John Regala joins mourning for INC leader Eraño Manalo's death

IMAGE 0


"Marami kaming happy moments ng Tatay Erdy noong malakas pa siya, ngunit masaya rin ako dahil nakapagpahinga na ang Tatay Erdy. Napagtagumpayan niya ang tungkulin niya sa Diyos. Natapos niya ang kanyang takbuhin na walang pagkukulang sa aming lahat na kaanib ng INC. Pinagtibay [niya] ang aming pananampalataya. Pagdating ng araw, muli ko siyang makakasama doon sa bayang banal. Hanggang sa muling pagkikita, Tatay Erdy. Mahal ko po kayo," says John Regala about th


Wala pang naitakdang petsa ang libing ng yumaong Eraño G. Manalo, Pangkalahatang Tagapamahala (Executive Minister) ng Iglesia Ni Cristo (INC) o Church of Christ, na ang mga labi ay nakalagak ngayon sa Templo Central, Quezon City.

Namatay si Ka Erdy noong Agosto 31, sanhi ng cardiopulmonary arrest sa edad na 84.

Sa ikalawang gabi ng burol, September 2, dumalaw ang character actor na si John Regala. May lungkot sa kanyang pananalita nang hingan ng pahayag ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bilang pakikidalamhati sa mga naulila ng kung tawagin niya'y si "Tatay Erdy."

Ani John: "Sa pagpanaw ng Tatay Erdy, hindi maipaliwanag ang aking nararamdaman. Sobra akong nalulungkot sapagkat hahanap-hanapin ko ang pagmamahal at mga kabutihan na ipinadama at ginawa niya sa akin.

"Marami kaming happy moments ng Tatay Erdy noong malakas pa siya, ngunit masaya rin ako dahil nakapagpahinga na ang Tatay Erdy. Napagtagumpayan niya ang tungkulin niya sa Diyos. Natapos niya ang kanyang takbuhin na walang pagkukulang sa aming lahat na kaanib ng INC. Pinagtibay [niya] ang aming pananampalataya. Pagdating ng araw, muli ko siyang makakasama doon sa bayang banal. Hanggang sa muling pagkikita, Tatay Erdy. Mahal ko po kayo."

Tulad sa unang interview ng PEP kay John, naisatinig nito ngayon ang pagpapahalaga sa kinaaanibang relihiyon, at ang respeto at pagmamahal sa namumuno.

DECISION ABOUT POLITICS. Nabanggit ni John sa amin ang tungkol sa panghihikayat ng ilang sektor pampulitika na tumakbo siya sa isang provincial post sa Cavite sa eleksiyon sa susunod na taon, pero hindi raw decided si John at mahahadlangan 'yon kung hindi siya papayagan ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo.

"Wala akong tungkulin sa Iglesia Ni Cristo, [pero] masyado akong malapit sa pamamahala ng Iglesia, kay Tatay Erdy. Itinuturing niya ako na isa sa mga anak niya, e. So, lahat ng desisyong nangyayari sa buhay ko, ipinaaalam ko muna sa kanila at humihingi ako ng basbas, kung dapat o hindi. Para iwas ako sa mga pagkakamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kung ako ang magdedesisyon, bilang ako, alam ko very impulsive ako. Kilala ko yung sarili ko, e. Baka makagawa na naman ako ng bagay na pagsisisihan ko pagdating ng araw.

"Mas maganda yung kukunsulta ka sa higit na may karunungan. Mas malawak ang karunungan no'n, e," sabi pa ni John, referring to Ka Erdy. "Ang pinapatakbo no'n, mas higit pa sa bansa—buong mundo! Ang Iglesia, buong mundo na, e. Higit pa sa Presidente ang kaalaman at karunungan no'n, hindi mo na mababayaran. So, yun ang sinusunod ko."

THE SUCCESSOR. Sa pagpanaw ni Ka Erdy, ang pamamahala sa Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas at maging sa iba't ibang dako ng mundo, kung saan mayroon nang mga established brethrens, ayon sa naging paglilipat ng katungkulan—mula sa INC Founder, Felix Y. Manalo hanggang mapunta kay Ka Erdy, kanyang panganay, simula noong April 23, 1963—ay maiaatang sa panganay na anak naman ni Ka Erdy, na si Eduardo V. Manalo, kasalukuyang Deputy Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo.

Ito rin ang paniniwala ni John Regala na nagkaroon na ng close affinity with the Manalo siblings.

"Very close ako sa lahat ng lalaking anak ng Tatay Erdy," sabi ni John. "Si Kuya Eduardo ang panganay; Ka Angel [Felix Nathaniel], at Ka Mark [Marco Eraño] ang bunso. Sa babae naman, Ate Beth [Lolita], Ate Irene [Erlinda], at Ate Liberty. Ang maybahay ng Tatay Erdy ay si Nanay Teny [Cristina] Manalo. Magkakapatid ang turingan namin ng mga anak nila."

THE MOURNERS. Sa ikatlong gabi ng burol, September 3, ay patuloy ang paghangos ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Templo Central. Pati ng mga kilalang kaibigan ng pamilya Manalo.

Namataan ng PEP kagabi ang mag-asawang Sen. Francis "Kiko" Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta, na nandoon na nang dumating sina Manila Vice Mayor Isko Moreno, Congressman Jose de Venecia at asawa nitong si Gina de Venecia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naroon din ang mag-inang Angelica Jones at Mrs. Beth Jones, at libu-libong kaanib sa INC na matiyagang pumipila patungong kapilya, kung saan nakahimlay ang labi ng minamahal na punong tagapamahalang si Ka Erdy.

Samantala, marami pang kabilang sa pamahalaan ang namataan ng PEP sa televised wake proceedings sa cable channels, Net 25 at GEM-TV sa magkakasunod na araw, mula noong Setyembre 1.

Kabilang dito ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang dating Unang Ginang Imelda R. Marcos, Sen. Loren Legarda, Vice-President Noli de Castro, at dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Bukod dito'y maraming pagpapahayag ng pakikiramay at simpatiya sa mga naulila ng yumaong religious leader, at sa buong populasyon ng INC, sa Pilipinas at sa iba't ibang panig ng mundo, mula sa mga taga-pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan.

Bilang relihiyon, nakilala rin ang INC, o ang mga kaanib nito, sa pagtataglay ng kaisahang-diwa at pagtalima, lalo na sa gawaing pagboto (o INC block voting; ayon sa pasya ng pangangasiwa).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN