PEP EXCLUSIVE: Columnist Conrado de Quiros will not apologize to Korina Sanchez

IMAGE 0


When asked about Korina Sanchez's reaction to his views, newspaper columnist Conrado de Quiros said, "Sa akin naman, what she does in her life is her business. Wala na 'yon sa akin. Hindi ko pinag-iisipan what she ought to do and not to do."


Napabalita kahapon ang pagiging emosyonal ni Korina Sanchez, isang ABS-CBN broadcaster na ngayon ay on-leave upang asikasuhin ang kasal niya sa pulitikong si Mar Roxas.

Hindi itinatanggi ni Korina, sa isang interbyu nito sa ABS-CBN mismo, na ang dahilan ng kanyang public breakdown ay ang isang pahayag ni Conrado de Quiros, isang respetadong kolumnista.

Ang issue ay umiikot sa fiancé ni Korina na si Sen. Mar Roxas.

Ayon kay Korina, nasaktan siya sa paglalarawan ni De Quiros sa mga presidential aspirants bilang "atat sa kapangyarihan."

Aniya, "If you ask me, nilalahat niya. Parang si Mar, kasama dun. Doon ako naiiyak." (Click here to read related article.)

Sa eksklusibong panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Conrado de Quiros sa telepono kaninang hapon, nilinaw nitong hindi niya tinutukoy mismo si Mar sa kanyang naging pahayag.

CONTEXT. Inilahad ni De Quiros kay Nerisa Almo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang background ng kanyang statement.

"'Yong context doon, actually, is nag-attend ako ng press conference ng Aksyon Demokratiko nina Sonia Roco. Noong Monday morning 'yan. Nag-declare sila ng support para kay Noynoy running for president.

"'Yong presscon na 'yon, tinawag ako ni Sonia. When she learned na nandoon ako, ang sabi niya, 'Ay, Conrad, punta ka rito. Whatever you have, punta ka rito sa harap, 'tapos sali ka sa kanila.' Nasa Q&A portion na 'yon, tapos na ang presscon, may mga nagtatanong.

"May nagtanong sa akin, 'Ano ang nakikita mo kay Noynoy na siya ang presidentiable na nakakaangat sa ibang presidentiable?' Sabi ko, 'Madali lang 'yan, makikita naman natin, e.' Sabi ko, 'Lahat ng ibang kandidato'—to use 'yong word na ginamit ni Ms. Susan Roces—'lahat ng mga nandoon, makikita mo naman medyo atat na atat tumakbo.'"

Ang tinutukoy ni De Quiros ay ang press conference ni Susan Roces noong Hulyo 2005, sa Club Filipino, matapos ibasura ng Presidential Electoral Tribunal ang kahilingan ni Susan, bilang biyuda ni Fernando Poe Jr., na ituloy ang election protest ni FPJ. Ito rin ang panahong lumantad ang tinatawag na Garci Tapes, kung saan maririnig ang boses ni Pangulong Arroyo na pinagsasabihan si Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, a.k.a. Garci, na kailangan niyang manalo kay FPJ by one million votes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa press conference na iyon, pinabababa ni Susan Roces si Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkapangulo. May isang reporter na nagtanong kung nagpapasimuno ang biyuda ni FPJ ng isang People Power. Sapagakat duda noon si Susan sa maraming reporter, na tingin niya'y nananadyang maliin ang mga report tungkol kay FPJ, sumagot siya nang pabalang: "Atat na atat ka, ikaw ang magsimula!"

RELUCTANT CANDIDATE. Sa paliwanag ni Conrado de Quiros, isa lang sa mga presidential aspirants ngayon ang hindi "atat na atat."

"Ang nakikita mo lang na medyo reluctant talaga, e, si Noynoy.'

"'Tapos, I said something to the effect na, 'Ang feeling ko, 'yong tao who's least interested in power is the one who most deserves it.' Ganyan lang naman ang sinabi ko.

"Kaso ang last statement yata, 'yong 'the one who's least interested in power is the one who most deserves it,' pinaulit-ulit nila sa Channel 2. Taga-Channel 2 ang nag-interview sa akin, e. Pinaulit-ulit nila, and I think that's the one that Korina is referring to. Na bakit ko raw sinasabi na atat na atat daw.

"Sabi niya, 'Hindi kasali si Mar sa ganyan because he's reluctant to run for president. Nakita ko pa nga and so on and so forth.'"

GENERAL STATEMENT. Sinabi ng kolumnista na ipinaliwanag na niya ito sa dating kasamahang broadcaster ni Korina na si Ted Failon, na nag-interview sa kanya kahapon.

Gayunpaman, maluwag namang nagbigay ng paglilinaw si De Quiros sa PEP.

"Hindi naman ako nagre-refer specifically kay Mar sa statement na 'yon. It's a general statement. In fact, lahat ng presidentiables—very particular to the character of the current president in Malacañang—atat na atat sa power, ayaw umalis. But it is, in fact, also a reference to other candidates—talagang atat na atat sila sa power.

"But even then, sabi ko, 'Hindi naman puwedeng i-exempt si Mar because hindi nga ba kasali si Mar doon sa mga inaatake ni Sen. Miriam Santiago, na one of those na campaigning prematurely? Masyado pang maaga, nangangampanya na with all the ads. 'So even there,' sabi ko, 'hindi exempted si Mar.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INTERPRETATIONS. Posible kayang na-misinterpret ni Korina ang kanyang pahayag sa interbyu?

"Na-misinterpret niya, in one sense, na parang the idea is pinatatamaan ko si Mar. Hindi si Mar specifically ang pinatatamaan ko. But it's not necessarily a misinterpretation na, in the other sense, talagang ininclude ko rin talaga si Mar doon sa sinasabi ko, na most other candidates are really anxious to become president, to have power.

"So, hindi misinterpretation in that sense. She may have been right or she may have been wrong about her defense, but she did not misinterpret it completely.

"Sinasabi kong hindi niya na-misinterpret 'yong ini-include ko rin si Mar [because I think] na lahat ng presidentiables, when put all together, are all eager for power. In that sense, hindi niya 'yon na-misinterpret.

"Ang mali niya doon sa news, para sa akin, was trying to defend si Mar by saying na he's the most reluctant candidate sa pagkakaalam niya, which is not entirely true."

NO APOLOGY TO KORINA. Nang banggitin ng PEP kay De Quiros na humihingi si Korina ng paumanhin mula sa kanya, ito ang sagot ng kolumnista:

"If she's asking me an apology for something like that, sabi ko, 'Bakit ako mag-a-apologize samantalang what I was saying naman is something I thought was true.' And to this day naman, ang feeling ko, tama naman ang sinasabi ko, so I won't apologize for those things."

Dagdag pa niya, "Ang sinabi ko naman kina Ted Failon nga, marami 'yang humihingi sa akin, nag-iisip na sinaktan ko sila, na humihingi ng apology from me. Sabi ko naman, wala akong problema mag-apologize kapag it's pointed out to me that I've been wrong. Wala akong problemang mag-apologize. Sabi ko naman, this is not one of those times."

MAR GIVES WAY TO NOYNOY. Noong Martes, September 1, nagpahayag na si Mar Roxas ng pagbibigay-daan sa posibleng pagtakbo ng anak nina dating Senador Benigno Aquino at dating Pangulong Corazon Aquino na si Senador Benigno "Noynoy" Aquino, Jr. Ano ang tingin ni G. de Quiros dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami na ring nagtatanong sa akin niyan. Napilitan na lang ba si Mar umalis o mag-step down? Or ginawa niya rin 'yan dahil willing siya mag-sacrifice?'

"Sabi ko, it's probably a little of both. On one hand, totoo naman talaga na wala na rin siyang choice. Force majeure itong nangyari sa kanya because, after spending so much, hindi naman tumataas ang rating sa kanya. So, his campaign was really getting nowhere.

"Totoo 'yan, forced-to-good siya diyan. Wala naman talaga siyang magagawa dahil ituloy man niya o hindi, wala naman siyang kahihinatnan. On the other hand naman, ang feeling ko naman, to give justice to him, mayroon din namang element na nagsakripisyo siya. Matagal na niyang pinaghahandaan ito.

"Siguro in his mind, kaya pa niyang gawin, pero he's going to step down because he feels that there's somebody else better. There comes a situation to become a better candidate and win.

"So, I think a little of both—may element na napilitan lang din siya and may element of a duty to history. Ginawa niya na magsakripisyo to give way to Noynoy."

ROOTING FOR NOYNOY. Kasunod nito, tinanong din ng PEP ang political commentator tungkol sa kanyang opinyon sa posibleng pagtakbo ni Sen. Aquino.

"Sinabi ko rin 'yan sa column ko, if August 5 had not happened... August 5 ang libing ni Cory, kung saan grabe nga ang outpouring of love for her. Phenomenal talaga ang funeral na 'yon—on a stormy day, ganun karami ang dumating, it was also a holiday.

"So, sabi ko, if that had not happened, I would have gone for Mar. Kasi sa mga kakandidato naman, siya 'yong hindi tainted, e. Wala naman siyang taint ng corruption, wala naman siyang taint ng pumatay ng tao, wala naman siyang taint na mayroon siyang padrino na kaduda-duda.

"I probably would have gone for him even if I thought, sabi ko, na he wasn't really winnable. Kasi hindi naman talaga ako nagsusuporta ng mga kandidato simply because they're winnable. Ang [stand] ko naman diyan, I support candidates who I think ought to win and candidates that I think are good to win. So, I would have gone for him kung hindi nagkaroon ng August 5."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE EQUATION HAS CHANGED. Nagbigay si De Quiros ng dalawang dahilan kung bakit karapat-dapat tumakbo si Noynoy.

"But August 5 did happen! Talagang nagpalit ang equation! After that happened nga talaga, given 'yong situation, I thought Noynoy was an ideal candidate for two reasons.

"Only Noynoy is the natural repository of People Power, hindi 'yong iba, e. Only Noynoy can summon People Power because siya 'yong anak, e.

"Parang may mythical power na na-inherit ni Cory yung mantle ng asawa niya [Sen. Benigno Aquino]. 'Tapos na-inherit naman nung anak ang mantle after namatay 'yong nanay niya. Mayroong ganyang storyline, I think, na malakas ang resonance sa positive mind. So, I thought he was the natural candidate. He was the only one I thought can really be...a continuation of People Power.

"Ang pangalawang dahilan ko diyan: Ideal siyang kandidato because ang tingin ko sa eleksyon na ito, for a long, long time, may vacuum. Parang ang nakita kong elections natin, I've been saying sa regular columns ko, sabi ko, 'Hindi ito regular elections na parang you're just taking out candidates na pagpipilian lang natin 'yong mga kandidato, mga presidentiables.'

"Sabi ko, 'Itong elections na ito is more like the 1986 snap elections, na talagang hinirang si Cory laban kay [President Ferdinand] Marcos.

GOOD VS EVIL. Sa tingin ni De Quiros, and 2010 elections ay di katulad ng mga halalan noon. Mas malaki ngayon ang usaping pampulitika.

"Mayroon kang ganyang elements of the battle of good and evil. Hindi lang ordinary elections of choosing between one candidate and another. It's a battle of good and evil, na pinagpipilian mo ngayon ay isang taong matino o mabuti laban sa isang puwersa na masama. Ideally, ang good candidate na kalaban ng puwersa ni Gloria [Macapagal-Arroyo] would be Noynoy."

Sa mainit na usap-usapan ngayong Noynoy Aquino para presidente at Mar Roxas para bise-presidente, ito ang komentaryo ni G. de Quiros.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think that's an emerging team. That's a logical conclusion of what happened noong Tuesday, noong nag-give way si Mar for Noynoy. So, the likely step will be, if Noynoy runs for president, very likely he will take si Mar as vice president."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN