Wendell Ramos still misses Tito Dougs

IMAGE 0


"It's been three, four months... until now. Kasi, meron siyang picture sa bahay sa akin na nakaakbay ako sa kanya. E, di ba, ayaw ng picture nun? Ako, naka-smile. Tuwing darating ako sa bahay, yun ang palagi kong nakikita. Palagi kong nami-miss siyempre. Napapanaginipan ko minsan," says Wendell Ramos about his late manager Douglas Quijano.


Si Wendell Ramos ang gumaganap na leading man ni Iza Calzado sa upcoming Sine Novela ng GMA-7 na Kaya Kong Abutin Ang Langit, na magpa-pilot na sa September 28. Bagama't nagkapareha na sila ni Iza before sa pelikulang Sabel at nagkasama na rin sa primetime series na Lalola, ngayon pa lang daw sila magsasama sa isang mahabang serye.

Ayon kay Wendell, "Si Iza, palagi namang ano 'yan, very jolly 'yan. Very professional in terms of work dahil kay Direk Joel Lamangan. Kaya kapag nagkakaroon kami ng eksena kahit sa Lalola, kahit medyo comedy yun, nakikita mo yung seryoso siya noon and then, seryoso rin ako sa work ko. Pero actually, hindi pa kami nagkakaeksena ni Iza dito [Kaya Kong Abutin ang Langit] kaya excited din ako."

Naumpisahan na raw panoorin ni Wendell ang movie version ng Kaya Kong Abutin ang Langit, na pinagbidahan ni Maricel Soriano, pero nag-decide daw siyang huwag muna itong tapusin.

"Hindi ko pa tinatapos. Kasi ang nangyayari sa akin, kapag pinanood ko ang movie, nagiging conscious ako sa mga ginawa ng original. So, bumabase muna ako sa storyline. Tapos, 'saka ko na lang nire-review," paliwanag niya.

Ang papel ni William Martinez ang ginagampanan ni Wendell sa TV remake ng 1984 movie na Kaya Kong Abutin ang Langit, na idinirek noon ni Maryo J. de los Reyes. Si Topel Lee ang direktor sa TV version nito.

WENDELL'S LATE MANAGER. Wendell is one of the talents ng namayapang manager na si Douglas Quijano. He has been with Tito Dougs from day one na pumasok siya sa showbiz, kaya aminado si Wendell kung gaano kalalim ang naging epekto sa kanya ng biglaang pagpanaw ng manager.

"It's been three, four months... until now. Kasi, meron siyang picture sa bahay sa akin na nakaakbay ako sa kanya. E, di ba, ayaw ng picture nun? Ako, naka-smile. Tuwing darating ako sa bahay, yun ang palagi kong nakikita. Palagi kong nami-miss siyempre. Napapanaginipan ko minsan," kuwento ni Wendell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaparamdam ba sa kanya si Tito Dougs. Naniniwala ba siya sa ganoon?

"Hanggang sa paramdam, nagtataray pa rin! Parang feeling ko lang, dyino-joke ko lang sa house, kina Jomari [Yllana], sabi ko, 'Si Dougs, parang nagparamdam na sa akin noon'. Sabi nila, 'Anong nangyari?' Kaso, parang hindi tinuloy, parang nagsungit pa rin. Parang hanggang ganoon lang siya, dedma lang!" natawa niyang sabi.

Hindi kaya ang dahilan kung kaya nagparamdam sa kanya si Tito Dougs ay dahil siya ang isa sa mga naunang naghanap ng bagong manager?

"Hindi, actually, yun yung pinaka-ano ko noon, e. Marami ang nagtanong sa akin noon. Worried sila, e. 'Ano na ang magiging status mo n'yan? Kanino ka na? Sino na ang magha-handle sa 'yo?' Sabi ko sa kanila, 'Alam n'yo, hindi ko iniisip yung manager kasi hindi naman manager ko ang nawala sa akin,'" saad ni Wendell.

Dagdag niya, "Yeah, pero hinayaan ko lang sila Goma [Richard Gomez]. Parang mga nakakatandang kapatid. So, 'Kung ano ang desisyon n'yo, sama-sama tayo. Hindi ako hihiwalay sa inyo'. Pero dumating ang time na nagmi-meeting-meeting, parang may kanya-kanya yatang plano sa manager. Kaya sabi ko, noong tumatagal na, may mga offers na like sa Adik Sa 'Yo, hindi ako makapag-decide noon.

"Tapos, 'eto na nga, nagpaalam ako kay Goma. Sabi ko, siguro kailangan ko muna merong magha-handle sa akin, kasi hindi ako makapag-decide in terms of dealing sa mga ganitong project. Sabi naman niya, 'okey lang yun, walang kaso'. Very supportive naman sa akin si Goma."

Si Wyngard Tracy na ang nagma-manage ngayon kay Wendell, kasama sina Goma, Lucy Torres-Gomez, at John Estrada.

Among the talents of his late manager, siya ang isa sa hindi nababakante sa trabaho.

"Yeah, kaya nga very thankful din ako," sambit ni Wendell. "Noong times nga na nabakante rin ako for how many months, hanggang sa mawala si Dougs... Si Dougs, worried noon. Palaging, 'O, okay ka lang d'yan? Wala ka pang work. Darating din'. Tapos sabi ko, 'Dougs, walang problema'. Hindi ko siya prinessure, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin bumababa si Wendell sa level na leading-man status.

"Siguro inaano ko lang sa isip ko na ano ako, pang-actor ako na pangmatagal. Wala akong limitasyon para sa sarili ko na ayoko ng ganyan, gusto ko ng ganito. Kung ano ang sabihin ng director sa akin. Yung sa leading man, siguro dahil nakikita nila na seryoso ka pagdating mo sa set. Hindi ka namimili," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN