Che Tiongson accuses former governor Chavit Singson of beating her up

IMAGE 0


"Sinasabi niya [Singson] na, 'Sana pinatay ko na lang, pasalamat ka...' Ibig sabihin, may intensiyon talaga siya. Kaya nga ako nag-file, kasi ang main ano ko naman talaga is for my protection. Kasi kung hindi ako magpa-file, tatahimik lang ako, I don't know, baka puwedeng bukas, or sa makalawa, or next week, or palamigin lang, maybe a month, baka babalikan na naman niya ako," says Che Tiongson (in photo) about the complaint she filed against former governor Cha


Isang araw pagkatapos niyang magsampa ng reklamo laban sa deputy National Security Adviser at dating Ilocos Sur governor Luis "Chavit" Singson, nagpaunlak ng exclusive interview si Rachel "Che" Tiongson sa ABS-CBN News kagabi, September 3.

Matatandaang humingi ng proteksiyon si Tiongson sa Korte laban kay Singson dahil sa pambubugbog sa kanya nito noong gabi ng Sabado, August 22.

Bago nagsimula ang interview ni Ces Drilon ay ipinakita muna ang mga larawan ni Tiongson kung saan kitang-kita ang mga pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan niya, na kagagawan diumano ni Singson.

Sa panayam kay Tiongson, makikita pa rin ang kanyang pasa kahit dalawang linggo na ang nakalilipas nang maganap ang pambubugbog diumano sa kanya.

THE INCIDENT. Ayon kay Tiongson, may dalang latigo si Singson para sa mga alaga nitong tigre nang abutan sila ng boyfriend niya sa dining room ng kanyang apartment noong August 22.

"Bigla na lang may pumasok. Talagang pagkita ko, nakita ko siya, talagang ang reaction ko, talaga na-shock na lang ako. Tapos, biglang pinuntahan kaagad niya ako, ako ang unang nilapitan niya, may dala siyang parang ano...baston. Latigo ba 'yon? Oo, latigo. May dala-dala siya nun, bigla na lang niya akong hinampas sa ulo," lahad ni Tiongson.

Patuloy niya, sinisigawan daw siya ni Singson at patuloy na nilalatigo kahit nagmamakaawa na siya. Ang akala raw niya ay tutuluyan na siya ng dating gobernador.

"'Sirain ko na lang 'yang mukha mo kesa iba lang makinabang!'" sabi raw sa kanya ni Singson. "'Pag narinig yung mga ganung word, lalo na 'hiwalay,' 'ayoko na,' galit na galit. Yung mukha niya talaga, lalo siyang nagiging parang... Basta yung ano niya, talagang galit na galit 'pag sinasabi ko yung mga ganun. Tapos, ang lakas lalo ng palo niya sa akin na para niya na akong gustong patayin."

Inilahad din ni Tiongson na hinubaran at binugbog sa harapan niya ang kanyang boyfriend. "Tapos tinali na siya, tapos blindfolded, tapos binugbog talaga siya, tinortyur, lahat..." saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Tiongson, pinaakyat siya ni Singson sa kuwarto at dito na niya naisipang tumakas. Lumabas daw siya ng balkonahe at doon siya humingi ng tulong sa kapitbahay, hanggang sinundo siya ng kaibigan para madala sa ospital.

Ayon kay Tiongson, 17 years na raw silang nagsasama ni Singson. Nagpakilala raw sa kanya ito na hiwalay na siya sa asawa noong 18 years old pa lang si Tiongson. Sa loob ng 17 years nilang pagsasama ay nagkaroon sila ng limang anak, na ang pinakamatanda ay 16 years old at 7 naman ang bunso.

LIFE WITH CHAVIT. Tinanong ni Ces si Tiongson kung kumusta ang buhay niya na kasama si Singson.

Dito sa puntong ito ay tumulo na ang luha ni Tiongson at matagal bago nakasagot. Nang makapagsalita na siya, sinabi niyang: "Hindi, kasi bata pa naman ako, di ba, nung nakilala ko siya, tapos galing pa ako sa probinsiya? So, parang... Pero nag-aral ako no'n dito sa Manila ng ano, first year college. Tapos yun nga...

"Pero niligawan naman niya ako. Hindi naman ako dinaan sa ano... nanligaw naman siya. Nagustuhan ko rin naman siya. And I thought na, akala ko... Kasi ano siya, e, talagang napaka-ano niya naman that time, ipinakita niya sa akin yung gentleman siya, generous, at saka talagang... Thoughtful, nagpapadala ng bulaklak, yung mga ganun. So, in short, naano din ako sa kanya, na-fall."

Ayon kay Tiongson, November 2008 nang maghiwalay sila dahil hindi na raw niya matiis ang pambababae ni Singson. Nawawalan na rin daw siya ng respeto sa kanyang sarili.

"Akala ko talaga, ako lang ang babae sa buhay niya," sabi ni Tiongson. "Tapos hanggang, yun nga, ilang years na nagsasama kami, may mga lumalabas na kasing-edad ng anak ko, yung mga anak rin. Tapos meron pang... na naitago niya, hindi ko talaga alam, hindi ko talaga nakakayanan. Parang it's also very ano sa akin, emotionally torture, mentally, na parang walang katapusan, hanggang kelan 'to? Parang, hanggang kailan ako magtitiis? Tapos 'pag tinatanong ko siya, sasabihin niya sa akin, 'Pasalamat ka na ikaw ang inuuwian ko!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHE'S BOYFRIEND. Sinabi rin ni Tiongson na hindi naman daw dapat masamain ang pagkakaroon niya ng boyfriend dahil hiwalay na raw sila ni Chavit. Inamin niyang boyfriend nga niya ang kasama niyang lalaki nang gabing bugbugin sila ni Singson.

"Ang akin kasi, bakit ko naman sasabihin sa kanya, di ba, kung wala na kami? ...'Tsaka hindi naman ako yung taong ano... Kasi, yun nga, bago lang din naman kaming hiwalay, ang ginawa ko, naging discreet naman ako," paliwanag niya.

Humingi ng Temporary Protection Order (TPO) si Tiongson sa Korte. Kasabay ito ng pag-aakusa niya sa dating governor ng paglabag sa Republic Act 9162 o "violation of the rights of women and children" sa Quezon City Hall of Justice.

Ayon kay Tiongson, gusto niyang makapagsimulang muli at mabuhay nang tahimik, kasama ang kanyang limang anak.

"Sinasabi niya [Singson] na, 'Sana pinatay ko na lang, pasalamat ka...' Ibig sabihin, may intensiyon talaga siya. Kaya nga ako nag-file, kasi ang main ano ko naman talaga is for my protection. Kasi kung hindi ako magpa-file, tatahimik lang ako, I don't know, baka puwedeng bukas, or sa makalawa, or next week, or palamigin lang, maybe a month, baka babalikan na naman niya ako."

CHAVIT'S REACTION. Pagkatapos ng interview kay Tiongson ay nakakuha rin ng exclusive interview ang ABS-CBN News kay Singson, na nanggagalaiti pagkatapos mapanood ang mga paratang sa kanya ni Che Tiongson.

Ayon sa dating governor ng Ilocos Sur, hindi raw totoo ang mga bintang ni Tiongson laban sa kanya. Pinagtaksilan daw siya nito kaya niya ito sinaktan.

"So, in short, nahuli ko na naman," sabi ni Singson. "Dun mismo sa apartment namin. So, may nangyari nga. 'Yon, abugado ko na ang magpapaliwanag siguro kung ano nangyari sa dalawa. Mabuti nga hindi ko pinatay, e."

Sa naunang interview sa kanya, sinabi ni Singson na hindi ito ang unang pagkakataon na nahuli niya si Tiongson na may kasamang ibang lalaki. Noong nakaraang taon daw ay isang batang aktor ang karelasyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses na rin daw niyang pinalayas si Tiongson dahil sa panlalaki diumano nito.

Ayaw na rin daw sana niyang magsalita tungkol sa nangyari dahil personal nilang buhay ito, pero napilitan daw siya nang kasuhan siya ni Tiongson. Pero hindi raw siya natatakot dahil marami siyang hawak na ebidensiya laban sa live-in partner.

"Kung nakikinig siya, lahat ng sinabi niyang kasinungalingan, kakainin niya lahat 'yan dahil may ebidensiya ako na hindi kami hiwalay. Siya mismo ang naghahabol sa akin! Siya ang humihingi ng pera araw-araw, ng reimbursement. Araw-araw, may note sa akin, may 'I love you-I love you' pa.

"So, hindi totoo yung sinasabi niya na hiwalay kami... Okay lang hiwalay kami, good riddance, pinaalis ko na nga noon, e! Siya ang bumalik-balik. Yung nanakit, nasaktan sila. Yun lang ang sinabi ko, hindi ko alam kung sino. Bahala na Korte diyan."

Natanggap na raw ni Singson ang subpoena at Temporary Protection Order mula sa Korte. Nakatakda silang magtagpo sa September 8 para sa unang pagdinig sa reklamo ni Tiongson laban sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN