ELECTION WATCH: Bong Revilla scuttles talk of running for president in 2010

by Melba R. Llanera
Sep 5, 2009
"Wala sa pangarap ko 'yan, wala pa. Inawat ako before ng daddy ko, dapat as vice-president, but siyempre sumusunod tayo sa ama natin. Basta tayo re-electionist lang uli for senator at kung paano tayo makakatulong sa mga mamamayan ng bansa natin."

Nang umalis sa posisyon si Sen. Bong Revilla bilang Optical Media Board Chair at pinalitan siya ni Edu Manzano sa nasabing tungkulin, nabahiran ng intriga ang turnover at pilit na pinagsabong at pinag-away sina Sen. Bong at Edu.

Kung anu-anong mga negatibong komento ang lumabas na walang patunay kung talaga bang nanggaling sa Senador o sa TV host. Ang malinaw ay tinutukan ng dalawa ang kani-kanilang mga tungkulin, sa kabila ng mga intrigang ipinupukol sa kanila.

Sa nakaraang Bakood Festival, at the opening of Molino Blvd. in Bacoor, Cavite, last August 31, ay agad naming hiningan ng komento si Sen. Bong sa kumpirmadong pagre-resign ni Edu as OMB Chairman, effective September 10.

"Well, kung anuman ang hinahangad niya sa mga darating na panahon, I wish him good luck," maigsing pahayag ni Sen. Bong sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

NO PRESIDENTIAL AMBITIONS. Sa nasabing event, marami sa mga taga-Cavite ang sumigaw at nagsabing gusto nilang tumakbo bilang presidente si Sen. Bong sa 2010 election. Agad klinaro sa amin ng actor turned politician na wala sa plano niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Continue reading below ↓

"Hindi, wala sa pangarap ko 'yan, wala pa. Inawat ako before ng daddy ko, dapat as vice-president but siyempre sumusunod tayo sa ama natin. Basta tayo re-electionist lang uli for senator at kung paano tayo makakatulong sa mga mamamayan ng bansa natin."

Ang pagbubukas ng Molino Blvd. ay bagong proyekto ng kapatid niyang si Mayor Strike Revilla, sa tulong si Sen. Bong. Marami ang natutuwa dahil malaking tulong raw ito para maibsan ang problema ng trapiko sa Cavite. Ayon kay Sen. Bong, matagal na itong pangarap ng mga Caviteño na ngayon lang nagkaroon ng katuparan.

"Matagal na itong inaabangan ng mga Caviteño, di lang ng mga taga-Bacoor. Sa traffic na dinadanas ng mga Caviteño, ito na sa wakas at naayos na natin yung problema sa right of way. Babayaran sila by early next year ng 60-plus million. Yung problema na di mabuksan-buksan, finally nasolusyunan na ang problemang ito at heto, napagawa na yung kalahati ng kalye at isusunod agad yung kalahati."

Continue reading below ↓

A TRIBUTE TO HIS FATHER. Isa sa TV show na inaabangan sa ngayon ay ang Ramon Revilla Presents Agimat kung saan ang kasalukuyang pinapalabas ay ang Tiagong Akyat na pinagbibidahan ni Gerald Anderson. Ikinuwento sa amin ni Sen. Bong na nakikita niyang emosyonal ang ama sa tuwing pinapanood nito ang mga dating pelikula na ni-remake ngayon ng ABS-CBN.

"Actually nagpapasalamat talaga ako sa ABS sa pagbibigay nila ng parang tibute sa aking ama. Talaga namang every Saturday, inaabangan ng Daddy ko 'yan, naka-focus siya sa Agimat. Minsan naluluha siya. Siguro naaalala niya nung kabataan niya, so thank you talaga sa ABS.

"'Saka nakita ko rin yung mga teaser ng Tiagong Akyat, magaling si Gerald, magaling na bata, may future 'yan sa showbiz."

Isa sa gaganap sa Agimat ay ang anak na si Jolo. Marami ang nakapansin na sa VTR ni Sen. Bong para sa anak sa dating presscon ng Agimat ay hinamon nito si Jolo para sa nasabing role.

Continue reading below ↓

"By December pa yata yung episode niya. Malaking challenge yun sa kanya, so just wish him luck."

Kinumusta din namin kay Sen. Bong ang apong si Budoy na ngayon ay nasa pangangalaga na nila after mabalita na ibinigay na raw ni Grace ang custody ni Budoy kay Jolo.

"Okey naman yung bata, okey naman siya."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala sa pangarap ko 'yan, wala pa. Inawat ako before ng daddy ko, dapat as vice-president, but siyempre sumusunod tayo sa ama natin. Basta tayo re-electionist lang uli for senator at kung paano tayo makakatulong sa mga mamamayan ng bansa natin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results