Iza Calzado says rivalry with Sunshine Dizon should not be a big deal

IMAGE 0


"I am inspired that she is my ka-back-to-back. I know how talented she is. Like I keep saying, kaya kami inilagay dito is to strengthen the afternoon slot. And hindi siya competition kundi dapat tulungan to make the afternoon slot as strong as it can be," says Iza Calzado aboout back-to-back soap with rival Sunshine Dizon.


Matapos ang intrigang may samaan ng loob at magkaaway diumano ngayon ang Kapuso stars na sina Iza Calzado at Sunshine Dizon, nagsama ulit ang dalawa sa isang stage during the back-to-back grand press launch ng dalawang bagong handog ng GMA-7 afternoon drama shows—ang Sine Novela Presents Kaya Kong Abutin Ang Langit for Iza at Tinik Sa Dibdib for Sunshine. Ginanap ang launch kagabi, September 22, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Mismong si GMA Senior Vice President for Entertainment Wilma Galvante ang tumawag kina Iza at Sunshine para samahan siya habang dini-deliver niya ang kanyang speech. Ipinakita lang ni Ms. Wilma na hindi totoong magkaaway ang dalawa tulad ng nababalita.

After ng presscon ay na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama ang iba pang entertainment press, si Iza para tanungin tungkol sa naturang kaganapan.

Nang tawagin sila ni Ms. Wilma parang medyo natagalan silang mag-respond dito. Ano ang masasabi ni Iza rito?

"Hindi naman po kasi kasama sa blocking yun, e. Siyempre hindi namin alam yun. Bigla kaming tinawag," paliwanag ni Iza.

So, hindi totoong may tampuhan sila ni Sunshine?

"Wala, okay kami ni Sunshine. We're still friends. Kaya sana tigilan na yung pang-iintriga sa amin," sagot niya.

After the controversy, ano ang feeling na nagkasama ulit sila ni Sunshine sa isang stage?

"I'm very, very happy. Una muna pag-usapan natin na magkasama kami dun sa back-to-back timeslot sa Dramarama sa Hapon. I think there's nobody else who can play a Nora Aunor material apart from Sunshine. And I'm very pleased na siya yung ka-back-to-back ko because I know her strength as an actress and I know her too well.

"Sharing the stage with her tonight, it was good. After all the controversies, we're fine. We have shared the same stage before. Recently nga yung sa Dingdong Experience. The feeling? It's still the same," pahayag ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkausap ba sila backstage bago ang cast presentation ng kanilang mga Sine Novela?

"Hindi kami nagkita, kasi nga nasa taas ako by the time na tinawag kami. But we did say hi naman. Nagkita rin kami sa SOP kahapon," aniya.


RIVALRY WITH SUNSHINE. Natsa-challenge ba siya sa back-to-back Sine Novela nila ni Sunshine?

"Challenge is not the word. I am inspired that she is my ka-back-to-back. I know how talented she is. Like I keep saying, kaya kami inilagay dito is to strengthen the afternoon slot. And hindi siya competition kundi dapat tulungan to make the afternoon slot as strong as it can be," saad ni Iza.

Hindi maiiwasan na pagkumpitensiyahin sila, hindi lang sa kung sino ang mas magaling umarte kundi pati kung kaninong Sine Novela ang makakakuha ng mas mataas na rating. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, hindi kami dapat magpaapekto doon. Ano yun, we fight? Matanda na kami. I think we're above that, we're beyond that. We're both mature individuals. Malawak ang pang-unawa namin pareho. Naiintindihan na namin na this is just part of the business.

"Honestly, in all my years in the business, I never pressured myself when it comes to ratings. I can only do so much. I go to work. I try my best to get the job done to the best of my ability. If the audience does not like it, then the show has to do something about it. It's not just me. If it's me, I will still try my best. Hindi siya dapat parang to get the core of you, to shake you. Kasi kawawa ka rin sa bandang huli. Hindi kaya mabaliw-baliw ka at tumalon ka rin sa ilog katulad ni Clarissa Gardamonte [her character's name], di ba?" biro ni Iza.

Pati raw sa suot nilang gowns sa press launch ay tinalbugan niya si Sunshine dahil sa see-through V-shape ng kanyang gown sa may bandang dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ka ba? Wala yun!" natatawa niyang sabi. "Ang sabi kasi sa amin formal na blue for the red carpet. Huwag na kasing ganun. Alam n'yo 'yang damit, napakaliit na bagay 'yan. Look at the show. This is a presentation. Look at the acting. If this is a fashion shoot, if I look good then so be it. Let's not go there, ang babaw kasi, e. Huwag naman yung, 'Ay, mas maganda siya. Mas maganda yung damit niya.' Kawawa naman kami, baka pati mga kuko namin ma-compare na!"

Anong comment niya na pinalalabas na may rivalry sa pagitan nilang dalawa ni Sunshine?

"Competition is always there. But I don't see any reason why it should be a big deal," sagot ni Iza.

Sa tingin niya ba may advantage din yung pagsasabong sa kanilang dalawa?

"You know, it could be. Look at Vilma Santos and Nora Aunor, Sharon and Maricel. Yung rivalry nila, it worked for them. So, if it would work for us, then fine."

FIRST SINE NOVELA. Very excited nga si Iza sa kanyang first time na pagbibida sa sarili niyang Sine Novela sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7 via the TV version of Kaya Kong Abutin Ang Langit, na unang pinagbidahan sa pelikula ni Diamond Star Maricel Soriano noong 1984.

"Of course, I'm very happy. This is my first time. I'm very excited. It's a challenging role at nakakadagdag pa siguro yung kagalingan ni Ms. Maricel. And this made her a bigger star. Nagtanong-tanong kasi ako and sabi nila, itong pelikulang ito ang naglagay kay Ms. Maricel sa status ng pagiging aktres. Kumbaga, it brought her into a different level. So, it's a very important film. A lot of people love this film. So, I'm very honored na sa akin naibigay itong materyal na ito.

"One reason kaya ako happy na sa akin naibigay yung role na ito kasi it's about time for me to show my versatility as an actress or my range. Puwede rin siyang paraan para malaman ko kung saan ba talaga ako puwedeng mag-concentrate, di ba? Kasi for the longest time, puro drama na damsel in distress, kinakawawa, inaapi. So, it's high time na maiba naman," paliwanag ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya pinaghandaan ang mapanghamong bida-kontrabida role bilang si Clarissa Gardamonte?

"Siyempre pinanood ko yung original. Binasa ko yung script. Tapos kinausap ko si Direk Topel (Lee) kasi iba din nang konti yung treatment namin. Gusto kong malaman kung paano yung magiging treatment namin since iniba nga nang konti."

Gaano kahirap gampanan ang isang bida-kontrabida role?

"Masyado pang early to say something about how hard it is or how much I'm enjoying it. Kasi at this point, ine-establish pa lang namin yung characters namin. Hindi pa ako nakaka-taping ng ganung katagal para sabihin 'yan. Hindi pa kasi pumapasok yung sobrang maldita na Clarissa Gardamonte, kaya I think it's too early for me to say something about it. And I think I'm sure mag-e-enjoy ako. Siguro magiging mahirap siya kasi you have to stay something in between, e. The audience has to like you, pero you have to be a bad person at some point."

Is this something new for her?

"Yes, as bida-kontrabida," sagot niya. "Although nagkontrabida na ako noong araw sa Kung Mawawala Ka. And sa Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie, nagkontrabida ako kina Ogie Alcasid and Michael V, pero medyo weird na kontrabida yun. Iba yung pagkamaldita niya. It's for comedy kasi.

"Unlike dito sa Kaya Kong Abutin... seryoso yung pagkokontrabida kasi nga drama. Dito, sobrang nae-excite ako kasi mapaglalaruan ko siya, e. Alam mo, mahilig din ako dun sa mga memorable lines sa movie, yung kay Ms. Maricel talagang tumatatak siya. At tumatak talaga siya lalo na sa mga kapatid kong bading. Kaya naman excited ako."


WORKING WITH THE CAST.How is it working with comebacking actress Angelika dela Cruz, na gumaganap bilang si Nancy, ang kapatid ni Clarissa na unang ginampanan ni Gina Alajar?

"First time naming magsama ni Angelika. Magaling siya, magaling si Angelika. Masaya ako na siya ang nakasama ko dito sa soap opera na ito dahil, siyempre, bilang isang actress or any actor, you would love to work with somebody who's good in doing the scenes. Natatawa nga ako kasi nanganganay daw siya. Kasi matagal din yung naging pahinga niya. Sabi ko, 'Kaya mo 'yan. I mean, first few tapings lang 'yan and after that tuluy-tuloy na.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about working with Wendell Ramos na leading man niya sa soap?

"Hindi namin first time to work with each other, pero first time ko siyang maging leading man. First time namin since Sabel [movie with Judy Ann Santos], where I had my first intense kissing scene na talagang siya nga rin hindi niya makalimutan, ako rin. Kasi gusto talaga ni Direk Joel [Lamangan], more, more. Talagang my goodness, sobrang nginig ko, ginawa ko na lang talaga! Excited ako na makatrabaho ulit si Wendell dahil alam kong mahusay siya," sabi ni Iza.

Okay rin daw katrabaho si Lani Mercado na gumaganap na nanay nila ni Angelika.

"Okay rin katrabaho si Ms. Lani. Wala akong masasabing pangit sa kanya. Sincere kasi siyang tao and I think hanggang sa acting niya dala niya yun. You can feel it when you look into her eyes. The sincerity of her character is there."

MEETING MARICEL. Ayon kay Iza, na-meet niya recently ang Diamond Star sa birthday ni Phillip Salavador, pero hindi niya nasabi rito na siya ang gaganap sa TV remake ng Kaya Kong Abutin Ang Langit.

"Actually, nagkita kami sa birthday ni Kuya Ipe. Etong Calzado, kinabahan! Ang nasabi ko lang sa kanya, 'I like your Preview cover.' Hindi ko man lang nasabi sa kanya na, 'Ma'am, I'm going to do the remake of your film and I'm very honored.' Parang, hi po, ganun lang.

"Tapos nung paalis siya napa-kiss na lang ako, napa-hug ako nang konti. Wala na akong nasabi. Medyo natakot akong magtanong sa kanya. Actually, marami akong sayang moments in life that time dahil nahihiya ako, natatakot ako."

Hindi raw yun ang first time nilang magkita dahil nagkita na sila dati sa isang awards night at nagbatian naman daw sila.

Mapapanood na ang Sine Novela Presents Kaya Kong Abutin Ang Langit simula sa Lunes, September 28, pagkatapos ng Daisy Siyete sa Dramarama sa Hapon ng GMA. Susundan ito ng ka-back-to-back nitong Sine Novela Presents Tinik Sa Dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN