PEP EXCLUSIVE: Tanya Garcia on annulment of partner Mark Lapid's marriage to Yuri Park: "Everything is falling into place."

IMAGE 0


Tanya Garcia on church wedding: "Siguro for formality's sake, yun... pero, para na rin naman kaming mag-asawa. So, parang ano na lang yun, e, parang icing on the cake." She and Mark Lapid have been together for more than three years now.


Annulled na ang kasal ni Mark Lapid kay Yuri Park.

Ito ang isa sa mga importanteng anunsiyo na ibinigay ng dating governor ng Pampanga sa birthday party ng anak nila ni Tanya Garcia na si Mischa Amidala.

Matatandaan na noong May 9, 2007, lumantad dito sa PEP (Philippine Enetrtainment Portal) si Yuri Park para sabihing, "Mark T. Lapid is married man and a father of one year and eight months old baby girl." (Click to read story.)

Mga tatlong taon din daw ang kanilang hinintay bago ilabas ng Las Vegas court sa Nevada ang resulta ng annulment petition ng anak ni Senator Lito Lapid. Mismong si Mark ang kumuha ng resulta sa Las Vegas, at noong September 8, inilabas ang desisyon ng korte.

Siyempre, masayang-masaya si Tanya at litaw na litaw ang kanyang mga dimples.

Aniya, "Masaya kasi, everything is falling into place. Nandiyan na ang mga hinihintay namin. Actually, September 8 siya nadesisyunan, pero, the other day lang nakuha yung papers talaga.

"Although kahit paano, alam na nga namin, di ba, ganoon yun? Pero hangga't wala pa talaga yung paper, dun ka pa lang makakasigurado."

Matagal din niyang ipinagdasal na mangyari ito, at natutuwa siya dahil nagbunga rin ang kanilang paghihintay.

Sabi ni Tanya, "Well, honestly, hindi na namin napag-uusapan yun. Parang ano na lang naman yun, papel na lang naman yun. Alam naman namin ang totoo at yun ang importante. Pero siyempre, 'eto yung, like other people, yun ang hinahanap. Yun ang parang proof na ganoon... Pero siyempre, masaya.

"Alam na rin naman namin na papunta na run kaya hindi na yun surprise at yung inaabangan talaga. At alam naman naming lalabas talaga ang truth na wala talagang ganoon na nangyari talaga."

WEDDING BELLS FOR TANYA AND MARK? Napansin naming masyadong hands on ang 28-year-old mom when it comes to organizing events. Sa katunayan, siya ang naging punong-abala sa bonggang first at second birthday parties ni Mischa. Magiging ganito rin ba siya sa napipintong church wedding nila ni Mark?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, di ba? Paano pa ang wedding?" ang mabilis niyang sagot. Pero...

"Dapat mag-ipon muna siya," dugtong niya. "Pero hindi, biro lang. Alam naman niyang doon na papunta yun. Hindi naman kasi ako madrama, e. Basta yun na yun."

Kelan ba ang plano nila pagpapakasal?

"Hindi muna siguro ngayong year ang wedding kasi, marami pang dapat asikasuhin. At saka, may ikakasal pa sa December, si Angelika dela Cruz, so, sa kanya na muna itong year na ito," ang pahayag ng dating Kapuso actress.

WEDDING OR BABY NUMBER TWO? Bago nagdiwang ng kaarawan si Mischa, naikuwento ni Tanya na gusto nila ni Mark ng baby brother para sa kanilang anak. Mababago ba ito ngayong nasa plano na ang wedding?

"Alam ko nga rin baby number two muna. Kasi talaga, ang plano namin, baby, 'tapos biglang lumabas nga yung annulment, so, we'll see. Kahit anong mauna," nakangiti pa rin niyang sabi.

Ngayong happy na siya bilang mother and wife, hindi na ba niya babalikan ang showbiz?

"I think so, kasi, wala na. Wala na rin ako sa showbiz," ang kanyang pahayag.

HAPPY WITH MARK. Kumusta ba si Mark bilang partner and father?

Ang kuwento niya, "As a father, he's really good. Good provider and everything... Okay siyang daddy talaga. He finds time for me and Mischa. As a husband also, okey siya kasi, kahit sobrang busy siya, once a week, he finds time na buong day, kami lang ni Misch. At kahit hindi ko siya paalalahanan kahit hindi Sunday, like kapag Sunday, siyempre family day. Pero kung Sunday na out-of-town siya, Tuesday or Thursday... Yung ganoon kaya wala naman akong reklamo sa kanya."

Suportado rin daw niya si Mark kung anuman ang gusto nito. Kaya kung public service ang goal nito, nasa likod lang daw siya ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN