Karylle clarifies statement of mom Zsa Zsa Padilla saying Karylle has not moved on from breakup with Dingdong Dantes

IMAGE 0


"Dati pa yun, hindi na ngayon. I can say I have really moved on na. For Ma kasi ito na yung time na nararamdaman ko na yung peace, na okay na ako, okay na okay na. It's been one year na yata," explains Karylle about the statement of her mom, Zsa Zsa Padilla, that she has yet to get over her breakup with Dingdong Dantes.


Lumikha ng kontrobersiya ang interview ni Zsa Zsa Padilla kay Kris Aquino sa The Buzz kamakailan. Sinabi kasi ng Divine Diva na sa palagay niya ay hindi pa nakakaahon ang anak niyang si Karylle sa breakup nito sa ex-boyfriend na si Dingdong Dantes.

Ang pahayag na ito ni Zsa Zsa ay taliwas sa laging sinasabi ni Karylle na "naka-move on" na siya sa naging paghihiwalay nila ni Dingdong. Pero mukhang iniinda pa rin ni Karylle ang kinauwian ng relasyon nila ng aktor.

Agad naman itong nilinaw ni Karylle sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa ASAP '09 noong Linggo, September 13.

"I think ang na-explain ni Mama ay yung nangyari before. I think ever since... Kasi before, hindi siya nagsalita. Kasi ang nag-interview sa kanya ay si Tita Kris, so nahalungkat na naman nila yung nangyari. Kahit papaano naman, as my mom, she had her piece to say. Mas maganda na rin siguro na naikuwento niya kung ano yung nangyari.

"But, dati pa yun, hindi na ngayon. I can say I have really moved on na. For Mankasi ito na yung time na nararamdaman ko na yung peace, na okay na ako, okay na okay na. It's been one year na yata," paliwanag niya.

Hindi naman itinatago ni Karylle na nasaktan siya sa nangyari sa kanila ni Dingdong, pero naibigay na raw niya ang kapatawaran sa mga nangyari.

"Siyempre pag may hurt, kailangan ng forgiveness," sabi ng singer/actress/host/businesswoman.

Pero maaari ba silang maging magkaibigan ulit ni Dingdong?

"To be friends again? Tingin ko huwag muna, kasi baka may mga ibang tao na hindi pa ready. I think that will happen in time, kaya dapat huwag madaliin," sagot ni Karylle.

JERICHO & COCO. Sa interview pa rin ni Zsa Zsa, sinabi nitong huminto na si Christian Bautista sa paglapit-lapit kay Karylle. Pero ang patuloy raw na umaaligid kay Karylle ay ang co-star nito sa Dahil May Isang Ikaw na si Jericho Rosales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanliligaw na nga ba si Jericho kay Karylle?

"Hindi naman, hindi siya nanliligaw," paglilinaw ni Karylle. "Parati kong ine-explain na, dati kasi, lagi kaming tinutukso, so naging awkward kami for a long time ni Echo. Hanggang sa na-figure out namin, magkaibigan naman kami, hayaan na lang kung itsismis kami o kung anuman ang isipin ng ibang tao. Ang importante, hindi totoo. Siyempre yung mga tao na makikitang magkausap kami, feeling nila may something, hahayaan na lang namin. Kumbaga ako, secure na ako sa fact na kaibigan ko siya.

"Palagi kaming magkasama sa Dahil May Isang Ikaw, madalas yung prod namin na magkasama kami. So, hindi maiiwasan na yun ang isipin ng ibang tao. Pero alam namin ni Echo that we're really friends."

May mga lumabas din dating reports na crush daw siya ng Tayong Dalawa star na si Coco Martin. Ayon kay Karylle, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkabatian o mag-usap after niyang manood ng premiere ng pelikula ni Coco na Kinatay.

"Wala siyang ginawang move," sabi ni Karylle. "Actually, nakita ko siya one time, nahiya akong mag-hello. Ito yung kainitan nung isyu sa amin. Siguro next time, pag nagkita kami, babatiin ko siya, hindi na ako mahihiya."

'THIRD PARTY." Gumaganap si Karylle bilang ka-love triangle nina Jericho at Kristine sa Dahil May Isang Ikaw. Dahil dito, ready na ba siyang matawag na "kontrabida" sa tambalang Echo-Tintin?

"Wala pa naman akong nae-experience na sinabihan akong kontrabida. Kasi sa story, hindi pa naman masyado... Kumbaga sa point na ito, hindi niya pa alam na si Jericho yung Miguel na hinahanap ni Ella [Kristine]. Medyo mabait pa siya. Pero sa mga susunod na eksena, sa mga susunod na linggo, may makikita nang pagbabago sa karakter ko as Denise.

"Dito kasi, ang ganda ng character ko. Nung maliit siya, sobrang hate na hate siya ng mga tao because brat. Pinigilan niya ang sarili niya sa pagiging brat, hanggang sa lalabas siya uli. But despite the fact na kumukontra ako sa love nila, ako pa rin yung mas weak kay Kristine, because she's a lawyer, so ang strong ng personality niya," saad ni Karylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat naman si Karylle sa suporta ng mga manonood sa kanilang primetime series.

"I'm very, very happy 'cause ito yung first na primetime soap ko dito sa ABS. So malaki ang pasasalamat ng buong staff, crew, kaming lahat ng bumubuo ng Dahil May Isang Ikaw, sa pagsuporta nila sa amin.

"I'm so happy kasi marami sa mga friends ko ang nagte-text or nagli-leave ng message sa Facebook. Nagugulat ako 'cause hindi ko ine-expect na ganito nila susuportahan ang show namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN