Jay-R Siaboc still waiting for next project in ABS-CBN

IMAGE 0


Former Pinoy Dream Academy scholar Jay-R Siaboc has no show at the moment in his home network, ABS-CBN.


Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R Siaboc sa taping ng cable TV show na Stop, Talk and Listen last Wednesday, September 2. Isa sa mga guests ng show ang Pinoy Dream Academy (PDA) alumnus. Habang naghihintay na maisalang, nakakuwentuhan muna namin si Jay-R.

Ano na ba ang pinagkakaabalahan niya ngayon?

"Wala, e. Eto, pakalat-kalat," medyo malungkot na sagot ng singer-actor.

Wala siyang kahit isang show sa ABS-CBN?

Umiling lang si Jay-R.

Ibang raket, shows sa labas?

"Wala talaga, e," aniya.

Ano ang last niyang programa sa kanyang home studio?

"Nakasama ako sa Kambal Sa Uma. Tapos nun, wala na," sagot ni Jay-R.

Hindi ba't na-extend ang TV series na yun?

"Oo, natuwa nga ako, kasi akala ko makakasama pa ako. Pero hindi na, e," sambit niya.

Sino ba ang manager niya ngayon?

"Under ako ng Star Magic."

So, nakakontrata pa rin siya rito?

"Parang kae-extend ko lang uli, e. Automatic kasi na 'pag natapos yung dati, talent pa rin nila ako, parang gano'n," paliwanag niya.

Nakasama ni Jay-R si Geoff Taylor sa Season 1 ng Pinoy Dream Academy. Si Geoff ang grand winner sa recently concluded na Are You The Next Big Star? ng GMA-7. Ano ang masasabi niya sa naging kapalaran ng dating "kaklase"?

"Siyempre, masaya ako para sa kanya. Kung dito [PDA] hindi siya sinuwerte, do'n naman nabigyan siya ng malaking break," aniya.

Kapansin-pansin din na medyo payat na si Jay-R. Tumaba kasi ang singer-actor noon. Nagbalik na ang pangangatawan niya tulad nung nagsisimula pa lang siya sa PDA.

"Oo, nagpa-trim talaga ako," sabi niya.

Naputol ang usapan namin nang kailangan na niyang mag-rehearse.

Ang Stop, Talk and Listen ay showbiz-oriented talk show hosted by Ogie Diaz, Maui Taylor, and Dolly Anne Carvajal. Napapanood ito sa cable provider na Cignal TV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN