abogado ng prosecution.

Matatandaang nag-file ng Motion for Judicial Determination of Probable Cause si Atty. Aguinaldo sa Malabon Regional Trial Court, matapos i-file ng Department of Justice (DOJ) ang kasong murder laban kina Atty. Jimenez (kapatid ni Lope Jimenez), Manuel Montero, Leonardo "Spyke" Discalzo, Eric Fernandez at Roberto Ponce, kaugnay sa pagpatay kay Ruby Rose Barrameda-Jimenez, kapatid ng dating beauty queen at aktres na si Rochelle Barrameda.

Motion for Reconsideration naman ang na-file nina Atty. Lentejas ng depensa.

PREVIEW. Nagmistulang "preview" ng mismong trial ang simpleng hearing lang sana ng validity ng motion na isinumite nina Atty. Aguinaldo sa korte ni Judge Almeida.

Kinuwestyon kasi ng judge ng Malabon RTC Branch 170 kung bakit kailangan pang mag-file ng Motion for Judicial Determination of Probable Cause si Atty. Aguinaldo kung ang punto lang naman ng mosyon ay para malaman kung dapat ngang kasuhan ang kanyang mga kliyente at kung may krimen ba.

"There is a dead body, was it not? Therefore, a crime is committed," pahayag ng judge sa motion ni Atty. Aguinaldo.

Argumento ni Atty. Aguinaldo, hindi naman sigurado na si Ruby Rose nga ang bangkay na natagpuan.

Kinukuwestiyon kasi ni Atty. Aguinaldo ang findings ng DOJ investigating panel, ng PNP Scene of the Crime Operatives (SOCO), at ng mismong prime witness ng mga Barrameda na si Manuel Montero, isa rin sa mga akusado. "The statements of their witness does not jive with the findings of their medico-legal," sabi ni Atty. Aguinaldo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa, ibinase raw ng investigating panel ang kanilang findings sa "hearsay" na nanggaling sa witness na si Montero. Nagbanggit pa si Atty. Aguinaldo ng mga natapos at nahatulan nang kaso sa iba't ibang korte para patunayan ang kanyang mga punto.

Kaya ang "remedy" na hinihingi ni Atty. Aguinaldo mula sa korte sa pagsusumite niya ng kanyang motion ay ang pagpigil sa paglilitis sa kanyang kliyente at ang pagpigil din sa pag-issue ng warrant of arrest dito.

Apila naman ni Atty. Guanzon kay Judge Almeida, paupuin na lang at huwag nang pakinggan ng korte si Atty. Aguinaldo. Nilabag diumano nito ang isa sa mga Rules of Court Proceedings—ang hindi pagbibigay ng kopya ng mosyon sa kalabang abogado.

THREE-DAY RULE. "There is a 'three-day rule,'" ani Atty. Sandy Coronel ng Yorac Arroyo Chua Caedo & Coronel Law Offices. Kinonsulta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Coronel hinggil sa sinasabi ni Atty. Guanzon na nilabag na rule ni Atty. Aguinaldo.

"Section 4 of Rule 15 of the Rules of Court Proceedings requires that lawyers must ensure that opposing counsels should receive a copy of their Motion at least three days before the hearing thereon," paliwanag ni Atty. Coronel.

Argumento naman ni Atty. Aguinaldo, wala diumanong "entry of appearance" ang prosecuting lawyers, kaya walang kopya ang mga ito. Pero nang mag-file daw si Atty. Aguinaldo ay nagpadala naman siya ng kopya sa Public Prosecutors Office. "And under the Rules on Criminal Procedure, copy to the Public Prosecutor is sufficient. Because under the rule, the Public Prosecutor controls [the prosecution]..."

Sabi naman ni Judge Almeida, sa pagkakaintindi niya ay nag-entry of appearance na sina Atty. Guanzon sa preliminary investigation pa lang ng kaso at sapat na iyon.

"And it is on record!" susog ni Atty. Guanzon sa sinabi ng judge.

Patuloy pang argumento ni Atty. Guanzon, buti pa raw ang lawyers ng iba pang akusado, may courtesy na bigyan sila ng kopya ng Motion for Reconsideration ng mga ito, at kinilala ang kanilang entry of appearance sa preliminary investigation pa lang ng kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"ARGUMENTS ARE EVIDENTIARY." Maingat naman si Judge Almeida sa pagsasabing hindi na dapat nag-file pa ng mosyon si Atty. Aguinaldo para alamin kung may probable cause ang kaso—hindi ibig sabihin ay hinatulan na niyang guilty ang mga akusado. Trabaho raw talaga ng korte na alamin kung may probable cause ang kaso at kung guilty nga ang mga akusado. Ito ay matapos isampa sa korte ang kaso.

Ang mga argumento raw kasi ni Atty. Aguinaldo na tila nagsasabing mahina ang kaso ng prosecution, na sinaad niya sa Motion for Judicial Determination of Probable Cause, ay dapat na nireserba na lamang niya sa mismong pormal na paglilitis na ng kaso.

"Your arguments are evidentiary in nature and should be presented to court in a trial," sabi ni Judge Almeida sa mga defense lawyers na pinangungunahan ni Atty. Aguinaldo.

Sa ginawa nga raw ni Atty. Aguinaldo, tila sinabi na nito sa prosecutors na, "dagdagan n'yo pa ang ebidensiya n'yo at pagtibayin pa ang kaso."

"Hindi niya na dapat problema yun, problema namin yun," sabi naman ni Atty. Cristal nang makausap ng PEP matapos ang hearing na tumagal nang halos kalahating oras. "Frivolous na lang lahat ng motion na 'yan.

"Tama naman si Judge. Yung mga sinasabi nila, evidentiary 'yan, e. Dapat nga matuwa kayo, e, sabi nga ni Judge. Kasi mahina ang kaso, kaya nga dapat dalhin na sa trial," dagdag pa niya.

Sabi naman ni Atty. Guanzon, na may bahid pa rin ng panggagalaiti sa ginawang "discourtesy" raw sa kanya ni Atty. Aguinaldo:

"Hindi nila dapat paniwalain ang mga tao na idi-dismiss ng Huwes ang kaso kapag nanalo sila sa motion nila. Na kapag nakita ng Huwes na kulang pa ang ebidensiya at mahina ang kaso, idi-dismiss na ang kaso, hindi po gano'n. Ang gagawin lang ng Huwes, ibabalik sa State Prosecutors ang kaso, sasabihan silang pagtibayin ang kaso at dagdagan n'yo pa ang ebidensiya n'yo kung meron man."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maikli lang ang sagot ni Atty. Aguinaldo matapos ang hearing nang hingan ng PEP ng reaksiyon, "Nasa judge na yung motion. Hintayin na lang natin. Yun na muna ang masasabi ko," sabi nito bago sumakay sa kanyang sasakyan.

AVOIDING JIMENEZ TURF. Nang makausap naman ng PEP si Rochelle Barrameda, kapatid ni Ruby Rose, sinabi niyang sinadya talaga nilang hindi dumating sa hearing dahil sinabihan na sila ng witness nilang si Montero na balwarte raw ng mga Jimenez ang Malabon at madali lang sa kanilang gawan ng masama ng mga ito.

"Nakakatakot, di ba? Lugar nila 'yon, e," sabi pa ni Rochelle.

Sa ngayon, nakatakda raw na mag-file ng motion ang kanilang mga abugado para isama sa mga dapat kasuhan at mapabilang sa watch list ang dating asawa ni Ruby Rose na si Manuel "Third" Jimenez III.

"Sa September 2 yata, magpa-file na kami ng motion," balita ni Rochelle.

Yun nga ang nalaman ng PEP mula kay Atty. Guanzon, noong katatapos lang ng hearing. "We are going to file a Motion for Reconsideration dun sa [DOJ investigating] panel, dahil hindi nila isinama sa information o charge sheet si Manuel Jimenez III," sabi ng lady attorney.

Dagdag niya, "Nasabi na ni Atty. Cristal ito noon. Dapat na kasama si Third Jimenez sa mga akusado. Imposibleng yung bodyguard mo, yung tatay mo, yung tito mo, alam yung krimen, tapos ikaw, hindi? Dalawang taon nawawala ang asawa mo, wala kang ginawa? Walang ibang tunay na nag-benefit sa pagkawala ni Ruby Rose kundi siya, di ba? So, dapat na makasuhan din siya."

CAREFUL OF HIGH-PROFILE CASE. Sa ngayon, pinag-aaralan pa ring mabuti ni Judge Almeida ang mga mosyon na inihain ng mga abugado ng mga akusado. Sinabi niya noong hearing, "I don't want to make a mistake. This is a high-profile case."

May sampung araw, mula nang mag-file ng kaso ang DOJ sa Navotas-Malabon Regional Trial Court (August 24), para pag-aralan ng husgado ang DOJ investigating panel findings and resolution, at ang mga mosyon na inihain ng depensa—bago maglabas ng desisyon kung kailangan itutuloy sa paglilitis sa korte ang kaso at mag-issue ng warrants of arrest sa mga akusado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN