Valerie Concepcion treats herself and her family to a vacation in Hong Kong

IMAGE 0


"Dire-diretso ang trabaho ko, halos hindi na ako nagpapahinga. Kaya siguro naman, I deserve a much-needed vacation with my family," says Valerie Concepcion.


Paalis sa September 11 ang actress-TV host na si Valerie Concepcion patungong Hong Kong kasama ang kanyang buong pamilya.

Masayang-masaya si Valerie dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na maisasama niya abroad ang kanyang only daughter na si Heather Fiona, na four years old na at nasa Kinder 1 na.

"As in, super happy ako!" sambit ni Valerie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Matagal ko na kasing promise sa anak ko na dadalhin ko siya sa Hong Kong Disneyland, and finally, matutupad na. Kahit nga ang anak, sobrang excited na siya na makapunta sa Disneyland. Finally kasi, makikita na niya ang mga favorite cartoon characters niya na dati napapanood lang niya sa TV at nakikita sa pictures.

"Nag-promise din ako kay Heather Fiona na kapag matataas ang grades niya sa school, dadalhin ko siya sa Disneyland. E, matataas ang grades niya, lahat A, may isang A-minus. Napakatalino ng anak ko!

Dagdag niya, "Matagal ko na itong plano, hindi lang para sa amin ng anak ko, kundi pati na rin sa parents ko at mga kapatid ko.

Kasama rin kasi ni Valerie na magbabakasyon for four days—September 14 ang uwi nila dito sa Pilipinas—ang parents niyang sina Rudy at Mayette, at mga kapatid niya na sina Erika, Juan Paolo, at Juan Rodrigo. Bale pito sila na buong mag-anak na lilipad papuntang Hong Kong.

"Kaya super-bonding talaga ang gagawin namin sa Hong Kong," dagdag na sinabi ng actress-TV host.

Nasa U.S. ang Wowowee mula September 4 hanggang 16 at hindi kasama si Valerie. Ito ang pagkakataon para kay Valerie na makasama sa isang bakasyon sa labas ng bansa ang kanyang buong pamilya. Sagot daw ng actress-TV host ang lahat ng gastos sa kanilang pag-a-abroad.

"Dire-diretso ang trabaho ko, halos hindi na ako nagpapahinga. Kaya siguro naman, I deserve a much-needed vacation with my family," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa kasipagan ni Valerie sa pagtatrabaho, hindi katakatakang inaaani niya ngayon ang bunga ng kanyang pagsisikap. After niyang makabili ng bagong house and lot last April, very recently naman ay nakabili siya ng bagong sasakyan.

Ang nabili niyang bahay at lupa ay located sa isang exclusive village sa Quezon City—a four-bedroom house na nakatayo sa lote na 344 sq.m.

Isa ito sa mga bunga ng anim na taon ni Valerie sa showbiz mula pa noong nasa GMA-7 siya at nagsisimula pa lang gumagawa ng pangalan via the teen show Click.

Bayad na ang kalahati ng kanyang bahay at ang kalahati ay naka-loan naman sa bangko at binabayaran ni Valerie every month. Ang kasama ni Valerie sa naturang bahay ay ang kanyang mga magulang, ang tatlo niyang kapatid, at ang anak niyang si Heather Fiona.

Ang kabibili namang sasakyan ni Valerie ay isang brand new Toyota Super Grandia na kulay puti. Ang dati niyang van na ginagamit ay pag-aari ng kanyang ama kaya bumili na siya ng sasakyan na matatawag niyang kanyang-kanya talaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN