Mischa Amidala celebrates Tinkerbell-inspired birthday party

IMAGE 0


Mark Lapid and Tanya Garcia's wish for their baby, Mischa Amidala: "Lumaking mabuting tao at makatapos ng pag-aaral."


September 19 marked the 2nd birthday party Mischa Amidala, the unica hija of Mark Lapid and Tanya Garcia. Majority of the birthday girl's guests were from Porac, Pampanga, but some relatives and friends of the couple came all the way from Manila, driving for about three hours.

Hindi naman maliligaw ang ang mga bisita sa pagpunta sa Marissa Hall, na pag-aari ng Lapid family, dahil may mga tarpaulin na ipinaskil mula sa San Fernando, Pampanga hanggang sa Porac na nagsilbing guide ng mga bisitang galing pa sa Manila.

PARTY DETAILS. Ang naging tema ng party ay Disney fairies, kaya naman ang costume ni Mischa ay kahalintulad ng kay Tinkerbell, isang karakter mula sa sikat na pelikulang Peter Pan.

The party was well-organized, despite the intermittent power interruption dahil kasagsagan din ang lakas ng ulan noong araw na iyon. Ayon kay Bianca Lapus, the party organizer, bale "execution" lang daw ang kanilang pinakialaman dahil halos lahat daw ng ideas, even to the smallest detail, ay galing kay Tanya.

Kuwento ni Bianca, "Naku, kahit yung mga table cover, pinsadya pa talaga niya yung color para nakasunod talaga sa motif. Siya rin yung nagsabi [kung] anong design. We made a new stage design na Tinkerbell kahit meron na kaming dating ginagamit, kasi, may certain idea siya na gustong masunod.

"Bilib nga ako kay Tanya kasi very hands-on talaga siya. Then, yung hair ni Mischa, gusto niya, magmukha talagang Tinkerbell, so, ako ang nag-suggest sa kanya na puwede siyang magpagawa sa shop ni Jennifer Sevilla, kaya yun, naka-hair extension ang bagets!"

Ayaw magbigay ng exact amount ni Bianca tungkol sa naging cost ng buong party, pero sa tingin daw niya ay malaki dahil mas magastos ang out-of-town party.

WELL-WISHERS. Ilan sa mga well-wishers ni Mischa ay ang lolo at lola niya sa both sides of her parents. In fairness, always present ang lolo Patrick and lola Cristy niya na parents ni Tanya at Lolo Lito and Lola Marissa naman niya sa side ni Mark, sa halos lahat ng parties niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumating din ang ilan sa mga celebrity friends ni Tanya gaya nina Angelika dela Cruz, who came with her son Gabriel and husband Orion. Kahit medyo na-late dahil sa traffic, nakahabol pa rin si Angelu de Leon at ang dalawa niyang anak na sina Nicole and Louise.

Nandun din sina Mommy Angeline and Aya, Dingdong Dantes's mom and sister, repectively, na parating imbitado sa mga parties ng dating aktres. Isa sa ninong ni Mischa ang dating leading man ni Tanya sa GMA-7. Kasama ng mommy at sis ni Dong ang anak ng Octo-Arts boss na si Katherine Ilacad, na isa ring ninang ng celebrator.

TREATS. It was definitely a fun-filled party, especially para sa mga kids na nag-enjoy talaga sa almost one hour magic show ni Ala Kim. Bukod pa rito siyempre ang mga games and prizes.

Siyempre, masayang-masaya si Mischa. Sa edad niyang dalawa, bibong-bibo at siya mismo ang nag-"thank you" sa kanyang mga bisita.

When asked about their birthday wishes for their baby, Mark said, "Wish namin sa anak namin, lumaki na healthy and it shows naman na healthy talaga siya. At ang problema namin, paano i-diet. Sa ngayon hindi pa niya naiintindihan, pero nandito naman kami. By the time sana na lumaki siya, I hope ma-appreciate naman niya. Kung ano ang hindi namin napagdaanan, ibinibigay namin sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN