Cesar Montano wants Cory Aquino film to be made even if he doesn't get Ninoy role

IMAGE 0


"Ako, magawa lang yun ng kahit na sino, kasi the movie has to be made kasi sayang. Makakalimutan ng younger generation that we have a great hero like Ninoy Aquino."


Vocal ang pamilya Aquino na ang type nilang gumanap bilang Sen. Benigno "Ninoy" Aquino Jr. sa film biography ng kanilang yumaong ina ay si Piolo Pascual.

Pero bago namatay si President Cory Aquino, lumutang ang pangalan ni Cesar na kinunsidera para sa papel ng senador na pinaslang sa tarmac ng Manila International Airport (NAIA ngayon) noong Agosto 21, 1983.

Sa taping ni Cesar ng kanyang malaganap na programang The Singing Bee ay nakausap namin siya at kinuha ang kanyang pahayag sa pagpili ng mga Aquino kay Piolo para gumanap na Ninoy.

"Ako, magawa lang yun ng kahit na sino, kasi the movie has to be made kasi sayang. Makakalimutan ng younger generation that we have a great hero like Ninoy Aquino. So, kahit sino ang makagawa no'n, basta dapat magawa lang yun," umpisa ni Cesar.

OTHER NINOY FILMS. Hindi ba siya nasaktan nang piliin ng mga Aquino si Piolo over him bilang Ninoy sa big screen?

"No, Piolo is a good friend."

Pero hindi ba mismo ang yumaong Pangulong Cory ang may gusto na siya ang gumanap na Ninoy kapag isinalin sa pelikula ang kanyang buhay?

"Yeah, but, ah, alam mo, just like Jose Rizal, kahit sino puwedeng gumawa no'n. Ninoy is a great hero. Nagkataon lang na 'eto, buhay pa yung mga kamag-anakan. Si Jose Rizal, yung mga ano na lang, apo ng apo ng apo sa tuhod na lang, malayo na. But anybody can do the movie.

"Well, of course, maganda yung may blessings ng kamag-anakan, nung pamilya. And yung gagawa mas happy. But, siyempre, that doesn't mean na hindi ko pa rin magagawa yun. Puwede kong magawa yun in a few years. Puwede pa rin kaming gumawa ng ibang anggulo, di ba?

"So, yung Ninoy parang Jose Rizal lang 'yan na movie. But it's a great movie na kailangan na pong magawa. Kahit sinong gumawa basta magawa lang dahil sayang yung younger generation, nakakalimutan na 'yan. Para ma-update sila. Kasi lalo na yung mga bata, para yung mga Grade 1 ngayon at Grade 1 next year napapakita na. Ay, mero na pala tayong Ninoy Aquino, na nagbigay ng kanyang buhay para sa bayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOING THE FULL MONTY. May movie offer kay Cesar ang Viva Films na ididirek ng box-office director na si Wenn Deramas na inspired ng British comedy na The Full Monty (1997). Ang pelikula'y tungkol sa anim na lalaking walang trabaho, na nangahas sumayaw sa entablado nang hubo't hubad at sa gayo'y natagpuan ang kanya-kanyang lakas-loob.

"Well, sinabi ko sa kanya [Direk Wenn], yes ako. Naghihintay lang ako sa script. Naghihintay lang ako," ulit na sabi ni Cesar.

Exciting daw na makita si Cesar na sumasayaw at nagpapaseksi ulit sa big screen. Bakit niya naisipang tanggapin ang mala-Full Monty na role?

"Para kakaiba, I'm an actor. Aktor tayo. Sa Amerika, kahit ano basta trabaho 'yan, challenge, fulfillment 'yan. Gusto kong ipakita sa, dito sa bansa natin sa mundo ng entertainment, na hindi ka dapat malimitahan, ikulong ang sarili as an artist sa isang box. You should learn how to work outside the box, not inside only. So, yun ang gusto kong gawin.

"Sino ba ang mag-iisip na magho-host ako ng The Singing Bee na isang game show? Pero nagawa ko. Naging number one yung show, nanalo pa ako ng award sa Gawad Tanglaw. Nanalo ako ng Best Game Show host, kasama ni Edu Manzano.

"Ang challenge kasi sa movie na 'yan, I cannot imagine myself dancing. That's the challenge, e. Just like before I cannot imagine myself hosting a game show. Pero biglang na nag-re-create ako ng ganun. So, nagwo-wonder pa ako kung papano pa ako masusurpresa ng sarili ko."

Alam ba ng misis niyang si Sunshine Cruz na tinanggap na niya ang offer?

"Ah, alam niya. Siya pa ang excited. Sabi ko sa kanya, watch out. Gagaling pa ako na sumayaw kahit parehong kaliwa ang paa ko. Malayo pa ang kanto lumiliko na. Matututunan ko ding sumayaw."

PITCHMAN. Nag-renew din kamakailan si Cesar ng kontrata niya with Mega Sardines para gumawa ng bagong commercial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah, 1995 pa ako sa kanila...hindi, hindi, mahigit ten years na, 'no?

"Simula 'yan pagkatapos kong gawin yung Muro Ami. Doon ako kinuha, e. Almost ten years na kaya ganun na lang ang loyalty namin sa isa't isa. 'Tsaka pinapaniwalaan namin yung produkto.

"May TV ad din kami na napakaganda. Shinoot na namin at nag-e-air na yun," tapos ni Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN