Dingdong Dantes and friends distribute food and relief goods

IMAGE 0


To those who plan to donate, the victims need the following: ready-to- eat food, bottled water, clean clothing, blankets, sleeping mats, hygiene kits, candles, and medicines (cold, alcohol, cough, diarrhea, fever, hypertension, pain reliever). To donate cash through Yes Pinoy Foundation: East West Bank Regalado Branch peso account: 1701045978, swift code Ewbcph mm, under the account name Yes Pinoy Foundation, Inc. Drop-off points for in-kind donations: Goldilocks Shaw Bo


Abalang-abala ang mga artista nitong weekend, kabilang na rito si Dingdong Dantes. Sa kalagitnaan ng hagupit ng bagyong si Ondoy noong Sabado, ika-26 ng Setyembre, halos hindi maistorbo ang lead star ng Stairway to Heaven dahil sa pangangalap nito ng relief goods at anumang tulong na puwedeng maipamahagi ng Yes Pinoy Foundation, na inilunsad niya nitong nakaraang buwan.

Gamit ang social networking site na Facebook, nag-usap-usap ang mga malalapit na kaibigan ng aktor para makabuo ng isang grupo ng volunteers na magbibigay ng donations sa mga nasalantang lugar.

Kahapon, ang staff members at volunteers ng YES Pinoy Foundation—kasama ang Pasig NGO's 3rd technical service battalion Philippine Marines at Barangay Manggahan, Pasig—ay nagbuo ng "Tindig Pinoy Laban Kay Ondoy," isang relief center sa covered court na katabi ng barangay hall.

Nagsimula ang pamamahagi ng mga goods at pagpapakain ng merienda sa flooded areas ng Napiko, Barangay Manggahan. Pagkatapos, dumiretso sila sa mismong barangay hall para sa isa pang feeding activity.

Para makapagbigay ng makakain sa mga hindi makalabas ng kanilang tahanan, nagbahay-bahay din sila Dingdong at ang kanyang mga kasama.

Sinubukang tawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso star kagabi para kumustahin ang kanyang relief operation, pero hindi siya makontak dahil walang cell phone signal sa lugar na pinuntahan ng kanyang grupo.

Ang kanyang manager na si Perry Lansigan ang sumagot ng aming tawag. Ayon dito, nagpaluto raw si Dingdong ng kanin at mga ulam para ipamigay sa mga biktimang nakulong sa kanilang tahanan ng ilang araw na.

Nakiusap din daw ang kanyang alaga na kanselahin ang kanyang mga appointment para makapag-focus siya sa relief operation na in-organisa ng kanyang grupo.

Bukod kay Dingdong, dumating din daw na sakay ng kanilang mga bike ang iba pang artista na tumulong din nang personal sa Yes Pinoy Foundation para mamahagi ng relief goods—sina Dennis Trillo, Antonio Aquitania, Gabby Eigenmann, at John Feir.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May halos 3,000 beneficiaries ang napakain at nabigyan ng relief goods. Ang nakakatuwang isipin, nagkakaisa ang halos lahat, artista man or ordinaryong tao, para madamayan ang mga nangangailangan ng tulong.

Buhay ang bayanihan spirit sa mga Pinoy!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN