Kris Bernal denies being sighted at Starbucks kissing Carlo Aquino

IMAGE 0


Kris says she hasn't seen Carlo for a long time but cops to having an MU with love teammate Aljur Abrenica. That doesn't mean, though, that they're already on: "Kasi pag nai-in love ako, nakakalimutan ko ang trabaho ko. Totoo yun. Proven na yun and tested. So better na single, and happy naman ako sa amin ni Aljur kung anumang meron kami ngayon."


Headline sa isang tabloid na nakita raw na magkasama kamakailan sina Kris Bernal at Carlo Aquino ng alas dos ng madaling araw sa Starbucks Commonwealth. At nahuli daw silang naghahalikan. Sabi tuloy ng mga nakakita, si Carlo raw siguro ang talagang boyfriend ni Kris at hindi totoong ka-MU (mutual understanding) niya na ang ka-love team na si Aljur Abrenica.

Nagkaroon ng chance ang PEP (Philipppine Entertainment Portal) na makausap si Kris kagabi, September 18, nang hindi sinasadyang makita namin siya sa Shakey's Tomas Morato. Tinanong ng PEP si Kris kung totoo ang balita tungkol sa kanila ni Carlo.

"Hindi totoo yun. Hindi kami lumalabas," tanggi ni Kris.

"Magkaibigan kami ni Carlo. Naging close kami nung nagkasama kami sa Dapat Ka Bang Mahalin? Lagi kasi kaming nagkikita sa set kaya naging close kami. Pero ganoon lang,"

Aminado naman si Kris na may isang time na nagkasama sila ni Carlo sa Starbucks. Pero sobrang tagal na raw n'on.

"Not even ngayon o last week, matagal na. Pero hindi kami naghalikan. Sobrang OA naman ng balita. Nakakaloka lang. Parang sobra yata.

"Nahihiya din ako kay Carlo kasi siyempre sa side niya, totoo namang hindi kami nagkikita at wala talagang meron sa aming dalawa."

May communication pa rin ba sila ni Carlo kahit wala na sa ere ang Dapat Ka Bang Mahalin?

"Oo, may communication pa rin kami," sagot ni Kris. "Alam ko ang number niya at alam niya rin ang number ko. Pero hindi rin kami magka-text nang every day."

NOTHING BETWEEN ALJUR AND RICH. Ayon pa kay Kris, malabo raw na ligawan o maging sila ni Carlo dahil alam naman daw nito ang tungkol sa kanila ni Aljur.

"Kinukuwento ko naman kay Carlo yung tungkol sa amin ni Aljur."

Pero bakit may mga lumalabas na balita na ang talagang girlfriend daw ni Aljur ay si Rich Asuncion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung sa kanila naman ni Rich, alam ko rin namang wala. Kasi unang-una si Aljur naman, kinukuwento rin naman niya sa akin na wala talagang meron sa kanila ni Rich. Saka nakita ko naman yung friendship nila, yung closeness nila, nakita ko naman kung ano lang talaga sila. So hindi ko binibigyan ng malisya. Saka kaibigan ko kasi si Rich.

"Nakikita ko rin naman na pag kami-kami ang magkakasama, wala namang something sa kanila."

Ayon diumano sa mga pinsan ni Aljur, ang gusto raw nilang maging girlfriend niya ay isang morena tulad ni Rich. Parang pinalalabas nila na gusto nila si Rich para kay Aljur. Ano ang reaksyon ni Kris tungkol dito?

"Ay, hindi ba ako morena?" natatawang sambit ni Kris.

"Pero okey lang yun sa akin. Saka si Rich, maganda naman talaga siya, morena beauty siya."

Kahit MU na nga sina Aljur at Kris ay puwede pa rin naman daw manligaw sa iba si Aljur. Pero si Kris ay hindi raw tumatanggap ng suitors.

"Kasi unang-una, ayaw ko rin munang magka-boyfriend. Kasi pag nai-in love ako, nakakalimutan ko ang trabaho ko. Totoo yun. Proven na yun and tested. So better na single, and happy naman ako sa amin ni Aljur kung anumang meron kami ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN