PEP EXCLUSIVE. PART I. Chavit Singson says this is not the first time he caught Che Tiongson with another man

IMAGE 0


"Ako nga, noong una kong nahuli siya, pinalayas ko na lang. Hindi ko ginalaw. Pero kung pangalawang beses na lolokohin ka? Okey lang na mag-boyfriend, basta hiwalay na. Pero babalik at babalik sa 'yo na may love letter pa't lahat, tapos mahuhuli mo, hindi na dapat 'yan! Noong unang panahon, binabato ang mga babaeng ganyan hanggang mamatay!" says former Ilocos Sur Governor Chavit Singson about Che Tiongson, who he allegedly caught with her boyfriend (inset).<


Sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Deputy National Security Adviser at former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa bahay niya sa Corinthian Gardens, Quezon City, kahapon, September 4. Personal namin siyang kinausap tungkol sa reklamo na isinampa laban sa kanya ng sinasabing live-in partner niya na si Rachel "Che" Tiongson.

Bagamat ilang beses na siyang nagpa-interview, may mga bagong rebelasyon si Chavit tungkol sa insidente na nangyari noong August 22, 2009, sa pagitan nila ni Che, at sa mga pangyayari sa loob ng labimpitong taong pagsasama nila.

Matatandaang sinampahan ni Che si Chavit ng paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act noong September 2 dahil sa pambubugbog ng dating governor sa kanya. Humingi rin si Che ng temporary protection order sa Quezon City Regional Trial Court.

Sa radio, TV at print interviews ni Chavit noon ding September 2, inamin niya ang pambubugbog kay Che, pero hindi niya direktang sinabi kung siya mismo ang nambugbog o ang kanyang bodyguards.

THE NIGHT OF AUGUST 22. Sa panayam ng PEP kay Chavit, hindi pa rin siya nagsasawa sa pagkukuwento tungkol sa mga nangyari noong gabi ng August 22.

Kuwento niya, "Tinatawag-tawagan pa ako [ni Che] nung nahuli ko. [Sabi ni Che], 'Matagal ka pa ba sa Vigan? Nami-miss na kita.' 'E, matagal pa,' 'kako. 'Dalawang araw pa,' 'kako.' Hindi niya alam, sinusundan ko na sila.

"Kasama na niya yung lalake, ha? Nagpaalam pa siya, 'Hindi ako lalabas ngayong gabi. Dito ako sa bahay, inimbita ko mga kaibigan dito. Mga babae kami lahat. Mag-iinuman kami rito.' 'Ok, good,' 'kako. Hindi nila alam, kasunod nila ako."

Ano ang naging reaksiyon niya nang makumpirma nga niyang may kasamang ibang lalaki si Che?

"Masama. Kung yung iba, magdidilim ang paningin. Kaya yung mga nakakakilala sa akin, nagsabi na, 'Mabait pa rin kayo.' Yung babae [Che] mismo ang nagsasabi na, 'Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo pa rin kami ng buhay.' Alam niya na mabait ako kaya 'good luck,' 'kako na lang," saad ni Chavit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Che ay inilarawan niya ang "torture" at "trauma" na naranasan niya noong gabing 'yon. Click here to read related story.)

NOT THE FIRST TIME. Ayon kay Chavit, hindi ito ang unang pagkakataon na nahuli raw niya si Che na may karelasyong ibang lalaki. Ang unang insidente raw ay nangyari noong nakaraang taon.

"Noong una, hindi ko na pinansin siya. Panay ang text niya na, 'I'm in the process of reconciliation.' Pinabayaan ko na lang. Ang kawawa kasi yung mga bata."

Humingi raw ng tawad sa kanya si Che noong January 2009 at pumayag daw siya sa pakiusap nito na huwag silang maghiwalay.

"May sulat... may text. Yung pangalawang sulat nga niya, 'Pangalawang [beses] ko nang pagkakasala ito, patawarin n'yo na uli ako.' Yung una, yung batang kinalokohan..." banggit ni Chavit.

Sino ang "batang" tinutukoy ni Chavit?

"Alam naman ng lahat, si Cogie Domingo," pagtukoy ni Chavit sa young actor na ngayo'y 24 years old na.

Patuloy niya, "Hindi ko siya [Cogie] kinausap. Kung gusto niya, sa kanya na [si Che]. Wala akong pakialam doon. Pinaalis ko na lang dahil umalis si Cogie noon [papuntang US]. Pinalayas ko na lang si Rachel... Siya ang bumalik-balik. May sulat, e, meron din ako [mga ebidensiya]. Ipinakuha ko lahat ng records nila. Hindi ko na lang... Pinatawad ko na lang siya."

Ayon naman sa ama ni Cogie na si Atty. Rod Domingo, isang human rights lawyer, nagbabalak daw ang anak niya na bumalik sa showbiz. Sana raw ay hindi makaapekto ang rebelasyon na ito ni Chavit sa plano ng kanyang anak.

THE NEW BOYFRIEND. Patuloy na kuwento naman ni Chavit, akala raw niya ay si Cogie ulit ang mahuhuli niyang kasama ni Che noong August 22.

"Kaya sumama ako sa mga sumusunod [kay Che], akala ko si Cogie uli. Nagtaka ako... bago. Playboy ang nakuha, may asawa. May mga anak at yung asawa ng taong ito, wina-warningan pa ang public na, 'Hindi kami hiwalay. Babaero ang asawa ko, huwag kayong pabobola.' Pero maraming nabobola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabay-sabay ang mga nililigawan sa record namin, sabay-sabay," sabi ni Chavit tungkol sa boyfriend ni Che. "At walang ginawa yung grupo nila kundi every weekend, pumupunta sa mga gimikan-sa Fiamma, Embassy, Tomas Morato, lahat ng mga gimikan, Metrowalk... So, namimik-ap talaga.

"May mga ebidensiya. Matagal na naming sinusubaybayan. Nagtrabaho pero tinanggal din dahil puro babae ang inaatupag doon. 'Saka maraming babae... May asawa itong boyfriend niya," giit ni Chavit.

Ang "boyfriend" ni Che na tinutukoy ni Chavit ay nakilalang si Richard Catral, dating marketing officer ng ABS-CBN Foundation (taliwas sa naunang nabanggit na isa itong broadcaster). Sa Friendster account nito ay nakalagay roon na ang status niya ay "married." Si Richard ay 38 years old.

Ayon sa panayam ng PEP kay Che, nakilala raw niya si Richard noong March 2009.

Dahil inamin naman ni Chavit na "nasaktan" din niya si Richard nang makita niyang kasama nito si Che, tinanong ng PEP ang dating governor kung nasaan na ngayon ito?

"Nagtatago pa. Siguro, nahihiyang lumabas dahil siya ang pinakamaliit na... Malas niya dahil siya ang pinakamaliit na nakita ko. Nahiya siguro dahil nabanggit ko na yata na first time ko na makakita nang ganoon kaliit na pag-aari ng lalake. E, nung makita ko, natawa kaming lahat! Wala pang dalawang inches! Parang mas maliit pa sa bagong panganak, pero mayabang magsalita," paglalarawan ni Chavit.

Dagdag niya, "Ilalabas ko lahat sa korte ang mga sinasabi niya. Yung mga kaibigan niya, mayabang. Sinasabi ng mga kabarkada niya na, 'Pare, may nakakakursunada sa 'yo dito, hinahanap ka.' Ang sabi niya, 'Pare, dalhin mo dito. Iba na talaga ang may ginintuang...' May ginto pa raw? May pahabol pa, 'Pare, sabihin mo malaki yung sa akin.'

"Kumpleto ako sa ebidensiya. Kaya itong pag-file nila, sila ang magsisisi dahil kumpleto ako sa ebidensiya. Lalabas ang buong katotohanan. Hindi ako marunong magtago... 'Yon ang nakalimutan ni Che. Siguro nakalimutan niya na hindi ako nagtatago. May pagkabobo, e. Mahirap ang... Dapat sa mga kalalakihan, sa mga kabataan, mamili kayo ng beauty and brain. Huwag kayong mamili ng beauty lang, walang brain dahil doon babagsak! Walang kinabukasan. Sinayang niya lahat," saad ng dating governor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEPARATED OR NOT? Sinabi ni Chavit na hindi pa sila hiwalay ni Che, pero ayon kay Che ay hiwalay na sila noon pang November 2008. Sino ba ang nagsasabi ng totoo sa kanila?

"May pruweba ako, may sulat na hindi kami hiwalay," sagot ni Chavit. "Hindi nakipaghiwalay, although pinapaalis ko na. Siya ang sumusulat. Siya ang naghahabol. Marami akong pruweba na siya ang naghahabol sa akin."

Ilan daw sa mga pruweba ni Chavit ay ang mga sulat sa kanya ni Che noon lang July ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Chavit, "Alam ko na pera lang ang gusto dahil sa mga sulat, text, sa mga nakuha ko na record. Sila, buong pamilya, humihingi sa akin ng pera. Kumpleto ako sa ebidensiya, pati deposit slip.

"Hingi sila nang hingi ng pera kaya nang mangyari ito, para akong nabunutan ng tinik. Tama na, pero noong gustong bumalik, goodbye, good luck. Doon na ako sinampahan ng kaso."

Pinuna rin ni Chavit ang pagluha ni Che sa kanyang interviews.

"Yun nga, e, mahusay na artista," sabi niya. "Lalabas at lalabas ang katotohanan. I don't blame yung mga naawa sa kanya, mga babae, natural lang 'yon siguro. Pero deep inside me, hindi naman ako ganoon kasama kung walang ginawang masama. Ako nga, noong una kong nahuli siya, pinalayas ko na lang. Hindi ko ginalaw.

"Pero kung pangalawang beses na lolokohin ka? Okey lang na mag-boyfriend, basta hiwalay na. Pero babalik at babalik sa 'yo na may love letter pa't lahat, tapos mahuhuli mo, hindi na dapat 'yan! Noong unang panahon, binabato ang mga babaeng ganyan hanggang mamatay!"

(Click here to read PART 2)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN