Dingdong's manager Perry Lansigan formally launches talent management company

IMAGE 0


Perry Lansigan (second from left), president of PPL Entertainment Inc., with his talents (from left) Gabby Eigenmann, Angelika dela Cruz, Carlo Gonzales, and Arthur Solinap. Not in photo are his prized talent Dingdong Dantes, who was in Caliraya taping Stairway To Heaven, and latecomer Geoff Eigenmann.


Noong September 9, pormal na inilunsad ang PPL Entertainment Inc., ang management and events company ni Perry Lansigan na siyang nag-manage ng career ni Dingdong Dantes for 13 years. Kasabay nito, nagkaroon din ng blessing ang bagong opisina ni Perry Lansigan sa may Scout Area sa Quezon City.

Intimate ang salu-salo sa bonggang two-storey office, na hindi pa talaga tapos pero pinabendisyunan na rin dahil, ayon sa feng shui, suwerte ang pagbubukas ng desisyon sa lucky date ng taon, and triple 9 0 09-09-09.

Kuwento ni Perry Lansigan, executive producer din ng SOP, "Actually, thirteen years naman na akong nagma-manage kay Dingdong. Pero ngayon, ang ginawa ko, pinormalize ko lang lahat. Noong nawala si Tito Dougs, isa siya sa mentor ko. Alam n'yo, si Tito Dougs, palagi niya akong tine-text. Noong lumabas ang YES! magazine ni Dingdong sa bahay, tinext niya ko, 'I'm proud of you...you should be proud. Lahat ng nangyari kay Dingdong ngayon ay meron ka, part ka dun.'"

Ang pagkamatay ng batikang talent manager na si Douglas Quijano noong June 13 ng taong ito ang nagbunsod sa kanya para mag-invest sa isang opisina.

"After ng mangyari sa kanya, nakakatakot...Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. At least, kung mawala ako, may opisina ang mga alaga ko. May mga taong magpapatakbo. Hindi sila maliligaw. Itutuloy lang nila kasi, may mga road managers silang lahat, may office pa. So, walang maliligaw."

Bakit PPL ang pangalan ng kanyang kumpanya?

"Kaya siya PPL dahil puwede siyang basahin as pangalan ko [Perry P. Lansigan] or kapag may events ako, puwedeng People, Parties, and Locations. Kumbaga, may ganun siya, so puwede ko siyang gamitin kahit saan."

THE PPL OFFICE. Reflection daw ngkanyang personality ang makikita sa mismong opisina ng PPL. White ang dominant color, pero ang mga accents, vases, at upuan ay multi-colored. Makulay daw ang buhay para sa kanya kaya ginawa niyang pula ang kanyang hagdanan, at asul ang inset ng wall na naghihiwalay sa dining room at opisina ni Perry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bawat sulok ng PPL office ay merong Perry's touch. Ang disenyo ay batay sa mga pegs na nakuha niya sa magazines. Siya mismo ang pumili at bumili ng mga gamit. Ayon pa sa talent manager, inabot ng four months ang construction ng building.

Nang usisain namin siya tungkol sa mga intriga na posibleng ipukol sa kanyang magarbong opisina, ang mabilis niyang sagot: "Hindi ko naman hinaharap yung mga negative vibes na ganyan. Sabi nga ng aking expert-friend [sa feng shui], huwag ko raw pansinin yun."

PPL TALENTS. So far, PPL has six talents at makikita ang mga larawan nilang nakahilera sa wall ng office, ayon sa kung kailan sila nai-manage ni Perry: Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Arthur Solinap, Angelika dela Cruz, at ang baguhang si Carlo Gonzales.

Sa pagpapatuloy ng big boss ng PPL, "May tatlong existing talents na madaragdag, may isang hindi [na] baguhan pa. Pero more than that, ayoko na muna."

Sa ngayon, puro Kapuso talents ang mga mina-manage niya, lalo pa't he's also working in GMA-7. Pero natutuwa siya dahil hindi takaw-gulo o pasaway ang mga alaga niya.

Wala raw siyang masasabing management style, pero natutuwa raw siya na galing sa maayos na pamilya ang kanyang mga talents.

Ang malumanay na paliwanag niya, "Hindi kasi naituturo yun. Nasa breeding ng pamilya. Nasa pinag-aralan. Kasi, naniniwala ako na lahat ng talents ko, nanggaling sa maayos na pamilya. Naturuan ng pamilya nila ng tama at lahat may pinag-aralan. At hindi ko na itinuturo yun, it's inborn. Dapat inborn na mabait, inborn na matulungin. Inborn na edukado. Hindi kasi naituturo yun."

Hindi ba conflict sa work niya sa GMA-7 ang pagma-manage ng mga talents?

"Hindi naman. Alam ito ng GMA. Declared sa kanila. Walang kaso, kaya yung nagsasabi diyan na hindi alam ng GMA, pinagbawalan, I beg to disagree dahil declared ito since day one. Mula nang maging talent ko si Dingdong 12 years ago, alam ng GMA yun. At kung 12 years ago pinagbawalan ako, sana noon pa lang inayos ko na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Present ang halos lahat ng Kapuso executives sa intimate party ni Perry, siyempre. Nakita namin ang vice president for entertainment na si Marivin Arayata, assistant vice president for talk shows/musical/specials na si Darling de Jesus, assistant vice president for drama na si Lilybeth Rasonable, senior program manager na si Redgie Magno, at program manager na si Hazel Abonita.

Dumating din ang mga talents ni Perry na sina Gabby, Arthur, Carlo at Angelika. Humabol si Geoff na nanggaling sa taping ng Rosalinda. Hindi nakarating si Dingdong dahil sa Caliraya pa ang taping nito ng Stairway to Heaven, and it would take him eight hours para makapag-back and forth trip siya sa location at sa blessing.

Nakita rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Gina Alajar, Gian Magdangal, Geleen Eugenio, Chris Cayzer at Kris Aquino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN