Uma Khouny keeps mum on identity of adopted daughter's biological father

IMAGE 0


"Kasi, people before, parang pinu-force nila ako na, 'Uma, kailangan mong mag-change! Hindi ang buong Pilipinas ang magtse-change para sa 'yo. Ikaw ang dapat mag-change sa Pilipinas.' E, siyempre, ayaw ko, ayaw ko, matigas ang ulo ko, wala akong pakialam. Pero mangyayari at mangyayari yun nang dahan-dahan," says Uma Khouny.


Suportado si Uma Khouny ng kanyang mga kaibigan from Pinoy Big Brother Season 1 at travel show na Trip na Trip sa ginanap na launching cum fashion show ng My Philippines nationalistic shirts sa Aresi Bar, Tomas Morato, noong Lunes ng gabi, August 31.

Si Uma ang isa sa mga designer ng My Philippines shirts, along with other Pinoys who excel in different fields—Illac Diaz, Gilbert Remulla, Carissa Escueta, Arnold Balais, Aissa Peñafiel, Niccolo Cosme, Raymond Red, at Joe Dean Solo.

Bukod sa kanila, may statement shirts din ang grupo ng Cory Aquino Tribute, Bagong Doktor Para Sa Bayan, Trip Na trip, UP Mountaineers, at Youth Volunteers from University of the Philippines.

Bawat personality at grupo ay may piniling foundation na makakatanggap ng shares sa bawat mabebentang t-shirt. Ang collection shirts ni Uma ay tinawag niyang "Gayuma," samantalang ang napili niyang foundation ay ang Kythe, Inc., na tumutulong sa mga batang may cancer.

UMA'S GAYUMA. Ipinaliwanag ni Uma sa PEP kung bakit Gayuma ang naisip niyang ipangalan sa collection shirts niya at kung bakit Kythe, Inc. ang napili niyang foundation.

"Well, it's Gayuma, My Philippines Shirt by Uma Khouny. Ito yung bagong line ko. Actually, ever since na namatay ang lola ko two years ago, I've always wanted to do something sa mga batang may cancer or kahit sinuman na may cancer. Hanggang sa nag-alok sila sa akin, My Philippines shirt, nag-alok sa akin na mag-design and we came up with a design na Gayuma," saad ng dating PBB housemate.

First attempt daw ito ni Uma to design a shirt.

"Alam mo, hindi ako ganoon kasikat," sabi niya. "Hindi ako ganoon ka-masuwerte sa showbiz. But, ang daming ibinigay ng Diyos sa akin. I was nothing before. I mean, in the Philippines. I didn't have a job. After PBB, I was so blessed. Hanggang sa ngayon, salamat sa Diyos, I still have my own show, Trip na Trip. And I always say, mas lucky ako sa maraming sikat na artista because I get to travel around the Philippines. Sila studio lang, ako location."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For every Gayuma shirt na mabebenta, P50 will go to Kythe, Inc.

"We don't know siyempre kung ano ang pinagdadaanan nila sa hospital. So, yung maliit kong way na yun, my simple way to support them naman," banggit ni Uma.

UMA LOVES THE PHILIPPINES. Tinanong ng PEP si Uma, who is Filipino-Israeli, kung ang pagiging makabayan ba niya ay nagsimula lang nang mag-host siya ng tavel show ng ABS-CBN na Trip na Trip?

"Sa totoo lang, magiging sinungaling ako kung sasabihin kong makabayan ako. Before, Philippines for me was, wala...another place to go. Alam mo na, magpa-party ka. Kung magdadala ka ng pera sa abroad, galing akong Israel, dadalhin mo pera rito, wow, may pera ka! Malaki ang pera, di ba?

"You will never appreciate Philippines unless you live dito, you work here, and you get to know the people. Dati, I have this ugali na... Ayoko namang sabihing bastos, pero rude nang konti. Nakita n'yo naman ako sa PBB, di ba? Nakita n'yo ang mga ugali sa PBB, wala akong pakialam. Masaktan ka man, who cares? Even after PBB, siguro hanggang ngayon pa!" natatawa niyang sabi.

Dagdag niya, "But you know what, kapag kasama mo ang nga Filipino, nag-iiba ka, nag-a-adjust ka nang dahan-dahan. Kasi, people before, parang pinu-force nila ako na, 'Uma, kailangan mong mag-change! Hindi ang buong Pilipinas ang magtse-change para sa 'yo. Ikaw ang dapat mag-change sa Pilipinas.' E, siyempre, ayaw ko, ayaw ko, matigas ang ulo ko, wala akong pakialam. Pero mangyayari at mangyayari yun nang dahan-dahan."

So, would he say na nag-mellow na rin siya?

"Ay, sobra!" bulalas ni Uma. "Yung bibig ko, hindi yun magsasara unless tatahiin 'yan. Hindi ko kayang isara ang bibig ko. Pero yung Filipino na wala sa puso ko, ngayon meron na."

NO QUARREL WITH SAM. During the interview, may nag-mention ng pangalan ng former housemate ni Uma sa PBB na si Sam Milby. Nangiti si Uma sabay sabing, "May Sam Milby ngayon, ha?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagpaalala na nagkaroon kasi sila ng isyu noon ni Sam dahil na rin sa pagiging prangka ni Uma. Ngayon ba ay okey na sila?

"Look, hindi ako nakikipag-away sa tao," paglilinaw ni Uma. "Hindi rin ako mahilig makipag-away sa tao. Siguro the way I talk, matigas, parang nagko-comment ako sa tao, matigas. Kahit kay Wendy [Valdez, former PBB Season 2 housemate], di ba?

"Actually, before, nag-enjoy akong makipagsagutan sa TV. Sabihin nila bakla, sabihin nila, 'Ano ba yun, pinapatulan niya babae?' Pakialam ko! I enjoyed that time. Pero you don't do it naman palagi," paliwanag niya.

Yung gusot naman daw nila noon ni Sam ay dahil nag-comment siya about him and Say Alonzo. (Click here to read related story.)

"Siguro yung mali ko noon, may nagsulat. Yung PEP, nagsulat about it. Siguro dapat tinawagan ko at sinabi ko lang sa kanya [Sam]. Pero siyempre, mas masakit kapag ibinulgar mo."

Okey na sila ngayon?

"Yeah," sagot niya.

Pero napansin namin at iba pang entertainment press na tila hindi pa rin sila okey ni Sam.

"Hindi, I mean, anong sasabihin ko? Hindi naman kami close," sagot niya.

Di ba, naging close din sila?

"After PBB, yeah, close kami sa Bahay ni Kuya. Dalawa kaming galing ng ibang bansa. Pero after PBB, we're still friends, but we're not even close. Kasi, bawat isa, may kanya-kanya... Tingnan mo, ang nakakasama niya, yung malalaking stars ng ABS-CBN, so dun na siya. My work... I work with KatKat [de Castro], with Jayson [Gainza], so hindi kami masyadong nagkikita," saad ni Uma.

After naman daw ng issue sa kanila, nakapunta na rin si Uma sa bahay ni Sam. Yun nga lang, hindi na talaga sila ang nagkakasama. We asked Uma kung feeling niya ba ay nagbago na si Sam?

"Lahat kami nagbago," sagot niya. "Kahit ako nagbago. Sa ayaw mo at sa gusto mo, ang nagsasabing hindi nagbago sa pagka-artista, walang ganyan. Imposibleng hindi magbago. Alam mo before, after PBB, lumalapit mga tao, kilala ka, kahit paano, lalaki ang ulo mo. So, lahat tayo, in a way, nagbago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UMA'S ADOPTED DAUGHTER. Ano ang mga nabago sa kanya?

"Well, I have a beautiful daughter, of course... Huwag kayong magtanong dahil hindi ko sasabihin kahit ano about her," diin niya.

Anak niyang talaga or adopted?

"Adopted... she's two years old. Two years na siya sa akin."

We're about to ask him kung ang adopted daughter niya ay anak ng... Pero, maagap siya sa pagsasabing: "Huwag kang magtanong, hindi ko sasagutin!"

Napatili ang ilang press nang mapagtanto na ang adopted daughter ni Uma ang siyang tinutukoy sa matagal nang nagsi-circulate na blind item. Anak siya diumano ng isang sikat na personality.

"Basta, kamukha ko siya!" natatawang sabi ni Uma.

Bakit niya inampon ang bata?

"Alam mo, kapag blessed ka, binibigyan ka ng blessing ng Diyos, kailangan kang magbalik. It's either you help the poor or yung mga poor people, like what I'm doing now with Kythe Foundation," sabi ni Uma.

Pinaninindigan na lang ni Uma na hindi raw niya kilala ang ama ng bata, pero kilala raw niya ang ina nito. So, nakita na ba ng totoong ama ang daughter niya?

"Hindi ko alam," sagot ni Uma. "Hindi talaga ako nakikialam diyan. Ang alam ko, yung bata, healthy, beautiful, at nasa akin siya for two years na."

Pagdating ba ng panahon, sasabihin niya sa adopted daughter niya kung ano ang totoo sa buhay nito?

"Of course! Her name is Nadine and I'll tell her everything."

Ipakikilala ba niya ito sa kanyang totoong ama?

"Hindi ko kilala ang tatay niya!" napapakurap na sabi ni Uma at tumawa.

Pagsisisihan kaya ng ama ni Nadine ang hindi pagkilala rito?

"Of course... Alam n'yo, lahat ng parents na pinapakawalan or walang pakialam sa mga anak nila, pagsisisihan nila, of course," sagot ni Uma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN