Roxanne Guinoo is not complaining despite lack of work in ABS-CBN

IMAGE 0


"Kesa magpaka-nega, gumawa na muna ako sa iba. Pinapayagan naman ako, e. Mayroon ngang iba diyan, nagte-taping na sila, naitatapon pa yung proyekto. Hindi ka na rin masasaktan kung hindi ka mag-e-expect," says Roxanne Guinoo about not having work in ABS-CBN for now.


Mukhang mas nagiging visible pa ngayon ang young actress na si Roxanne Guinoo sa labas ng Kapamilya Network.

Palabas na ang Tarot ng Regal Entertainment, kung saan kasama niya sa cast ang mga Kapuso stars na sina Marian Rivera at Dennis Trillo. Naabutan din siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, August 29, sa last shooting day ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie ng APT Entertainment at GMA Films.

Ibig bang sabihin nito ay walang ibinibigay na trabaho sa kanya ang home network niyang ABS-CBN?

"Hindi naman, pana-panahon din kasi 'yan," paliwanag ni Roxanne. "Kahit sa mga sinasabing reyna ng Dos, may time na dalawa, tatlong buwan na walang trabaho. Pinagdaanan din 'yan ni Angelica Panganiban, maski ni Claudine Barretto.

"Hindi ibig sabihin nun, pinababayaan ka na. Nagkataon lang siguro na kung wala kang ginagawa, may iba kang napapagdaanan. Naipaliwanag na sa amin 'yan. Parang cycle lang 'yan. Hintay-hintay lang. Hindi naman ako naiinip, e."

The fact na gumagawa siya ng pelikula para sa GMA Films, umugong tuloy ang usap-usapan na baka lumipat na rin siya ng network.

"Nakakontrata ako sa kanila. Loyal ako sa ABS-CBN, and at the same time, naka-lock ako sa kanila, pati management, dahil nakakontrata ako sa Star Magic. Wala pa akong susunod na assignment sa kanila. Okey lang. Naghihintay lang kami.

"Kesa magpaka-nega, gumawa na muna ako sa iba. Pinapayagan naman ako, e. Mayroon ngang iba diyan, nagte-taping na sila, naitatapon pa yung proyekto. Hindi ka na rin masasaktan kung hindi ka mag-e-expect," saad ng young actress.


RICH BOYFRIEND. Pero wala naman daw angal si Roxanne dahil happy ang lovelife niya sa piling ng non-showbiz boyfriend niya na ayaw talaga niyang i-divulge ang identity. May balita nga raw na nagbubuhay-reyna na ang young actress dahil mayaman ang kanyang boyfriend at hindi siya lumalabas ngayon na walang bodyguards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman ikinakaila na may bf ako," sabi ni Roxanne. "Pero hindi naman totoong I'm just after him because of his money. Kasi kung ganoon, bakit pa ako nagtatrabaho? Hindi pa rin kami mag-asawa para umasta ako ng ganyan.

"Nalalagyan lang ng ibang kahulugan yung nakikita kaming may bodyguards. Kasi nasabi nga ng boyfriend ko sa akin, may times daw na malapit sa kanya ang away kahit wala siyang ginagawa. Kaya mas mabuti na yung may bodyguards siya para nakakaiwas na rin siya sa ganitong gulo. Kaya kung wala siyang lakad at ako naman ang mayroon, convenient din sa akin ang may assistance from his bodyguards. I see nothing wrong with that," paliwanag niya.

Hindi rin daw choosy sa trabaho si Roxanne at hindi raw niya maa-afford na hindi magtrabaho.

"Gusto kong nagtatrabaho at supportive ang boyfriend ko sa bagay na 'yan," sabi niya. "Walang problema sa amin tungkol diyan. Basta masaya ako sa trabaho. May mga nagsasabi, tumatanggap pa raw kasi ako ng supporting roles. I see nothing wrong with that. Kahit nakapagbida na ako, kung may magandang role, kahit supporting, okey na sa akin. Basta kumportable ako sa set-up at masaya ako sa trabaho, wala akong reklamo diyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN