Ogie Alcasid says Yaya and Angelina movie is a dream project for him and Michael V

IMAGE 0


"We have long arranged that noon pa. We have managed our lives since the separation. Walang mababago. The kids will stay with their mom. Pero every now and then, babalik sila rito to be with me. Okay naman ang dalawang kids," says Ogie Alcasid about the upcoming wedding of ex-wife Michelle Van Eimeren to her Australian fiancé.


Very fruitful ang movie career ni Ogie Alcasid. Right after OMG (Oh, My Girl!) nila ni Judy Ann Santos, susunod naman siyang mapapanood sa Yaya and Angelina (The Spoiled Brat Movie), kung saan tampok sila ni Michael V sa mga role na pinasikat nila sa gag show na Bubble Gang.

"Happy naman kami sa rushes, at sana mag-click," sabi ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi, nakakasa na yung part two. Pero bago ako mag-movie uli, sa music ang concentration ko naman. I will be recording my next album na.

"Kung immediate plan for another movie, mahirap munang mag-isip. Kasi, nakakapagod din. We're very optimistic naman for this movie with Michael V for GMA Films and APT Entertainment."

Lahat ay excited para sa proyektong ito. Pero kahit optimistic si Ogie, importante pa rin daw na samahan ito ng dasal.

"Itong Yaya and Angelina, dream project namin ito ni Bitoy [Michael V]," sabi ni Ogie. "Both of us, na-sideline kami at hindi kami nakagawa ng pelikula. Nag-concentrate lang kami sa TV. Lalo na si Bitoy, gusto niyang magbalik siya sa filmmaking. Alam din nating humina ang local movies, especially sa comedy.

"After the success of the Yaya and Angelina characters sa Bubble Gang, palagay namin, ito na yung time na gawin nang pelikula. Nabuyo lang talaga kami. We presented it to Mr. T. [Tony Tuviera], we presented the story, nakipag-partner sila sa GMA Films. Si Mike Tuviera ang direktor namin."

OGIE'S DAUGHTERS. Nabanggit ng girlfriend ni Ogie na si Regine Velasquez in a past interview na nami-miss na talaga ni Ogie ang mga anak niyang sina Leila at Sara, na nasa Australia kapiling ng kanilang ina, si Michelle Van Eimeren.

"Baka sa November, pumunta ako," sabi ni Ogie. "We're staying there for a while. My last visit, noong April pa, kaya miss na miss ko na sila. Nagkasabay-sabay na ang shooting, pati taping, kaya hindi ako makaalis. I would take time to be with them na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero magkakaroon ba ng pagbabago sa set-up ngayong ikakasal na si Michelle kay Mark Murrow?

"Wala naman, kasi we have long arranged that noon pa. We have managed our lives since the separation. Walang mababago. The kids will stay with their mom. Pero every now and then, babalik sila rito to be with me. Okay naman ang dalawang kids. Birthday na ni Sarah sa September 2, si Leila sa October 16. Sarah will turn 7, and Leila will be 12. Grabe! Parang kailan lang," saad ni Ogie.

Lumalaki naman daw na disiplinado ang mga bata. Si Leila, magiging teenager na and she's going to high school already.

"'Pag nagiging teenager na ang bata, iba rin," sabi ni Ogie. "Excited ako for Leila. Papasok siya sa magandang school called Chivalier. Catholic school, very private. Maganda ang pagtuturo ng music doon. Nagpunta ako doon for orientation. I met the teachers. I'm very happy. Naisip ko tuloy, sana doon ako nag-high school."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN