Civic-minded Dingdong Dantes won't enter politics for now

IMAGE 0


It's little wonder that people think that Dingdong Dantes is made for politics. He serves with the National Youth Commission of the Department of Education, a couple of NGOs, and the Reserve Force of the Philippines Marines, but he won't leave showbiz just yet: "Kasi it's a rare opportunity. Ang tagal kong hinintay 'to. Ayokong dumating yung panahon na kapag tinalikuran ko siya, e magsisi ako."


Wala sa isip ni Dingdong Dantes sa ngayon ang tumakbo sa pulitika.

"Never. Siguro as of this point ayoko munang isipin 'yan, I choose to concentrate muna sa pag-arte.

"Like for example sa bagay na ganun, ayoko muna siyang ipasok sa isipan ko because ang hirap mag-concentrate ng maraming bagay, kasi mahihirapan kang mag-succeed sa tatlo o apat na bagay nang sabay-sabay," pahayag ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero may mga naniniwala na kapag naisipan ni Dingdong na maging isang politician, kakayanin niya.

"Kasi ako, always active ako pagdating diyan, even when I started, always 'yan, kumbaga.

"I serve for the National Youth Commission sa Department of Education, a couple of NGOs [non-government organizations]. Kumbaga it's my way of giving back, masaya ako kapag ginagawa ko yun. Kaya siguro hindi kataka-taka kung iyon ang isipin ng iba.

"Pero it doesn't mean na nasa isip ko nga ang politics. Like what I've said, sa showbiz ang focus ko ngayon.

"Oo, sabihin na lang natin yung ginagawa ko as always, it'll always be there. Kumbaga kahit naman... and I do it every Christmas, I do it during my birthday, so nandiyan lang 'yan, 'wag bigyan ng kahulugan.

"Sa ngayon talaga, gusto kong mag-concentrate sa pag-aartista, kasi it's a rare opportunity. Kumbaga ang tagal kong hinintay 'to, gusto kong pagbutihan ko nang maigi dahil ayokong dumating yung panahon na kapag tinalikuran ko siya, e magsisi ako dahil alam kong there's so much to do, so many movies na mga pangarap kong gawin."

HAPPY TO SERVE, IN OR OUT OF POLITICS. Yung pagpasok niya sa pulitika sa ngayon ay out of the question?

"Yes, sa ngayon. As of now."

May kumausap na ba sa kanya tungkol sa pagpasok sa politics?

"Kumausap... not formally, I wouldn't call them offers, but siyempre para sa akin, the fact na tinatanong nila ako, e ibig sabihin may impact yung ginagawa ko, so I appreciate it na tinitingnan nila in a way na there's a possibility na makatulong ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But to me talaga, more than the appreciation na makikita nila yung effort ko, e hanggang dun lang yun."

Kahit hindi siya pumasok sa pulitika, masaya si Dingdong na makapaglingkod sa kapwa.

Kasama rin si Dingdong sa Reserve Force ng Philippine Marines bilang isa sa mga socio-civic activities niya.

"Part kasi ako sa tinatawag na Third Technical Service Batallion, ito yung mga grupo ng mga doctors, mga abogado, mga engineers... civilian support na militarized, so we are a group na militarized, so recognized kami."

"We support, kunwari may mga kailangang gawin like community service and stuff, kami yun, ganun, pero hindi in battle, pero siyempre, we have to be trained also.

"Pero mostly sa medical mission yun, 'tsaka community service. May mga lugar kasi na they cannot afford to get the medicines, nagdadala kami ng mga doctors, mga gamot through GMA Kapuso Foundation."

Master Sergeant ang designation ni Dingdong.

Sino ang nag-encourage sa kanyang sumali dito?

"I grew up kasi in a family of military men. My grandfather was a brigadier general sa PC [Philippine Constabulary]."

Isa raw sa mga pinangarap niya noong bata siya ay maging sundalo?

"Oo, dati, yun talaga yung isa sa mga gusto ko."

Naisip niya bang mag-aral sa PMA?

"Dati, oo! Siyempre naiba lang yung ihip, e, kaya nung nabigyan ng opportunity, masaya ako na kaya ko pa ring mag-serve kahit na artista ako," pahayag ni Dingdong, na gumaganap bilang Cholo sa Stairway To Heaven ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN